Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 33 - chapter 33

Chapter 33 - chapter 33

mula sa nagdaungang palad na iyon ay nagsimulang mahulog sa lupa ang binhi ng puso ni joanna..binhing inalagan sa dilig at init ng pagmamahal ni alejandro.. at mula sa binhi ay unti unting lumitaw sa lupa ang mga sanga ng pagtitiwala..pagtitiwala na nabunga ng kasiyahan at kasiyaha na kumapit sa isang pangako.. at tulad ng isang krisanta namulaklak ng ang lahat ng paghihirap ni alejandro.
mula sa maliit na bintana sa ikatlong palapag na inuupahang silid ni joanna ay inilapag nya ang isang krisanta na nasa isang paso. " nakakatuwa namang isipin napakabilis ng pahanon pag masdan mo ang iyong sarili isa kana ngayong ganap na bulaklak.. napakaganda mong pagmasdan" wika ni joanna habang kinakausap ang kanyang bulaklak..
mula sa katok sa pintuan ng unuupang silid ni joanna ay agad itong napangiti. " tulad ng inaasahan ko alam kong ikaw yan" wika ni joanna matapos buksan ang pinto. " mukhang maganda ang araw na ito.. maganda ang mga ngiti ng mata mo..na parang nagsasabing maaari na akong pumasok.. tama ba ako" wika ni alejandro. "bakit ko naman ipagdadamot ang silid na ito sa taong nag babayad ng upa nito" wika ni joanna bago papasukin si alejandro at pinainum ng mainit na tyaa.
mula sa maliit na salang kanilang pinaglalagyan ay nagulat si joanna ng kanyang maramdaman mula sa kanyang leeg ang isang napakagandang kwentas na inilagay ni alejandro sa kanyang leeg. " para saan ito" tanong ni joanna. " sabihin na nating isang regalo o isang pasasalamat..sa lahat ng ligayang ibinigay mo saakin" wika ni alejandro." ligaya"pagtataka ni joanna. " oo ang makasama ka kasabay ng mga ngiti mo ay isa nang kaligayahan para saakin.. at alam mo naman kong gaano kita kamahal" wika ni alejandro. " kasabay noon ay marahang tumayo si joanna sa harapan ni alejandro at mula nga doon ay kanyang ipinadama kay alejandro ang kanyang napakatamis na halik..halik na nag sasabing ang pag mamahal sa kanya ni alejandro ay kaya nya nang suklian.. isang matamis na oo.. matamis na sagot na halos tatlong buwang inantay ni alejandro.
mula nung mga araw na iyon ay muli ngang binuksan ni joanna ang kanyang puso para sa iba..at tuluyan nalang na kalimutan si oscar at bigyan ng pagkakataon si alejandro.
Ang bawat araw, linggo, buwan at taon ay naliglig ng pagmamahalan.. ang dating gabing malamig ay nagkaroon ng kayakap.. ang dating mainit na tanghali ay nagkaroon lilim..sa bawat ulan at ng karoon ng masisilungan..ang pag mamahal na akala ni joanna ay hindi nya na muling mararamdaman.
Mula noon ay napagdesisyunan na ni alejandro na doon nalang sa kanyang tahanan mamalagi si joanna bagay na sinangayunan naman ni joanna.
Lunan ng isang magarang itim na sasakyan kung saan nakasakay si joanna doon ay laking gulat nya.. nang pasukin nya ang bukana ng napakalawak na lupain ni alejandro.. napakaganda ng lugar na iyon napakahabang kalsada na Nalilibutan ng matataas at nag gagandahan puno.. mula doon ay nakita nya kong papaano bumukas ang napakalaking tarangkahan..
At doon ay sinalubong sya ng mga babaeng may magagandang kasuutan na tila nag tatanghal sa tyatro.. doon ay agad na nilinisan ang kanyang katawan at agad syang binigisan nag magarang kasuutan bago sya sayawan ng mga mangtatanghal.
" mahal ko.. naririto na tayo " wika ni alejadro na gumising kay joanna mula sa kanyang panahigip. " isa lang palang panaginip" wika ni joanna bago bumaba ng sasakyan.
Mula sa pag baba ni joanna sa sasakyan ay muli ito g nagulat dahil sadyang napakaganda at napakalaki ng tahanan ni alejandro tahanang maaari mong matawag masyon.
Mula sa labas ay agad silang sinalubong 
Ng isang babaeng medyo may edad na ang mayordoma ng masyo na iyon.. " maligayang pagdating " wika ng mayordoma. 
Napakaganda ng tatlong palapag na masyon na iyon.. malawak ang hardin nito mula sa likuran..
May malaking balkunahe na matatanawan ang kalawakan ng lugar na iyon. Isang mansyon na maaring pinangarap na ng lahat nanakakakita rito.
     Mula ng mga araw na iyon ay muling nagkakulay ang masyon na iyon.. ang dating tahimik na lugar na iyon ay napuno ng halakhakan at saya ng dahil sa pag ibig... ang dating blankong hapag ay umapaw sa  masasarap na pagkain at samahan.. na tila wala nang kalalagyan.. 
Mula  rin doon ay nasabi ni joanna na hindi sya nagkamali na binigyan nya ulit ng pag kakataon ang kanyang sarili na muling lumigaya.
Nguniit tulad ng panahon nagbabago ang lahat.
tulad ng makinang na pinta na kukupas sa paglaon ng panahon.. kagaya ng iniingatang damit na maglalaho ang tibay at ganda sa kapag ito'y naluma..
Makalipas lamang ang halos limang buwan ang dating tubig na malinaw ay tila nahaluan  ng langis. ang dating tahimik at masayang hapag na iyon ay tila nagiba. Doon ay madalas nang napapansin ni joanna  na may ilang gabi o araw na bigla bigala nalang na nawawala si alejandro. madalas gumigising  si joanna na wala sa masyon si alejandro.. ngunit maliban doon..  hindi rin nag tagal ay mas nangamba sya sa kanyang mga nasaksihan pa.. doon ay madalas nya napapansin si alejandro na nag sasalita mag isa  na tila may kausap  kahit wala naman ito g kasama.. madalas nya rin itong napapansin na tila takot na takot at umiiyak.. aminado si joanna  na natatakot na sya para sa kalagayan ni alejandro.. ngunit hindi naman nya ito  magawang tanungin ng harapan.