sa isang kainan sa gitna ng malawak at mainit na lugar napiling dalhin ni joanna ang iilan sa mga taga san felipe na kanya lamang naaalala.
" nais kong magpakasaya na kayo ngayon.. lubusin nyo na ang pag kakataong inihain ko sa inyo..sunggaban nyo na ang karanasang ngayon nyo lamang matitikman..dahil pag katapos nito..ay kikitilan ko kayong lahat ng buhay.. mga iportonistang isinusuka ng utak" wika ni joanna.
mula sa matatamis at maaalat na tinapay na binuhusan ng pulokpukyutan..sa mga sariwang gatas.. alak na gawa sa ubas, pinausukang karne ng pabo.. inihaw na tupa at baboy...mula doon ay lumabas si joanna habang nakasuoot ng damit na may desinyo na watawat ng estados unidos.." huwag kayong mahihiya kainin ang lahat ang nais nyong kainin.. alam ko na ang iba sa inyo ay ngayon lamang mararanasan ang ganitong pag kakataon.. wag kayong mahiya. at kumain na kayo.." wika ni joanna bago halos di magkandamayaw ang mga tao roon na sabik na sabik na kainin ang napakaraming pag kain na naroroon. matapos ang halos isang oras sa gitna ng katahimikan ng lugar na iyon ay biglang nagliparan ang mga uwak mula sa kable ng mga poste..ang mainit na hangin ay nadama ng iilan.. ang nakakalilabot na kulasing ng palanuting nakasabit sa pintuan ang syang tanging bagay na maririnig lamang ng mga sandaling iyon..
sa paulit ulit na ingay na nagmula sa tunog ng telepono..na walang kahit sino ang sumasagot. sa mga basong gumulong sa sahig bago mabasag..mula doon ay lumabas si joanna mula sa kusina.
" kinagagalak ko ang makita kayong nahihirapan bago malagutan ng buhay.. katulad ng kung papaano nyo sinunog ang aking bahay,buhay at pangarap.." mga wika ni joanna habang nakikitang naghihingalo na ang karamihan sa naturang kainan iyon habang ang iba naman ay wala ng buhay.." oo ako si joanna ang babaing minsang nyong inakusahan ng mga bagay na hindi ko naman ginawa.. ako si joanna ang babaing kahit kailan ay hindi nyo tinanggap bilang tao. ako si joanna na minsan nyo nang binalak patayin bago sunugin ang bahay ko.. kayo na pumatay kay calde na ama ni lina.. kayong lahat..ngayon sabihin nyo saakin masarap bang kainin ang mga pagkaing budbud ng lason. mga inutil...napakadali nyo naman palang paikutin.. tignan natin kung may isa sainyo ang makakatayo upang buksan ang pintuan at huminge ng tulong mula sa labas..paalam mga hangal na mamamayan ng san felipe..mag sama sama kayong lahat at si alejandro sa impyermo" mga wika ni joanna bago tuluyang iwan ang lugar na iyon