Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 39 - chapter 39

Chapter 39 - chapter 39

mula doon ay dinala ng babaeng iyon si joanna sa isang prebadong ospital at mula nga doon ay muling nakita ni joanna ang lalaking napakatagal nya nang hinahanap. mula sa malambot na higaan ay nakita muli ni joanna ang bunga ng kanyang paghihirap. mahina at wala nang sigla ang mga mata ni oscar, ang dating matipunong katawan ay natuyo na at tila lantang gulay.."oh.. oscar" mahinahong tawag ni joanna na gumising kay oscar. " joanna ano nag iyong ginagawa dito" wika ni oscar habang nahihirap at di makaharap kay joanna.
"kung sasabihin mo saakin na kaya mo ako iniwan dahil may mahal ka nang iba..tatanggapin ko..!! ngunit hindi sa ganitong sitwasyon..bakit mo inilihim sa akin ang lahat bakit di mo agad sinabi saakin ang tungol sa karamdaman mo... oscar...mas gugustuhin ko pang masaktan sa mga sasabihin mo kesa hindi ko marinig lahat ng paliwanag mo bago ka mawala" wika ni joanna bago nya nadama ang dahan dahang pag dampi ng mga kamay ni oscar sa kanyang mga palad.. at mula nga doon ay tila napawi ang lahat ng panahon ginugol nya para hanapin si oscar. dahil sa mga kamay na iyon muling naramdaman ni joanna na may nagmamahal parin sa kanya. " kung sasabihin ko sayo ang lahat...mula noong una palang ay parang sinaktan narin kita..mahal ko joanna.. hindi ikaw kung hindi ako ang mas nasaktan ng iniwan kita ng gabing iyon sa likod ng simbahan... gusto kitang lingunin ng mga oras na iyon para yakapin at humingi ng tawad.. ngunit ang iwanan kang mag isa ay ang tanging dahilan na namayani saakin ng mga oras na iyon..hindi ko gusto na masaktan ka dahil iniwan kita.. pero mas hindi ko matatangap na masaktan ka at mahirapan kapag nalaman mo ang katutuhanan..joanna.. pakatandaan mo na ikaw lang ang una't huling babaeng minahal ko habang akoy nabubuhay.. hanggang ngayon na malapit na akong mamatay.. kaya ngayon winawakasan ko na lahat ng iyong katanungan.. at kung mawala man ako.. ay iiwan ko parin sayo ang aking buong pagmamahal..at mga masasayang alaala na kasama ka..joanna makinig ka.. ang karamdaman kong ito ay kakambal ko na mula pa nang ako ay isilang..at ang madama ang iyong pagmamahal ay tila isang gamot na pansamantalang tumatangal sa aking karamdaman" paliwanag ni oscar.
" may isang gabi na nanaginip ako.. na kailangan na raw nating mag hiwalay.. bagay na hindi ko maintindihan.. basta ang alam ko lamang ay kailangan kitang makita at makausap..
Kaya mag mula noon ay ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin kita at susundan saan ka man na roroon at mamahalin na parang huling araw ko na sa mundo..
Mahal ko.... kong gumumaw man o mag wakas na ang mundong ito nais ko malaman mo na sasamahan kita.. kahit sa ginta ng kasiyahang at mawalan man tayo ng oras dito sa mundo ay wala akong pakialam..
Dahil nais ko lamang na mahawakan ang iyong kamay.. kahit panandalinan o kahit hanggang tayo ay pumanaw.. ganoon kita kamahal... (umiyak)napakatagal kong nag antay.. para sa pagkakataong ito..at wala akong bagay na hindi dapat tanggapin mula sa iyo.. sa halos labing limang taon na hinanap kita.. aaminin ko.. halos yumuko na. ang aking pag asa na makita ka..dahilan kung bakit ko naibigay ang sarili ko sa iba .ngunit sinayang nya lang ang lahat( naalala. si alejandro) " wika ni joanna. "sanay makapiling pa kita sa mga nalalabing sandali mg buhay ko..naway buhayin mo uli ang pagasang hindi ko na makita..mahal kong joanna.. patawarin mo ako.. at nais. kong malaman mo na mahal na mahal kita" wika ni oscar bago sila nagyakapan ni joanna at muling ipalasap sa isat isa ang mga labing nananbik sa mga halik.
mula sa mga halik na iyon ay ibinaon na nga nila sa limot ang lahat ng nangyari.. at mas minabuti nalang nilang pagsaluhan ang natitirang panahon na hindi na kaya pang pihitin pabalik ng orasan..
sa halos isang linggong lumipas ay hindi nga lumayo si joanna kay oscar hindi dahil nalalabi na ang araw nito..kung di dahil gusto nyang sulitin ang mga oras na walang kasiguraduhan.