Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 44 - chapter 44

Chapter 44 - chapter 44

itaas mo ang iyong mga kamay..at wag mong tatangkaing humarap"wika ng isang pulis. ngunit hindi iyon ang nangyari.. marahang humarap si joanna sa mga pulis at dahan dahang nag lakad papalapit sa mga pulis..bagay na ang tulak sa isang pulis na sya ay barilin.. mula sa isang tama ng baril sa kanyang kanang balikat.. ay naghihingalo narin si oscar ng mga oras na iyon sa naturang ospital..sa bawat lakad ni joanna papalapit sa mga pulis ay sinasalubong sya ng mga bala na tila di nya iniinda.. sa bawat tama sa kanua ng mga bala ng baril sa paa, kamay. dibdib..kasabay noon.. ay ang pagaagaw buhay ni oscar na halos malagutan na nag hininga..at sa huling putok na bumasag sa bungo ni joanna ay gumalapak sa lupa ang duguang at wala nag buhay na si joanna.. kasabay noon ay tuluyan na ngang binawian ng buhay si oscar sa naturang ospital.

mula sa malayo ay nakita ni aura ng masakit na pagkawala ng kanyang kaibigan na si joannabat mula sa mga luha nito na wariy nagsasabing paalam at salamat kaibigan ay tumalikod si aura.. at tinaggap na lamang ang sinapit ng kanyang kaibigan..

sa mga bulaklak na inilapag sa paahan ng libingan nila joanna at oscar dalawang linggo ang lumipas ay nag wika si lina.

"sa iyo ginoong oscar.. alam ko na mabuti kang tao.. kaya nga ikaw ang piniling mahalin ng mama ko.. sana ay nagustuhan mo ang iyong libingan.. at tulad ng sinabi saakin ni mama pagandahin ko daw ang iyong libingan.. pero nakita mo naman di ko lang ito pinaganda.. isinama ko pa sa iyong tabi ang mga labi ni mama.. nang sa ganoon ay maging magkasama kayo habang buhay.. sana ay masaya na kayong dalawa dahil ang pagsasamang iyong inaasam nang napakatagal na panahon sa wakas ay nangyari na.. masaya ako.. at alam kong masaya narin si papa na makita ka mama na masaya sa piling na iyong tunay na minamahal na si ginoong oscar..dahil alam naman ni papa na sya talaga ang iyong tunay na minamahal.. masaya ako kase makakapiling mo na sa wakas ang iyong mga magulang.. ang iyong mama at papa.. makakapiling mo narin si ate merry..at alam ko na iyang ang mga bagay na mag papasya saiyo ma..sanay mahanap mo rin ang kapatawaran dyan sa puso mo.. para sa mga taong gumawa sayo ng masama..dahilan kong bakit mo nagawa ang mga bagay na dapat di mo na nagawa..ma.. hindi kita kahit kailan papatawarin.. dahil dito sa puso ko alam kong wala kang ginawang masama saakin. at mahal na mahal kita..at hindi kita kahit kailan sisisihin sa lahat ng nagawa mo.. ikaw na nagparamdam saakin ng tunay na pagmamahal ng isang ina..

pagmamahal na walang pinipiling dugo.. mahal na mahal kita ma.. ipahatid mo rin sana kay papa ang aking pagmamahal.." pamamaalam ni lina.sa kaniyang ina.