tulad ng tubig sa dalampasigan na humalik sa paahan ng kastilyong buhangin na dahilan ng pagguho nito lahat ay may hangganan..katulad ng trusong palutang lutang sa kalawakan ng dagat ..darating ang panahon na mararanasan nitong humiga sa mainit na buhangin ng pampang.
isang kabadong hapon ang unti unting dumidilim..ang gabi na inaantay ni joanna. ang gabi ng kanyang pagtakas sa naturang bilangguan.
isang mahigpit na yakap at isang halik sa pisngi ang ibinigay ni joanna kay aura para mag paalam. " sanay lagi mong iingatan ang iyong sarili.. kung ito man ang huling pagkakataon na masilayan ko ang matapang mong mga mukha..nais kong malaman mo na napakasaya ko at mapalad na parang isang bata na nakainum ng nilalakong gatas na hindi binabayaran..ganon ako kaligaya.maraming maraming salamat sayo.. sa pagiging tunay..at mapagmahal na kaibigan" wika ni joanna bago muling halikan si aura.ngunit walang ibang ginawa si aura at tanging luha nya lamang sa mata ang iyong makikita na tila nag sasabi na wag syang iwan ni joanna
At dumating na nga ang gabi inaantay ni joanna.. ang gabi na walang kasiguraduhan.. ang gabi na maaring magbago ng kanyang kapalaran...ang gabi na maaring huling gabi na nang kanyang buhay. " siguro naman ay napagaralan mo nang mabuti ang mga deriksyon na itinuro ko sayo.. sa dulong ng ilog na iyan may isang malaking lagusan palabas ng bilangguan ito..dapat bago mag ika-pito ng gabi ay naroroon kana.. dahil iyon ang oras ng hapunan para walang kahit sinong makapansin sayo.. pero ito ang tatandaan mo joanna sa oras na mahuli ka nila.. maaari kang mapahamak.. at kung mangyari man iyon wag na wag mong idadawit ang akinh pangalan nagkakaitindihan ba tayo" wika ni brenda. " naiintindihan ko...kung hango sa bibliya ako ay mas higit pa..isang iportonistang mahalay na sinusuka ng utak.. ngunit sa kultura ko ako' y nagsasalita.. maari mo kong mahalikan muli ngunit di mo na ako muling makukuha.. mahal ko ang buhay ko.. ngunit may mga bagay na humihila saakin palayo dito.. maaring mas mahalaga ang aking buhay.. ngunit si oscar ang demonyong pinili ko..aalis na ako.. " mga salita ni joanna bago tuluyang gawin ang kanyang mga pinaplano.
sa siksikang talahibang binabaybay ni joanna ay naroon at kanyang kasama ang walang katapusang kaba, takot na nag tatago sa takot na nagnanais na makalpas, makatakas at makawala..sa liwanang ng buwan.. makalipas ang kalahating oras ay biglang nagulat si joanna.. dahil mula sa itaas ay nagkalat ang mga naglalakihang liwanag na nanggaling sa mga malalaking ilaw. tumunog ng malakas ang mga alarmang nagsasabing may nagtatakang tumakas. at mula doon ay nabahala at nagtaka si joanna kung papaanong nalaman ng mga kapulisan ang kanyang binabalak. at mula nga doon ay dinala sya ng kanyang mga paa kung saan saan .. kung saang maari nyang takasan ang lahat...kung saan maaari sya makahanap ng pagtataguan upang hindi maabutan.. paang ayaw mapagod.. kahit puno na sa galos at sugat
paang umaasa na sana ay may bukas pa syang maaapakan