sa madilim at makipot na kalye na tila sirkretong daan mula sa maliit na hukay ay lumitaw si joanna. nakakatakot ang lugar na iyon.. lugar na tila sa sinehan mo lamang makikita. Lugar na di inaakala ni joanna na kanya palang matatakasan. " patawarin sana ako ng dapat magpatawad saakin.. sa lahat ng aking nagawa" aniya sa sarili. sa halos tatlong oras na pagtatago at paglalakad ni joanna ay napadpad ito sa isang syudad na di nya alam kung saan. mula doon ay nakita nya ang isang lalaking may pusong babae na tila may hawak na lalagyanan ng mga pangkulurete... maganda ang pustura nya at sa kanyang itsura ay kayang kaya nyang linlangin ang mga lalaki na makakasalubong nya at akalaing isa syang tunay na babae..
hanggang sa isang ediya ang naisip ni joanna.
halos dalawang oras ang lumipas ay dahan dahang lumabas si joana na galing sa isang madilim na parte.
si joanna na may panibagong wangis at imahe
mula sa napakagandang puting peluka na kanyang sinuot.. kasabay ng magagandang kulurete sa mukha.. at kaakit akit na kausutan.. lahat ng iyon ay kanyang ginawa upang itago sa lahat ang kanyang tunay na pagkatao at itago sa lahat na sya ay isang pugante..bago nya iwan ang lalaking may pusong babae na nakahandusay sa isang malaking basurahan bago nya kunin ang lahat ng meron ang taon iyon.
sa mausok at mamasa masang kalye sa gitna ng hating gabi ay nagsimulang naglakad si joanna natila malayang bata. "magpapakasaya ako ngayon gabi..at hindi ako susuko..dahil ako'y pinuno ng mga mandirigma na nabubuhay ng masigasig.. magpapakasaya ang sa kadiliman at magmamahal ng lubos.. dahil ako ang sundalo ng aking sariling kawalan at walang sinuman ang maari makatalo sa akin" wika nya sa sarili.
sa isang lugar na maraming lasing o maraming taong nag iinuman habang magsasayaw ay kaagad na pumasok si joanna.. doon ay nilaso nya ang kanyang mataas na sapatos.. inihagis ang dyaket nyang maong at inayos ang maiksing pambaba, sinuot ang guwantes na may lambat na desinyo at sa kanyang pakiramdam sya ay Isang magiting na makasalanan l.. dahil sa lugar na kanyang kinalalagyan.. sa paglalakad ni joanna
sa loob ng naturang bahay inuman ay makarami nagulat sa kanyang kakaibang ora. sa isang solong lamesa na may solong upunan ay agad na umupo sa joanna..at sa kanyang pag upo ay napakadami nito napansin sa kanyang paligid . sa kanyang kaliwa ay naroroon ang isang babae na pilit hinihila ang kanyang kasintahan upang yayaing sumayaw..sa kanyang kanan naman ay naroroon ang isang lalaki na nakatingin at nandidiri sa isang babae tila nagmukhang maduming basahan ang damit dahil sa walang tigil na pag sasayaw nito. ang iba naman ay halos di na kayang balansehin ang kanilang mga katawan dahil sa kalasingan.
at mula sa maingay na musika ay nag kaisa ang lahat..ang mga paa nila ay nagkaisa ng talon.. ang mga ulo ay taas baba nilang nililingon..
ang mga katawan nila ay tila di napapagod...mga taong nalunod sa alak habang sumasayaw sa kadiliman.