" nandudoon ako.. at nakita ko kung paano ka iniwan ng iyong ama sa ampunan...wala akong ginawa ng mga oras na iyon dahil ang tanging nasa isip ko lamang ng mga panahong iyong ay mapasaakin ang iyong ama. patawarin mo sana ako joanna patawarin mo sana ako mahal kong pamangkin( nagulat si joanna) oo.. ako ang nakababatang kapatid ng iyong ina.. at masakit para saakin na pagtaksilan ang aking sariling kapatid. at makitang iniiwan ang aking pamangkin sa bahay ampunan dahil lamang sa kasakiman ko" pag amin ni donna. " kapatid mo ang aking ina at tyakin kita.. pero bakit mo to nagawa sa pamilya ko" galit wika ni joanna. patawarin mo ako joanna. dahil sa pag mamahal ko sayong ama ay nagbulagbulagan ako at hindi na inisip kung ano ang mangyayari...patawain mo ko..sa loob ng siyam na buwan na nagsama kami ng iyong ama ay hindi parin ako pinapatulog ng aking kunsensya sa lahat ng ginawa ko.. hanggang may isang gabi..galit na galit na umuwe ang iyong ama...ilang gabi ka na raw nyang nakikita sa lugar na kanyang pinagtratrabahuhan..halos magmakaawa ka raw sa kanya na pansinin ka nya ngunit hindi nya iyon ginawa..halos madurog ang puso ko ng mga sandaling iyon dahil ang akala nya ay hindi ka nya tunay na anak kaya kinamumuhian ka nya..at ng gabing mismong iyon.. nang lakas loob na ako..at inamin ko na ang lahat lahat sa kanya..halos patayin nya ko sa galit nang malaman nya nag lahat lahat.. at nang gabi ding iyon kaagad syang bumalik kung saan ka nya huling nakita..pero madamot ang tadhana.. dahil hindi ka na raw na muling nakita..maniwala ka saakin joanna.. pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko sa inyo..matapos iyon ay hindi na muling pang umuwe ang iyong ama dito.. ilang buwan ang lumipas..nabalitaan ko nalang dalawang linggo na pala syang nakaratay sa ospital kaya kaagad ko syang pinuntahan.. halos gabi gabi ka raw nyang hinahanap.. halos gabi gabi rin daw syang umiinum at di kumakain..maging ang pagiging musikero nya ay napabayaan nya na.. hanggang sa nakalimutan na sya ng mga tao.. nang nakita ko sya sa ospital.. pinagtabuyan nya ako.. kahit hirap syang magsalita.. nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata..gayunpaman ay hindi ko parin sya iniwan dahil alam kong kailangan nya ng may karamay at magaalaga sa kanya.. at dumating na nga ang araw na kinakatakot ko.. pumanaw na ang iyong ama.. sumuko na ang kanyang katawan at di na nakayanan pa..at ang lahat ng iyon ay dahil saakin..joanna hindi ko alam kong papaano mo pa ako mapapatawad..
kaya mula ng mga araw na iyon isinumpa ka na aantayin kita.. araw araw ako nagdarasal na sana ay muli kitang makita.. upang paipagtapat sayo ang lahat at makahingi ng tawad...at sa lahat ng kasalanang ginawa ko dininig parin ng dyos ang panalangin ko..at dumating ka nga" wika ni donna bago subukang hawakan sa kamay si joanna ngunit umiwas si joanna. "hindi kita masisisi kung magagalit ka saakin..saktan mo ko..at tatanggapin kong lahat ng iyon..kahit pa ipasuplong mo ako sa mga pulis tatangapin ko..pero nais kong malaman mo na mahal na mahal ko ang iyong ina.. at nagawa ko lang ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal ko saiyong ama..patawarin mo ako joanna" wika muli ni donna bago lumuhod "tumayo ka dyan. at lumayas ka sa pamamahay na ito.. at wag na wag ka nang mag papakita saakin kahit na kailan..dahil kung mangyari man iyon patawarin na ako ng dyos sa magagawa ko sa iyo..umalis kana( sumigaw) umalis kana!!!!!" galit na wika ni joanna.