Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 40 - chapter 40

Chapter 40 - chapter 40

matapos ang dalawang linggo.. ay mas minabuti ni joanna na umalis at di magpaalam kay oscar upang pumunta sa isang lugar kung saan naroroon ang isang pangako..
kung marunong ka nang manghuli ng isda bakit ka pa mamimingwit. kung alam mo nang di kahit kailan mangyayari na lalapit ang pantalan sa barko bakit mo pa ito aasahan..kung ang mga bagay na iyong nalalaman ay mas malalaman mo kaagad... hindi bat mas mainan iyon..dahil mas handa kapa sa isang batang maagang pumasok sa kanyang eskwelahan o sa isang binatilyong nais tumakbo sa umaga para mag papawis..o kaya naman sa isang ina na maagang pinaarawan sa araw ang kanyang sanggol na anak.
mula sa mabasa basang iskinita ay tumakbo ang mga paang nais makatakas. mga tibok, kabog ng kaba ay paulit ulit na kumakatok sa kanyang uluhan na nagpapatulo ng walang katapusan nyang mga pawis habang tanan ang tapang at takot na tila isang igit sa ilog na di magpapahawak kaninuman..
mula sa isang pamilyar na tawag ay napalingon ang isang dalaga ." anak lina.. ako to ang iyong mama joanna" wika ni joanna bago tanggalin ang salamin sa mata. napakarami man ang nagbago sa imahe ni joanna, mula sa buhok kulay ng mata at balat.. ay hindi iyon naging handang upang ang dugo ni lina ay lumukso sa dugo n joanna. mula doon ay muling nayakap ni joanna ang kanyang anak na si lina at sa napakahigpit na yakap ay tila huminto ang lahat at wala silang ibang madama kung di ang init ng pananabik nila sa isat isa.. sa napakahabang panahon.. ang kanyang pangako na babalik sya ay nangyari na nga.. ngunit ang pag babalik nga bang iyong ay pangmatagalan na at hindi pansamantala..
sa halos dalawang araw na mag kasama sina joanna at lina ay walang inilihim si joanna at lahat ng nangyari sa kanya ay buong puso nyang ipinaalam kay lina. " kung may araw man akong kinasasabikan aking anak.. alam mong ito ang araw na ito.. ngunit bumalik lamang ako upang tuparin ang pangako ko" wika ni joanna."
" ano po ang ibig nyong sabihin" tanong ni lina. "hindi na ako mag tatagal anak..at marahil pati sa mundong ito ay hindi na ako magtagal.. napakarami kong ipinaglaban at isinakrepisyo..bago ko marating ang kung ako mang meron ako ngayon.. makinig kang mabuti aking anak.. marahil ay hindi ka nga nanggaling sa aking sinapupunan pero dito( tinuro ang puso) dito sa puso ko.. dito ka nag mula..mula sa pag mamahal sa akin ng iyong ama.. mula sa pagmamahal ko sayo.. at mula sa mag mamahal mo saamin ng iyong ama.. doon ka nag mula..at nabuo ang isang magmamahalan.( matapos iyon ay inilabas ni joanna ang isang naliit na maleta at inilabas ang maraming papeles) tanggapin mo ito lina...ito ang magpapatunay na sayo ko ipinamamana at ipinapangalan ang lahat ng ari arian at pera meron ako..alam kung gagamitin mo ito sa mabuti.. naririyan..din ang lukasyon ng aming lupain sa texas maari kang magpatayo ng bahay sa lupain namin doon na sayo na rin nakapangalan..pakaingatan mo sana ang lahat ng mga ipapamana ko sayo.. at wag na wag mong kalimutan ang tumulong sa iyong kapwa..
( matapos iyon ay iniabot na rin ang isang sobre) ito naman ay iabot mo sa mga magulang ng aking mahal na kaibigan na si aura.. nariyan narin ang eksaktong lokasyon ng dapat mong puntahan..mahalaga ang salaping iyan at alam kong kailangan nilang ng malaking halaga para makapagsimula.. at ito..( iniabot ang isang liham) nais kong maibigay mo ito at maiabot sa lalong madaling panahon.. nakasulat narin diyan ang lahat ng detalye na dapat mong puntahan.. lina.. gawin mo to para saakin mahalagang mabasa ni oscar ang liham ko ito bago pa sya mawala.. dahil baka pagkatapos nito ay sa kabilang buhay na kame magkita.. nawa'y bigyan nyo sya ng mapayapang libing at libingan.. at tulad ng iyong ama.. mahalaga rin sya saakin.. lina.. maraming maraming salamat.. at alam mo na maiintindihan mo lahat lahat.. mahal na mahal kita anak.. lagi mong pakaingatan ang sarili mo..at kung darating man ang panahon na handa kanang mag mahal.. wag na wag mong kakalimutang magtira para sa iyong sarili .. mahalin mo ang taong magmamahal sayo.. at maging maligaya ka.. dahil sa mundo ang pinakamahalaga ay ang kung saan ka magiging masaya.. dahil pag hindi mo iyon ginawa baka magsisi ka" wika ni joanna