sa tuwing nagtatapos ang buwan kung saan nakapaloob ang araw ng pasasalamat sa estados unidos ay nananabik ng ang lahat lalo na ang mga bata. sa pagkat dito na magsisimula ang buwan ng desyembre. ang buwan na tila may dalang mahika. sapagkat marami raw tao ang nagiging mabait sa panahong ito. ang buwan kung saan abala ang lahat sa pag hahanapbuhay sa opisina man o hindi. ang buwan kung saan nag kakaroon ng makukulay at maliliwanag na pailaw sa buong mundo. ang buwan kung saan ngumingiti ang bawat bintana dahil sa ibat ibang palamuti na nakasabit dito. ang buwan kung saan ngumingiti ang pampaskong puno dahil sa mga nag sisiksikang mga regalo na nasa kanyang paahan. ang buwan ng pagpapatawad at pagmamahalan. ang araw na taon taong ipinadiriwang ng lahat. ang buwan kung saan nakapaloob ang araw ng kapaskuhan.
"sasapit nanaman pala ang araw ng kapaskuhan kung di ako nagkakamali ito na ang pang apat na beses na mag papasko ako dito sa bilangguan" wika ni aura. " at ito naman ang unang pagkakataon ko.. papaano ba ipinagdiriwang dito ang araw ng kapaskuhan" wika ni joanna. " para saakin masaya naman.. marami kase akong natatangap na regalo mula sa ating mga kasama dito" sagot ni aura. " talaga.. nakakatuwa naman.. pero papaanong iyon nagyari.. papaanong marami kang natatangap ng regalo" tanong no joanna. " kung hindi mo naitatanong..bago pa ako makulong.. ay nag tratarbaho ako sa isang lugar kung saan maari kang mag paganda, mag pagupit ng buhok o magpalinis ng kuko sa kamay o paa. kaya pag may pagkakataon ay nililinis ko ang mga kuko nila dito at ang kapalit noon ay subrang pagkain para saakin. di naman kaya ang mga damit o mga gamit na maari kong gamitin..kung minsan ang libreng oras sa pagtulog. pero pag minalas ka.. wala haha.. at iyon ang dahilan kung bakit sila nagkakaroon ng utang saakin.. at sila ung mga nagbibigay ng regalo saakin tuwing pasko." wika ni aura. " tama ka masuwerte ka nga" wika ni joanna bago nya naalala si ina at natulala. " ayos ka lang ba" tanong ni aura. " wag kang magalala saakin ayos lamang ako may naalala lamang ako" wika ni joanna. " sa araw ng kapaskuhan ay binibigyan ang lahat ng bilanggo dito ng ilang oras na makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na bibisita sa kanila. ang iba naman na di madadalaw ng kanilang mga mahal sa buhay ay binibigyan parin ng pag kakataong makausap ang kanilan mahal sa buhay sa pamamagitang ng ilang minutong tawag sa telepono. pero sa apat na taon ko na nilagi dito hindi ko pa iyon nararanasan. hindi dahil wala na kong mga magulang o pamilya. alam ko na galit sila sa akin.. kaya hindi nila magawa na dalawin ako dito. bagay na hindi ko masisi sa kanila.. nung mga panahong iyon alam ko na ako lamang ang inahasahan ng aking magulang at ng dalawang buwan kong kapatid. halos igapang ako ng aking magulang para lamang makapag tapos ako sa pagaaral.ngunit binaliwala ko ang lahat ng iyon at alam kong nadismaya si mama saakin lalo ng nung nalaman nyang nakapatay ako at maaring makulong habang buhay. ang buong akala ko kase noon na ang lalaking iyon ang sagot sa lahat ng problema namin sa buhay..nangako sya na iaahon nya kami sa kahirapan kung magpapakasal ako sa kanya. bagay na dapat ay di ko pinaniwalaan. matapos kaming ikasal ay idinala nya ako sa ispanya at inilayo sa aking pamilya. halos araw araw akong nag mamakaawa sa kanya na gusto ko nang bumalik sa amin dahil gusto ko nang makita ang magulang at kapatid ko pero di sya pumapayag. halos gabi gabi nya akong sinasaktan may karga man o wala ng alak ang kanyang katawan. lahat iyon tiniis ko.. dahil gusto kong maging matatag para sa pamilya ko. pero isang gabi. nang hindi ko na kinaya ang lahat lahat ng ginagawa nya saakin.. sa di ko maipaliwanag na dahilan napatay ko sya. pero alam mo joanna kung ang iyong mas masakit. hindi naniwala si mama sa lahat ng sinabi ko hindi sya nainiwala sa lahat ng nangyari saakin.. isa raw akong sinungaling.. ang buong akala nya ay iniwan ko sila para sa lalaking iyon at nagpakasasa sa pera nya.. at dapat lang daw na makulong habang buhay dahil wala raw akong kwentang anak.