Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 15 - chapter 15

Chapter 15 - chapter 15

tulad ng kaarawan ng isang tao na nagaganap lamang isang beses sa loob ng isang taon ay madalas na ibinibigay sa kanila ang bagay na nais nilang makuha o matangap na regalo. habang ang iba naman ay hinahayaang pumunta sa kung saan man nila nais pumunta o gawin ang kung ano man ang nais nilang gawin.
tuwing darating ang araw ng pasasalamat bago matapos ang taon sa estados unidos ay nagkakaroon ng malaking kaganapan o malaking pagdiriwang na ginaganap sa loob mismo ng pambansang bilangguan sa califonia. mula sa bilangguan na iyon ay hinahayaan nila ang lahat ng presong naroroon na gawin ang lahat ng nais nilang gawin kung hindi naman nila malalabag ang mga batas na naroon. maari rin nilang kainin ang lahat ng nais nilang kainin na pagkain na niluto at inihanda para sa araw ng pasasalamat. binibigyan din sila ng karapatan na suutin ang mga damit na nais nilang suutin . at kung suswertihin ay pag bibigyan rin silang uminum ng alak na naaayon lamang sa kanilang mga katinuan.
isa lang iyon sa mga kaganapan na mararanasan ni joanna sa loob ng kulungan sa unang pag kakataon.
mabilis na lumipas ang panahon sa halos dalawang buwan na pananatili ni joanna sa bilangguang iyon ay marami na syang naranasan,natutunan at nakilala katulad na lamang ni aura na naging matalik nyang kaibigan sa bilangguang iyon.
sa mumunting silong sa malawak at mainit na tanimang iyong madalas nag papahinga sila joanna sampo ng kanyang mga kasama. naghahanap sila ng magandang magkakataon na makakuha ng tyempo upang makapagpahinga at makatakas sa nakakapasong talahiban na maghapon nilang binubungkal. sa pag sapit naman ng gabi ay iindahin naman nila ang sakit ng kanilang mga katawan. katawang tila isang tipak na bato ang bigat dahil sa maghapong pagtratrabaho sa gitna ng arawan. sa pagsapit naman ng umaga ay pumipila sila sa kanya kanyan nilang mga hanay upang kunin ang rasyon ng kanilang mga pagkain upang agad na mag aagahan. matapos iyon ay gumagawa naman silang ng ibat ibang aktibedad na maaaring matulong sa kanilang kalusugan o sa kanilang mga kaisipan bago sila bumalik sa trabaho ibinigay o ipinagkatiwala sa kanila.
matapos iyon ay binibigyan sila ng mahabang oras upang magpahinga at makapalinis ng kanilang mga katawan o maligo ng maayos. nag kakaroon din sila dalawang beses sa isang linggo ng pagtitipon upang mag simba o makinig sa isang mesa.
maayos at tahimik ang bilangguang iyon at taliwas iyon sa inaakala ni joanna nang una nya itong nakita. kung hindi mo nga lang makikita ang mga naglalakihang mga pader at tarangkahan na nakapaligid sa bilangguang iyon ay hindi mo maiisip o iisip na ikaw ay nakapaloob sa bilangguang iyon at nanantiling preso. " alam mo joanna napapasin ko na tila nasasanay kana sa buhay dito at natutuwa ako doon.. naalala ko pa nga noong halos isang linggo ka pa lamang dito.. akala ko ay babaliw kana" biro ni aura. " inaamin ko noong mga unang araw at gabi na naririto ako..pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng ulo.. para akong isang babaing nanggaling sa marangyang buhay na biglang naghirap..para akong naputulan ng paa..ang buong akala ko ay mawawalan na ng saysay ang buhay ko rito..kung iisipin ko nga lang.. parang naging mas maayos pa ang buhay ko dito kesa dati.. hindi man tayo kaseng laya ng mga nasa labas.. ay nagagawa parin naman natin ang halos lahat ng gusto natin.. noon kapag nakikita ko ang mga nag tataasang mga pader na yan.. nagagalit ako..dahil tila lage nyang pinapaalala nya saakin ang minsang pagkakamaling nagawa ko.....ngunit ngayon aura...ngayon ko lang naisip na nais lamang sabihin ng malalaking mga pader na yan na lahat tayo ay maaring magsisi..
na lahat tayo at maari pang magbago..at andyan lamang sya at nagkatingin sa atin.. nandyan lamang ang mga pader na yan upang magsabi na tayo ay hindi masasamang tao.. nagkamali lamang."
wika ni joanna. " napakaganda ng iyong pananaw Joanna pero sa kasabay ng iyong pananaw ay magbago rin ang ating mga kapalaran. kahit siguro araw araw pang dumating ang ating kaarawan o umulan pa gabi gabi ng bulalakaw . hindi na siguro kahit kailan ibibigay saatin ang ating kalayaan" wika ni aura