mula sa beranda ay napalingon si aura sa tawag ng isang bata. " ate" kaya kaagad na nilapitan ni aura ang batang iyon. " kamusta ako ba ang tinatawag mo" pagtataka ni aura.
at sa puntong iyon ay muling narinig ni aura ang isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. " aurora anak" at sa kanya ngang pag harap ay muli nyang nakamtam ang pinaka inaasam nyang regalo sa lahat. " anak patawarin mo ako" wika ng mama ni aura bago sya yakapin ng mahigpit ng kanyang ina. Nang mga sandaling iyon ay muli ngang nalasap ni aura ang mainit na yakap ng kanyang ina.. ang kanyang kalungkutan at mangungulila ay tila mga bolang nawala.. ang kanyang araw araw na pananabik ay sa wakas ay nawakasan na. dahil ang pinapangarap nyang muli makamtan ay nakamtan nya na. " hindi ko alam kung papano ako hihinge ng tawad sayo anak.. nagbulagbulagan ako at di ka pinakinggan dahil sa galit patawarin mo ako anak ko " wika ng kanyang ina habang umiiyak. " ako ang dapat na huminge ng tawad sa inyo..mama dahil binaliwala ko ang lahat ng ginawa ninyon para saakin" wika ni aura. " mama sya po ba ang ate aurora ko" wika ng batang babae. " oo anak sya ang ate aurora mo" wika ng kanyang ina. "laura.. napakalaki mo na .. sanggol ka pa lamang ng iniwan kita" wika ni aura bago yakapin at kargahin si laura.
mula sa malayo ay nakangitin si joanna habang pinagmamasdan si aura kasama ang kanyang pamilya. " ligligin ko man ng regalo ang bilanguan ito..alam kong hindi magiging buo ang kasiyahan mo.. dahil kung anuman ang meron ka ngayon.. iyan ang tunay mong kaligayahan na matagal mo nang inaasam" wika ni joanna bago umalis at hinayaan muna si aura kasama ang kanyang pamilya.
sa tahimik na umaga na nang galing sa abalang gabi ay sinimulan muling ayusin at linisin ang tagalinis roon ang beranda ng bilanguang iyon. dahil narin sa iniwang kalat ng mga taong bumisita roon dahil sa araw ng kapaskuhan. ngunit bukod sa mga kalat na naiwan roon.. ay naiwan rin roon ang mga alala at pananabik ng gabing makapiling nila ang kanilang mga mahal sa buhay. naiwan at naroroon ang mga masasayang pagkakataon mga yakap at halik na parang ayaw na nilang wakasan... kaligayahang umaapaw at walang kahit anong sisidlan ang maaring paglagyan.
mula sa ikadalawang palapag ng bilanguang iyon ay nakita ni aura si joanna sa ibaba at nakaupo sa mga batong upuan habang nagiisa at nakatingin sa langit. kaya agad nya itong pinuntahan" paano mo iyon nagawa" wika ni aura. " ang alin" wika ni joanna bago humarap kay aura. " alam mo kung ano ang sinasabi..sinabi saakin ni mama ang lahat.. dapat daw akong magpasalamat sayo.. dahil ikaw daw ang gumawa ng paraan para muli kaming mag kasama.. bago mo sabihin sa kanya ang lahat lahat nangnangyari saakin.. bago ako makulong... kaya sagutin mo ko joanna papaano mo iyon nagawa" tanong ni aura.