Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 43 - chapter 43

Chapter 43 - chapter 43

" palagi mong tatandaan na hindi ka nagiisa.. mula doon sa aking pupuntahan ay palagi kita babantayan.... at pangako ko sayo na hinding hindi na muling malalagay sa kapahamakan ang iyong buhay..maari kang umiyak saaking pagkawala.. ngunit di ka pwedeng malungkot.. dahil walang kaboteng tumutubo sa marupok na kahoy ng mag isa..isipin mo na lage mo akong kasama" mga pamamaalam ni joanna bago sya yakapin ng mahigpit ni aura habang umiiyak at bago dumating ang araw ng kanyang katapusan.
sa isang silid na balot sa bato..at haligi ng rehas na bakal kung saan naroroon si joanna ay pumasok ang dalawang pulis. " hmm mukhang hindi bakas sa iyong mga mukha...ang pagkabahala.. pinapaalala ko lamang saiyo na ito na ang huling tanghalian na mararanasan mo.. hmm kainin mo na ang lahat ng nais mong kainin na nasa lamesang iyan..dahil matapos ang ala una ng tanghali ay.. dadalhin ka na namin sa iyong huling hatungan" wika ng isang pulis.
" sandali lamang..hindi ang mga pagkaing iyan ang nais kong maranasan bago ako mamatay.. wala akong ibang nais kung di ang muling makita at mapuntahan ang likod ng bilangguang ito.. kung saan kami madalas nagpupunta ni aura. nais ko sanang makalanghap ng sariwang hangin mula doon..kahit tatlong pong minuto lamang.. sanay mapagbigyan nyo ako sa aking huling kahilingan" wika ni joana..
mula naman doon ay nag pasalamat si oscar kay lina sa huling pagkakataon at nangako naman si lina na bibigyan nya nang magandang libingan si oscar sakaling mawala na ito tulad ng nais ni joanna..
mula naman sa likuran ng bilangguang iyon ay muli ngang nilanghap ni joanna ang kanyang mga huling sandali. "mamamaalam na ako sa mga hangin na ngayon ko nalang malalanghap.. mamamaalam na ako sayo malaking bilangguan na tahanan ng mga pirapiraso kong ala ala.. oh ..diyos ko..nawa'y mapatawad nyo po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko" mga wika ni joanna bago marinig ang isang boses. " tignan mo nga naman ang kapalaran..ang akala ko ay hindi na kita muli pang makikita bago ka man lang mamatay" wika ni brenda. " ikinagagalak ko na muli kang makita brenda..ikaw na itim na tupa sa gitna ng parang..ikaw na tila unyango na napakagaling magtago at magpanggap..ikaw na tila ahas sa desyerto na napakagaling manukso..ikaw brenda.. ikaw na walang katulad.. hayaan mong bigyan kita ng isang halik bago man lang ako mamatay" wika ni joanna na agad lumapit at bumulong kay brenda. " hindi ko kayang sampalin ka ng aking mga halik.. ngunit kaya kong ipangako sayo na hindi pa ito ang huli nating pag kikita... dahil sinisigurado ko na mauuna ka sa empyernong pinapangarap ko para sayo" wika ni joanna.. bago ilabas ang isang makalawang na patalim at kaagad na itinarak ito sa sikmura ni brenda... na sya namang ikinatumba ni brenda..
mula sa malayo ay nasaksiyan ni aura at ng iba pa ang ginawa ni joanna kay brenda..kasabay noon ay agad ngang dumating ang mga pulis na kaagad inilabas ang mga baril at itinutok lahat kay joanna