Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 28 - chapter 28

Chapter 28 - chapter 28

matapos ang gabing iyon ay nagpatuloy nga ang buhay ni joanna buhay na tumatakbo sa pagkukunwari at pagkukubli.
lulan ng isang tren ay naglakbay si joanna bitbit ang pagasa patungo sa texas upang balikan ang isang lugar..lugar kung saan nananahan ang mga malulungkot na alaala. mula sa mga kabundukan na kanyang pinagmamasdan habang nasa loob sya ng tren ay nag wika ito sa kanyang sarili "sa buhay ..minsan may mga kwentong hindi natatapos.. ibat ibang kwento..mga kwento ng magkakapatid o nang mga magkakaibigan na di mag kaunawan..mga plano para sa kinabukasan..
mga pagkakamaling may katuturan..o mga matatapang na humaharap sa katutuhanan lahat iyon nangyayari.. ang kwentong sama samang tinapos ng magkakapatid..ang planong tinupad ng mga magkakaibigan ang pagtangap sa kamalian at talikuran ang nagpapanggap lahat ng iyon ay nagawa nila ng sama sama.. inaamin ko hindi ko kakayanin ang mabuhay mag isa.. ngunit aking nananisin ang maglakbay ng walang kasama.nais kong mabuhay sa pag lalakbay at marating ang buong mundo ang rassya,englatera maging ang paris o italia maging ang buong asya ang aprika ang indya at germanya ang bankok o australya, malisya pati na ang sweden at norway at marami pang iba...alam ko na ang mabuhay sa pangungulila ay di ko kakayanin..pero ang maging manglalakbay mag isa ang tapat kong gawin.
sa kanyang pag kawili ay nagulat sya sa isang kalabit ng isang matandang babae. " iha hindi bat sa texas din ang tungo mo.. aba'y malapit na tayo.. teka napansin ko lang malalim ata nag iyong iniisip" pagaalala ng matanda. " wag nyo na po akong alalahanin ayos lang po ako" sagot ni joanna. sa mainit na katanghalian matapos bumaba ni joanna sa tren ay naglagbay ito sa lugar na kanyang tahak tahak..
mainit ang lugar na iyon at maswerte ang isang bluke ng yelo kung ito ay tatagal sa gitna ng lugar na iyon. ngunit magandang pagkakataon naman iyong para sa mga halamang may matutulis na buhok na nakapaligid sa buong katawan nito. " napakatagal na nag ako'y lumisan dito..napakatagal ngunit muli akong naririto ...nakakatawang isipin sa lugar na tila puno ng pagtataka.. sa lugar na maraming malungkot na gabi akong umiiyak..sa lugar na ito.. ang lugar na akala ko ay hindi ko na muling babalikan.. ngayon muli ako nakatayo saiyong harapan oh mahal kong lungsod ng texas" aniya sa sarili. sa kanyang paglalakad ay agad ito napahinto sa isang pamilyar na lugar.ang lugar na minsan nyang tinakasan.. ang lugar na halos walong taong kumupkop sa kanya..ang bahay ampunan. ngunit hindi na iyon ang kanyang nadatnan..ang dating malawak na bakuran ng ampunan iyon na naliligiran ng mga punot halaman ngayon ay isa ng malaking paaralan ng mga batang nais matoto sa larangan ng pagsayaw. " nakakalungkot namang isipin ang buong akala ko ay masisilayan kita muli" aniya. sa pag iisip ni joanna ay di nya na napansin na dinala na pala sya ng kanyang mga paa sa loob ng paaralang iyon.