"bakit imposible ko bang magawa iyo.. kung gusto mo ng masarap na palaman sa tinapay pumatay ka ng isang baka" wika ni joanna. " nakikiusap ako sayo.. wag mo sanang gawing biro ang lahat." wika ni aura. " aura kung ano man ang ginawa ko iyon ay para sayo.. sa inyo ng mama mo at ng kapatid mo.. hindi ka ba masaya na nakasama mo sila" wika ni joanna habang hawak ang mukha ni aura. " masaya ako masayang masaya at ipinagpapasalamat ko iyon sayo" wika ni aura. " aura hindi na mahalaga kung papaano ko iyon nagawa.. ang mahalaga.. naging masaya ka" wika ni joanna. "joanna naman alam ko ang lahat ng kalakaran sa bilangguang ito.. hindi ka nilang basta basta bibigyan dito ng isang importante pabor.. lalo wala ka namang kapanyarihan dito" wika ni aura nang biglang napahinto ng naalala si brenda. " sana mali ang iniisip ko" wika muli ni aura habang nakatingin ka joanna. " tama ang iniisip mo" sagot ni joanna. " si brenda" wika ni aura. " tama ka" sagot ni joanna. " pero bakit" wika ni aura habang nadismaya at napaupo na lamang.
sa puntong iyon ay dahan dahang umupo si joanna sa tabi ni aura at hinawakan ito sa kamay. "nalala mo ba ung mga panahong halos di ko na kayanin ang lahat ng nangyari sa akin dahil nakapatay ako at kung bakit ako nabilango..ikaw lang naroon para saakin.
ung mga panahong gusto ko nang sumuko at bumitaw.. naroon ka..ung mga panahong ninais ko na lamang na mamatay ikaw lang ang karamay ko.. ung mga panahong muli ako bumangon,ngumiti at muling naging ako at maging matatag.. ikaw lamang ang naging sandigan ko..ang naging kaibigan,kapatid at pamilya ko dito... lahat ng iyon aura...lahat ng iyon hindi ko kayang sulian.. hanggang sa nakahap ako ng pag kakataon. isang pag kakataong maaring makatulong sayo.. saatin..kaya nung mga araw na ibinulong ko kay brenda na kung bibigyan nya ko ng tatlong kahilingan na dapat nyang tuparin ay maari nya kong makuha. sinabi ko sa kanya na halikan nya ako at malalaman nyang hindi ako nagsisinungaling at iyon nga ang kanyang ginawa" paliwanag ni joanna. " kaya pala hinayaan mo lamang sya na halikan ka sa harap ng maraming tao" wika ni aura. " paano ka ba makakasakay ng libre sa pinapangarap mo kalesa. hindi ba' t magagawa mo lang iyon kung kilala mo o kaibigan mo ang may-ari ng kalesa.
aura.. wala akong ibang alam na paraan para sulian ang lahat lahat ng kabutihan na ginawa mo para saakin" wika ni joanna. " pero hindi mo naman kailangan gawin ang lahat ng iyon" sagot ni aura. " pero nagawa ko" sagot ni joanna. " hindi kita maintindihan" inis na sagot ni aura bago tuluyang iwan si joana.