mula sa unang palapag ng naturang paralan ay nakita nya ang karamihan sa mga estudyanteng naroroon habang nakatingin sa kanya mula sa balkunahe ng ikalawang palapag. mawalang galang na.. ani ang maipaglilingkod namin sa inyo " wika ng isang babae. " wala na man po.. nais ko lang po kase sanang makita ng loob ng paaralang ito" sagot ni joanna. " nais mo rin bang mapabilang sa mga magaaral dito" wika ng babae. "hindi po nag kakamali po kayo.. para po sa kaalaman ninyo isa po ako sa mga batang kinupkop ng ampunang dating nakalagak dito" wika ni joanna. " ah.. napakatagal na noon sampong taon na ..oo tama...sampong taon na ang nakalipas matapos ibinta ang lupang ito sa may ari ng paaralan ito..sa pag kakaalam ko ay naubusan daw ata ng sustento ang ampunan..di na rin daw kinakaya ng gobyerno na supurtahan ang ampunan kaya napagpasyahan nalang nilang ibinta ang ampunan para gawing malaking paaralan" paliwanag ng babae. " alam nyo po ba kung ano ang nangyari sa mga batang namalagi sa ampunan" tanong ni joanna. " sa pag kakaalam ko.. ang iba ay ipinaampo na kaagad kung kani kanino.. ang iba naman na nasa tang edad na ay binigyan ng hanapbuhay.. ang ibang natira naman at inilipat daw sa mas malaking bahay ampunan sa amerika.. sandali nga lang bakit ba ang dami mong tanong" wika ng babae. " ah.. wala naman po nakakapanghinayang at nakakalungkot lang po kase ang nangyari.. pasensya na po.. mauuna na po ako" wika ni joanna bago umalis ng lugar na iyon.
masakit man para kay joanna na ganoon na lamang ay kinahinatnan ng ampunan at tinanggap nya na lamang ito. at mula nga sa ampunanng iyon ay muli nga narating ni joanna ang lugar na kayang kinasasabikan.. ang lugar na tahanan ng kanyang mga alaala.. ang lugar kung saan isinilang ang kayang mga pangarap.. ang lugar na di nya kahit kailan makakalimutan ang kanilang tahanan..
mula sa bakuran ng kanilang tahanan ay sabik na pinagmasdan ni joanna ang kanilang tahanan at mula nga doon ay muling sumariwa kay joanna ang nakaraan.
"anak joanna...asan ba ang mga iyon". wika ng kanyang ina. " nandito kami sa labas ni joanna bakit hindi ka pumunta dito" wika ng kanyang ama. nandyadyaan lang pala kayo halika na kayo sa loob at kumain na tayo" aya ng kanyang ina. anak joanna alam mo ba..ngayon araw ikaw ang pinaka maswerteng bata sa buong texas.. alam mo kung bakit.. bukod sa kaarawan mo.. ipinagluto pa kita ng minatamisang tinapay na ako mismo ang nagmasa" wika ng kanyang ina bago hagkan ang anak. " tagala po mama" sagot ni joanna. " oo naman anak at marami pang iba" wika ng ina ni joanna bago kunin ng kanyang ama ang isang gitara." itong aking aawitin ang inaalay ko sa aking nag iisang prensesa" wika ng kanyang ama. mula nga doon ay nag awitan at nagsayawan sila habang nagsasaya. matapos iyon ay inaya na nga sila ng kanyang ina na kumain" roberto bakit wala kang damit pang itaas mag bihis ka nga at kakain na tayo" wika ng kanyang ina. "ang anak mo ang may kasalanan gusto nya raw suutin ang mahaba kong damit para mas mag mukha raw syang prensesa" wika ng kanyang ama habang tumatawa.
ang mga ala alang iyon ang ang unti-unti " nagpapangiti kay joanna. dahilan para maputol ang kanyang pag babalik tanaw. "kung sanay kaya lang nating maibalik ang nakaraan" aniya sa sarili. " iha.. may maipaglilingkod ba ako sayo" wika ng isang babae na may katandaan na nang galing sa loob ng kanilang tahanan. pasensya na po.. nagbabakasakali lang po kase ako.. na muling makita ang aking ama" wika ni joanna. " ang iyong ama.. maari ko bang malaman ang pangalan ng iyong ama" tanong ng babae. " robert po robertto debrian pero mas kilala po sya sa pangalang robert delbrian.. isa po syang sikat na musikero ng kanyang hinirasyon noon" wika ni joanna " tama nga si robert maganda ka nga.. kamukang kamuka mo ang iyong ama.. joanna." wika ni matandang babae.