Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 30 - chapter 30

Chapter 30 - chapter 30

Sa hapag na may malamig na tubig matapos papasukin ng babae iyon si joanna sa loob ng kanilang tahanan ay nagsimula nga silang mag usap. " hindi ko akalain na daratin pa pala ang araw na ito.. ang buong akala ko ay habang buhay ako magsisisi..donna ang pangalan ko.. alam ko mahirap tanggapin.. pero ikinalukungkot ko.. pumanaw na ang iyong ama labing dalawang taon na ang nakalipas.. joanna patawarin mo ako.. malaki ang kasalanan ko sa inyo..
( umiyak at nag simulang mag paliwanag) malaki ang pagnanasa ko sa iyong ama ng mga panahong iyon at hindi ko matanggap na si tella ang iyong ina ang kanyang inibig at hindi ako..halos masiraan ako ng ulo ng malaman kong ikakasal na sila.halos gumuho ang lahat ng pagasa kong mamahalin pa ako ni robert...kaya nakagawa ako ng isang desisyon na sana ay hindi ko nalang ginawa.nagdadalang tao sayo ang iyong ina mga panahong iyon..at hindi ko alam kung papano kong nagawang lukuhin si robert at pagtaksilan ang iyong ina..naalala ko pa....apat na taon gulang ka pa lamang ng mga panahonh iyon.. nilason ko ang isip ng iyong ama.. at sinabi ko na hindi ka nya tunay na anak..at si delfin ang dating kasintahan ng iyong ina ang itinuro kung na tunay mong ama... kaya ang buong paniniwala ni robert ay hindi ka nya tunay anak at anak ka lang sa pag tataksil sa kanya ng iyong ina..hindi alam ni tella ang gagawin nya ng mga sandaling iyon ..dahil kahit si delfin ay sumangayon sa lahat ng aking plinaplano..upang mapaghiwalay lamang ang iyong mga magulang..at nagawa nga namin na mapaniwala ang iyong ama.. ang buong akala ni robert ay hindi sya talaga minahal ni tella at hindi ka nya tunay na anak" paliwanag ni donna.
" kaya pala lagi silang nag aaway ni papa at kaya bigla nalang nanlamig ang pakikitungo sa akin ni papa" wika ni joanna. " pero matapos iyon bumalik muli ang iyong ama...hindi nya parin iniwan ang iyong ina.. dahil ayaw nyang masira ang pangalang pinangangalagaan nya.. lalo nagsisimula palang makilala ang iyong ama ng mga panahong iyon..pero alam ko na ramdam ni tella ang biglang panlalamig sa kanyang ng iyong ama..dahil halos hindi na ito umuuwe dito sa inyong bahay" wika ni donna. " kaya pala minsan na lamang syang umuwe ng mga panahong iyon" wika ni joanna. "hanggang sa hindi na kinaya ni tella lahat ng sakit na nararamdaman nya.. hindi nya matanggap na ang sarili nyang asawa ay hindi magawang maniwala sa kanya..hindi nya matanggap kung papaanong bigla nalang nawala ang pagmamahal ni robert para sa kanya sa isang kasinungalingan na hindi nya naman ginawa..hanggang isang araw( napaluhod si donna) nabalitaan ko na lamang wala na ang iyong ina.. nagpakamatay sya..uminum sya ng nakalalasong gamot.... matapos mamatay ng iyong ina..napagdesisyunan ng iyong ama na dalhin ka sa bahay ampunan.. pero pinigilan ko sya..maniwala ka ilang beses ko syang pinigilan na wag ka nyang dalhin sa amapunan.. oo tama ka nandudoon ako ng mga oras na iyon..