Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 19 - chapter 19

Chapter 19 - chapter 19

kaya mula noon ay tinanggap ko na lamang ang lahat ng nangyari saakin at lahat pa ng mangyayari saakin..hmm.. pasensya ka na naging madrama ata ako" wika ni aura habang umiiyak. " ano kaba wala iyon... nagpapasalamat pa nga ako sayo kase pinagkatiwalaan mo ako at kinuwento mo ang mga bagay na yan" wika ni joana. " ikaw ba.. sino ba ang dadalaw sayo dito sa darating na kapaskuhan ang mga magulang mo ba o baka naman ang iyong kasintahan " wika ni aura bago maalala muli ni joanna ang kanyang kasintahan.
" magulang.. wala na akong mga magulang matagal na silang nawala. at kung may isang pangalan man na nananahan sa aking isipan ay ang pangalan nya parin. matagal na panahon akong nag antay sa kanya matapos kaming magtalo ng gabing iyon. mula noon ay hindi ko na sya muling nakita. sya si oscar ang una' huling lalaking minahal ko. hinanap ko sya kung saan saan.. pinagtanungan ang dapat pagtanungan.. ngunit madamot ang tadhana. kaya sabi ko sa sarili ko..pag siya ay dumating handa na ko. kahit linisin ko ang mga paa nya gamit ang aking mga buhok gagawin ko.. kahit siguro lukuhin nya ako ng paulit uli at tatangapin ko parin sya. para saakin para syang isang hari na walang korona ngunit aking sinasaba. marami tao ang nag sasabi saakin na baliw ako at banal dahil minamahal ko raw si hudas. si hudas nga sya para sa paningin ng iba. dahil sabi nila ay pinagtaksilan nya ako. pero alam ko sa puso't isip ko sya lang ang tanging pipiliin at pinakamamahalin ko.. at naniniwala ako darating ang isang araw na muli naming ipagpapatuloy ang aming pagmamahalan " wika ni joana.
mula sa usapang iyon ay mabilis na tumakbo ang mga araw at sa ikalawang linggo ng desyembre ay nagpatuloy nga ang buhay nila sa loob ng naturang piitan.
tulad ng pilapil sa batuhan na di napapansin ang kanyang pagtubo o tulad ng mga kaboteng biglan na lamang na lumitaw sa mabasa basang kahoy. tulad ng isang papel na mabilis matupok ng apoy o kandilang mabilis na namamatay sa ihip ng hangin ang araw at ang oras ay mabilis na lumilipas nang hindi nila namamalayan.
ang dating unang araw ng desyembre ay tumakbo na sa wakas sa ika dalawangpo't apat na araw ng desyembre. ang araw na pinakahihintay ng lahat. sa araw na ito ay babatiin ka ng hindi mo kakilala na sya namang gagawin mo rin sa iba. ikaw ay ngingitian ng marami dahil nginingitian mo rin sila. habang ang iba naman ay nasa tahanan lamang nila at abala sa pagluluto ng kanilang ihahada para sa gabi ng noche buena.. habang ang mga bata naman ay naglalaro sa kung saan saan habang masasaya at kasama ang iba pang mga bata. at ang iba ay umaalis ng kanilang tahanan upang sa ibang lugar nila ipagdiwang ang araw ng kapaskuhan.
"tulad ng inaasahan ko marami nanaman akong natangap na regalo ngayon" wika ni aura. " sa dami ng natangap mo ngayon may hinihiling ka pa ba" wika ni joanna. " ah... wala na siguro" wika ni aura.
sa isang hapon kulay kahel ay nagsimulang umilaw at lumiwanag ang mga ilaw at ang ingay ng kasiyahan ay unti unting lumalakas. kasabay noon ay dumagsa na nga ang mga taong bumisita sa naturang bilangguan upang makasama panandalian ang kanilang mga mahal sa buhay.
mula sa paulit ulit na panawagan na galing sa malaking merkropono na nakakalat sa bawat sulok ng bilangguang iyon ay tila napansin ni aura na ang pangalang tinatawag ng paulit ulit ay ang pangalan nya. at sinasabi roon napumunta sya kaagad sa beranda ng bilanguan. kaya kaagad ngang pinuntahan nila aura at joanna ang naturang lugar. " marahil ay isa nanamang regalo ang matatangap ko" wika ni aura. " sana ay maging masaya ka ngayong araw ng kapaskuhan" wika ni joanna