"hindi ko po kayo maintindian..wag nyo naman po ako iwanan uli tulad ng dati" wika ni lina. "kung alam mo lang na ang tanging pangarap ko ay ang makasama ang lahat ng mga taong mahahalaga sa akin..ngunit ang lahat nang iyon ay huli na.. marahil ang libingan ng aking pagsisisi ay hinuhukay na nila " wika ni joanna bago tumayo sa harapan ni lina at agad na itinaas ang kamay habang nakatingin sa likod ni lina. matapos iyon ay agad na nilingon ni lina ang kanyang nasa likuran at mula nga doon at sumampal sa kanya ang lahat ng katutuhanan "binibining joanna... na nagtatago sa pangalang moner...itaas mo ang iyong mga kamay...inaaresto ka namin sa salang pag takas sa kulungan walong taon na ang lumipas..inaaresto karin namin sa pag patay at pagsunog mo sayong sariling asawa na si alejandro..at paglason at pagpatay sa dalawang pong katao sa nebraska.." wika ng mga pulis habang nakatutok kay joanna ang mga baril... habang nakataas ang mga kamay nito. " hindi nyo na iyan kailangan gawin sasama ako ng mahinahon saiyo" wika ni joanna bago halikan si lina. " naway mapatawad mo ang pugante at kriminal na katulad ko.. inaasahan ko na tutuparin mo ang lahat ng sinabi ko..mahal na mahal kita anak" wika ni joanna..bago tuluyang iwan si ana habang ito ay tulala..
mula sa tunog ng tambusyo ng sasakyan na sinakyan ni joanna kasama ang mga pulis at muling magdadala kay joanna sa kulungang minsan nya nang tinakasan ay agad na lumingon si lina.." ma.. ma..mama!! mama!!" wika ni nila habang hinahabol ang sasakyang iyon...habang umiiyak.
mula sa maliit na salamin na nasa unahan ng sasakyan kung saan makikita mo ang nasa iyong likuran ay pikit matang iniwas ni joanna ang kayang tingin kay lina habang hinahabol sya nito.." marahil ang pag papatawad mo na lamang ang tanging bagay na matatangap ko sa lahat ng nagawa ko..ngunit para sa sarili ko ay wala akong pinag sisihan.. dahil mawala man ako sa mundo ito ay nagawa at ginawa ko naman ang lahat ng ninanais ko.. at alam ko na ang mga putik sa aking mukha ay di na kayang linisin pa ng kahit anong pag mamakaawa.. kaya mas nanaisin ko nalang na tanggapin ang mga lupang malapit nang tatabon saakin."
mga wika ni joanna habang tinatahak ang naturang bilanguan.
mula sa paahan ng tarangkahan ng bilangguang iyon ay dahan dahang ngang pinagmasdan muli ni joanna ang kabuuhan ng kulungan iyon.. kasabay noon ay nakuha na nga ni oscar ang liham sa kanya ni joanna at kaagad itong binasa.