Sa pag alis ni donna sa tahanan ni joanna bitbit ang pagsisisi ay na iwan sa tahanang iyon ang mga alaalang sa pag pikit nalang ng mga mata makikita..mga yakap at halik na sa hangin mo nalang madarama..mga pangungulila at pananabik na winakasan na ng lupa.. mga panghihinayang at hiling na sana'y muli pang makasama.
Ang katutuhanang sumampal sa inosenteng kamalayan ni joanna ay nagdala sa kanya sa galit, poot at pagwala ng tiwala sa iba.
at mula sa palayang nadidilaan ng apoy na galing sa natutupok nilang tahanan.. matapos sunugin ni joanna ang kanilang tahanan isang araw ang lumipas.. ay nag wika ito sa may di kalayuan habang pinagmamasdan ang natutupok nilang tahanan.." tupukin mo na ang lahat ng ala alang papaso sa puso ko.. sunugin mo na ang lahat ng masasakit na nakaraan na lalapnos sa mga mukha na dadaanan ng mga luha ko.. dahil ngayon palang naabo na ang lahat ng pagasang pinanghahawakan ko" wika nya sa sarili.
sa mga tuyong damo na nakaligid sa paahan ng libingan ng mga magulang ni joanna na nasa kanyang harapan ay namaalam ito." nawa'y mapatawad ninyo nag isat isa.. alam ko na sa lahat ng nangyari ito...magkasama na kayo at masaya...maraming salamat sa lahat ng pangangaral at pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin..darating din ang araw na magkakasama tayong muli..at pag dumating ang araw na iyon.. wala akong ibang gagawin kung hindi hagkan kayo at yakapin ng walang higpit..paalam mga mahal kong magulang nakakalungkot mang isipin na hindi tayo nabigyan ng mahabang panahon para maging masaya.. ngunit gayon paman ay nagpapasalamat parin ako sa diyos dahil nananig parin ang buong katutuhanan..maraming salamat ..mahal na mahal ko kayong dalawa" pamamaalam ni joanna bago iwanan ang isang bugkos ng bulaklak at kandila sa libingan ng kanyang mga magulang.
sa lilim ng gawa ng mayabong na puno na may upuang bakal kung saan nakaupo si joanna..matapos tanggapin ang lahat lahat na nangyari sa kanya dalawang buwan ang lumipas..mula doon ay bumaling ang kanyang tingin sa isang lalaki may magandang tindig at porma..maganda ang pananamit nito at maganda ang ayos ng mga buhok..matangkad at mabuti at tila anghel na may matatamis na mga ngiti..dahilan kung bakit nabuo sa kaisipan ni joanna na sya ay hahalikan ng lalaking nasa kanyang harapan. " ayos ka lang ba" tanong ng lalaki. mula doon ay nagulat at nahiya si joanna dahil nasa kanya nang harapan ang lalaking kanyang pinapantasya. " ah.. oo..ah oo ayos lang ako" ilang na sagot ni joanna. " kanina pa kita pinagmamasdan mula sa malayo.. at bakas sa iyong mga mata na tila may bumabagabag saiyo" wika ng lalaki. " ayos lang talaga ako...may mga bagay lang akong naalala.. pero hindi mo na iyon dapat ikabahala pa" sagot ni joana. ang pangalan ko ay alejandro" pakilala ni alejandro bago iabot ang kanyang kamay. "ako naman si (nang mga sandaling iyon ay ninais na lamang ni joanna na hindi ibigay ang kanyang tunay na pangalan para sa kanyang kaligtasan) moner.. tama moner ang pangalan ko.." pakilala ni joanna bago nadama ang malambot na kamay ni alejadro.