Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 38 - chapter 38

Chapter 38 - chapter 38

lulan ng sasakyan habang nililisan ni joanna ang lugar na iyon ay nag wika ito sa kanyang sarili.
" sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili.. at lumagak kung saan ako naroroon.. ngunit ang maging magisa at magaling ang syang nais ko..dahil ang lahat ng mga bagay at katotohanan ay ipinagkait nyo saakin...ngayon masasabi ko sa sarili ko na Hindi ito pag-ibig, hindi ito pag-ibig....ito ay isang perpektong ilusyon.. kaya marami ang nagkakamali at nalilinlang ng pag ibig..
marahil ang pagmamahal ni oscar at ni alejandro sa akin ay di sapat o di tunay. isang perpektong ilusyon..na Hindi kailangan makita ng aking mga mata.. bagkos kailangan ko lang itong madama.. bakit ba kailangan na ipagkait pa saakin ang maging masaya.. bakit kailangan pang danasin ko ang lahat ng ito.. naging mabuti naman akong tao.. pero ang maging masaya sapol pa ng ako ay bata pa.. ay hindi ko na naranasan pa" mga wika ni joanna habang umiiyak..
Halis isang linggo lamang ang lumipas... isang araw ay biglang na naisip ni joanna na muling balikan ang kapeteryang kung saan dati nag tratrabaho at kung saan nya unang nakilala si oscar.
"ang iyong taglay na aroma ay hindi parin nag iiba..ang masarap na amoy ng mga pagkain dito ay ang syang nagpapaalala saakin ng mga ala ala ni oscar.." wika ni joanna bago umupo sa kapeteryang iyon at bago muling ilabas ang mga takip ng bote o tansan na naggaling pa kay oscar noon.." tanging ang mga tansan nalang na ito ang tanging alaala naiwan mo saakin..o mahal kong oscar.. papaano ba ang kalimutan ka.. papano sana aya bumalik pa ang lahat sa panahong hindi pa kita kakilala.. papaano ko ba aawatin ang aking sarili na hanapin pa ang mga yakap mo at mga halik.( huminga ng malalim) marahil panahon narin para kalimutan kita.. panahon na siguro para sumuko.. aaminin ko.. ang aking puso ay ayaw pang tumigil na hanapin ka . ngunit pagod na ang aking isip at diwa" wika ni joanna.. matapos iyon ay kaagad syang umalis sa lugar na iyon at iniwanan nya na nga sa lamesa ang lahat ng tansan na ibinigay sa kanya ni oscar.
ngunit hindi pa man sya nakakaayo ay narinig nya ang isang tawag. " sandali lang" wika ng isang babae bago lingunin ni joanna. " sayo galing ang mga tansan ito.. tama..( tumungo si joanna) ilang taon ka nyang hinanap.. hindi ko na nga mabilang kung ilang beses syang nag pabalikbalik dito at umaasang makita ka nya uli" wika ng babae. " kilala nyo po ba si oscar" wika ni joanna. " kilalang kilala..marahil ay hindi mo ako kakilala..ngunit isa ako sa nag mamayari ng kapeteryang ito..at ako ang pinakamatalik na kaibigan ng nanay ni oscar kaya nga kinuha nya akong ninang ng batang iyon( si oscar)..nung mga panahong nakita kita na pumasok dito upang mamasukan bilang taga silbi..aaminin ko.. ayoko sanang tanggapin ka.. ngunit sa kahilingan narin ng aking inaanak ay tinanggap kita.. doon pa lamang ay alam ko nang gusto ka nya..oo sya ang dahilan kung bakit ka nakapagtrabaho sa lugar na ito noon.. sya rin ang nag hanap ng iyong matutuluyang kwarto at ipinasabi na lamang nya sa mga kasama mo.. upang makarating saiyo..kung alam mo lamang . lage syang naririto at laging nakabantay sa iyo.. hindi mo lang siguro sya napapansin dahil abala ka ng mga panahong iyon..hanggang sa nagkakilala nga kayo.. alam mo iha napakalaki ng tulong na nagawa ko sa aking inaanak..binigyan mong muli ng kulay ang kanyang mga mata lalo nang minahal mo sya..muling nagkaroon ng pagasa ang kanyan buhay at muling maniwala .. at binigyan mo sya ng dahilan para muling ipagpatuloy ang kanyang buhay na akala nya ay magtatapos na.. iha..nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mong pagmamahal para sa kanya" wika ng babae. " ano po ang ibig nyong sabihin" tanong ni joanna