Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 25 - chapter 25

Chapter 25 - chapter 25

mula sa pagka taranta ni joanna ay laking gulat nya ng may isang kamay na tumakip sa bibig nya at pilit syang hinila sa isang tagong lugar.
"saan mo balak pumunta" wika ni aura.
" aura??? anong ginagawa mo dito.. at tyaka alam mo naman kung bakit ako naririto" sagot ni joanna. " alam ko na tatakas ka pero bakit dito ka dadaan" wika ni aura.
" ito ang daan na itinuro saakin ni brenda" sagot ni joanna. " tuso talaga yang si brenda.. hindi talaga sya mapagkakatiwalaan" wika ni aura. " bakit" tanong joanna. " maling deriksyon ang ibinigay nya sayo..walang lagusan doon papalabas ng bilangguang ito..nais ka lang nyang mapahanak katulad ng ginawa nya sa iba..katulad nila niloko ka rin nya.. upang makuha nya lang ang gusto nya..lahat kayo.. sa bandang huli kayo rin ang kawawa.. malamang sa mga oras na ito ay sinabi nya na sa buong kapulisan na may nagtatakang tumakas..kaya agad nilang nalaman na tatakas ka...ganyan ang lagi nyang ginagawa.. kunwari ay tutulungan ka nya.. ngunit sa banda huli ay ipagkakalulo ka nya"wika ni aura "ha..pero.. bakit nya naman iyon gagawin.. " tanong ni joanna. " para maging mabango ang pangalan nya dito sa loob bilangguan..maging kilala at para makuha ang loob ng mga nagbabantay dito..kunwari ay isa sya sa mga tumutulong dito para mahuli ang mga nagnananis na tumakas pero ang totoo.. pinaplano nya ang lahat na iyon.. kaya nga naghahariharian sya dito.. at marami ang ilag sa kanya...dahil pinagkakatiwalaan sya ng ibang mga bantay dito" paliwanag ni aura.
" napakasama nya" wika ni joanna bago hawakan ni aura ang kanyang mga kamay. " sa ibaba ng talahibang ito kumaliwa ka.. at doon tumbukin mo ang dulo ng bakal na pader na naroroon.. at sa gilid noon ay may malaking bato at sa gilid noon ay gumawa ako ng hukay para makatakas ka" wika ni aura. " anung sinasabi mo" tanong ni joanna. " aaminin ko palihim kita sinusundan sa twing makikipag kita ka kay brenda.. at doon ko nga nalaman ang binabalak mong pag takas. kaya kita pinipigilan sa gusto mo dahil alam ko na ipapahamak ka lamang ni brenda.. pero huli na para makinig ka pa saakin.. buo na ang loob mo.. kaya gumawa nalang ako ng paraan para makatakas ka.. alam mo kung bakit.. kapag nahuli ka nila dito na tumatakas ay pahihirapan ka nila.. na maari mo pang ikamatay..kaya sige na joanna umalis kana.." wika ni aura. " pero papaano ka.." pagaalala ni joanna. " wag mo akong alalahanin isipin mo ang sarili mo.. kailangan mong makaalis.. habang tumatakas ka.. mag papakita ako sa kanila.. nang sa ganoon ay akalain nila na ako ang hinahanap nilang pugante.. at mabababling ang atensyon nila saakin.. kunin mo ang pag kakataong iyon para makatakas.. gawin mona." wika ni aura bago itulak si joanna papalayo. " maraming salamat sayo aura babalik ako...tandaan mo yan babalikan kita..pangako" wika ni joana bago tumakbo. mula sa malayo ay nakita nga ni joanna kung papaano sya nais na iligtas ng kanyang kaibigan..at mula rin sa malayo ay nasaksihan nya rin kung papaano barilin sa paa si aura ng mga pulis nang sya ay nakita.. kaagad sya pinahiga sa lupa at pinusasan at pinagsasaktan ng mga pulis. " patawarin mo ako aura.. maraming maraming salamat sayo.. babablikan kita pangako" wika ni joanna bago sya tuluyang umalis