sa ingay at gulo ng lugar na iyon..ay muling bumalik kay joanna ang ala ala ng kanyang kasintahan. sa kanyang pagtayo sa kama kung saan sya iniwang mag isa ni oscar ay maranhan ito tumayo at huminga ng malalim." marahil ay wala na nga syang natitirang pag mamahal sa akin.. at ang nangyari saamin kagabi ay ang huling gabi na minahal nya ako" wika nya sa sarili bago tuluyang tumayo.. at sa kanyang pag tayo ay napansin nya ang isang liham na nakaipit sa isang gasera na nakatayo sa lamesang katabi ng kanyang kamang hinihigaan. kaya agad nya itong binuksan para basahin. ( 3-28-sa hardin sa likod ng simbahan ng sta. maria katolika ng nebraska) iyon ang mga mensahing nilalaman ng sulat na iniwan ni oscar. " anu ang nais nyang iparating sa kanyang liham..alam ko na.. hindi kaya nais nyang muli kaming mag kita sa ikadawalang po't walong ng marso sa simbahan ng nebraska sa susunod na taon.. marahil iyon nga ang nais nyang iparating saakin.. limang buwan pa.. limang buwan... mag aantay ako aking mahal..darating ako pangako" wika nya sa sarili.
sa kalabit ng isang barista ay naputol ang pagbabalik tanaw ni joanna. " ayos ka lang ba..mukang malalim ang iniisip mo..ito para sayo" wika ng isang barista bago iabot ang alak na nasa baso. " hindi ko yan kayang bayaran" sagot ni joanna. "sinisingil ba kita.. para sayo talaga iyan ako mismo ang gumawa nyan.. isa kase ako barista dito napansin ko lang kase bukod sa mag isa ka parang malungkot karin" wika ng barista. " tatangapin ko lang ang iyong inaalok sa isang kuntdisyon.. iyong babae sa kabilang dulo na may lilang kasuutan.. isayaw mo sya kahit panandalian lang" wika ni joanna. paano kung hindi sya pumayag" wika ng lalaki. " edi iinumin ko ang alak na binibigay mo.. ang mahalaga subukan mo..pero mas mahalagang maisayaw mo sya..dahil pag nagawa mo iyon bibigyan kita ng dalawang halik sa iyong mgap pisngi pagkatapos kong inumin ang alak na bigay mo" wika ng joanna. " oo ba pumapayag ako pero ang usapan ay usapan" wika ng barista. " bilisan mo na bago pa matapos ang musika" ani ni joanna. Hindi nga nag dalawang isip ang barista na gawin ang hamon ni joanna at dahan dahan nyang kina usap ang babae. maya maya ay tumayo nga ang babae at iniabot ang kanyang kamay sa barista at sumayaw na sila.." mahusay sya.. at hindi na iyon kataka taka sa kisig at sa ganda nyang lalaki mukhang walang babae ang maaari syang tanggihan. matapos iyon ay muling bumalik ang barita sa kinauupuan ni joanna." nagawa ko.. at alam kong alam mo na talo ka" wika ng barista. agad na tumayo si joanna habang bitbit ang baso na may alak at itinaas ito bago inumin.. matapos nya inumin ang alak ay agad nya itong iniabot sa barista " maraming salamat sayo" wika ng joanna. " salamat lang ganoon lang iyon" pagtataka ng barista. " marunong akong tumupad ng pangako..maganda kang lalaki..makisig at mabait" wika ni joanna bago halikan ang kanang pisngi ng barista. " ngunit hindi iyon sapat para maggustuhan kita...may mahal na akong iba.. at mas mabuting ibaling mo na lamang ang iyong pag tingin sa bababing iyong isinayaw kanina" mga bulong ni joanna bago nya muling halikan ang kaliwang pisngi ng barista.. at bago nya tuluyang iwan ang lugar na iyon.