mahal ko oscar.
siguro habang binabasa mo ang liham na ito ay nasa piling na muli ako ng kulungan minsan kong tinakasan..nais ko sanang ang mga kamay ko ang hawak mo sa huling pagpikit ng mga mata mo dito sa mundo..pero patawarin mo sana ako dahil hindi ko na iyon magagawa..
nang mga panahong nagkita tayong muli..ay alam kung malapit na kong mahanap na ako ng mga pulis na kaytagal nang naghahanap saakin..kaya pinagpasyahan ko na lisanin ka upang puntahan ang aking anak na si lina..at mayakap ko man lang sya bago ako tuluyang mawala..sanay hindi mawaglit saiyong isipan na kahit kailan ay minahal kita higit pa sa aking buhay..marahil ay sa kabilang buhay na tayo magkita.. at sanay mapatawad ako ng dyos sa lahat ng aking nagawa..nang sa ganon ay sa langit na natin maipagpatuloy ang ating pagmamahalan..masakit man na tanggapin na dito na magwawakas ang mga ala alang ating ipinunla sa lupa.. ngunit alam ko na darating ang isang panahon na muling sisibol ang ating pag mamahalan upang ito ay ating ipagpatuloy muli.. sanay wag mo akong kalimutan.
mga sulat ni joanna kay oscar. matapos ngang mabasa ni oscar ang liham ni joanna kasabay noon ay muli ngang napagmasdan ni joanna ng kabuuhan ng bilangguang iyon.. " tulad na inaasahan ko.. muli tayong nag kita.. nakakatawa lamang isipin bakit tila nananabik ako sayo..ikaw na nagkulong saakin mga kasabikan.. ikaw na nagkulong nang aking kalayaan.. ikaw na bilangguan na minsan kong tinakaaan.. ikaw oo ikaw.. ikaw na magiging saksi ng aking kamatayan.." wika ni joanna.
lumipas ang dalawang araw.. sa isang pamilyar na tawag ay napalingon si joanna." joanna" wika ng isang matalik na kaibigan na agad nilingon ni joanna.. "aura" sabik na wika ni joanna bago yakapin ng mahigpit si aura. " buhay ka..ang buong akala ko ay wala kana..masaya ako dahil nakita kita muli" wika ni joanna..
mula sa upuang bato kung saan madalas umuupo sila joanna at aura ay noon ay doon nila napiling magkwentuhan. mula doon ay kaagad ikinuwento ni aura ang lahat ng nagyari sa kanya ng mga panahong nawala si joanna .. gayon di naman ang ginawa ni joanna.. ikinuwento nya rin ang lahat ng nangyari sa kanya sa labas ng kulungan. " alam mo aura napaka saya ko sa lahat nang nanyari saakin.. nakita kong muli ang anak ko na si lina..at muli ko syang nakasama.. kahit ikaw na matalik kong kaibigan ay muli kong nakita at nakasama.. at si oscar.. oo.. nagkita kaming muli" wika ni joanna. " hindi ka totoong masaya joanna .. nakikita ko sa iyong mga mata ang takot at kalungkutan" wika ni aura. " kaibigan nga talaga ka kita.. wala ako maililihim saiyo..alam ko na pagkatapos nito ay hindi ko na sila muli pang makikita..alam mo aura.. noon di ako takot mamatay.. dahil akala ko noon nabubuhay ako sa mundong ito na walang dahilan.. hanggang sa nakilala ko kayo.. ikaw.. si calde si lina..si merry.. at si oscar.. lahat kayo.. lahat kayo.. ang nagparamdam sakin ng masarap mabuhay sa mundo.. lalo nang kung minamahal ka at nagmamahal ka..kaya ngayon nagkaroon na ako ng takot na mamatay... pero.. ito na ang kapalaran ko at dapat ko iyong tanggaapin.. alam ko na hindi na ako magtatagal.. at alam kong alam mo aura ang ibig kong sabihin.. tanggap kona.. alam kong kamatayan ang parusang ipapataw saakin..ng bilangguang ito.. bagay na nararapat lamang saakin at bagay na dapat kong tangapin..palage ka sanang mag iingat aura...