Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 16 - chapter 16

Chapter 16 - chapter 16

isang gabi sa ingay na narinig ni joana mula sa labas ng selda nila ni aura ay bigla nalang silang nabulabog. " anong ingay iyon" tanong ni joana. " ganyan talaga sila dito masayado lang silang nananabik.. nakalimutan mo na ba.. bukas ng umaga na natin ipagdiriwang ang raw ng pasasalamat" paliwanag ni aura. " hindi bat parang napakaaga.. ang alam ko ay sa makalawa pa ang araw ng pasasalamat" sagot ni joana. " tama ka pero dito sa loob ng kulungan mas maaga nating ipinagdiriwang ang araw ng pasasalamat.. alam mo kung bakit.. bukas ng gabi matapos tayong mag diwang ng araw ng pasasalamat.. halos walong pursyento ng mga trabahante dito o mga nagbabantay dito ay mag kakaroon ng liban o sa madaling salita sila ay uuwe sa kanikanilang mga pamilya para doon ipagdiwang ang araw ng pasasalamat " paliwanag ni aura.
isang sabik na umaga ang gumising sa bilangguan sa california at ang kakaiba nilang mga kasuutan ang mas dumagdag pa ng kasiyahan ng umagang iyon. may iba na ang nagsuot na wari mo ay isang bukalista ng banda.. may ilan naman ay nag dagdag mga makukulay na kulurete sa kanilang mga mukha at nagsuot ng mga alahas na akala mo ay totoo ginto. habang may iba naman ay nag ayos lamang ng buhok at di naman masyadong nag suot ng magara at ang iba ay di na nag abala dahil baka wala silang masusuot o baka sila ay nahihiya. joanna bakit napakatagal mo namang magbihis alam mo nasasabik akong makita ka..mukang magugustuhan ng lahat ang kasuutan mo" pananabik ni aura.
sa paglabas ni joana mula sa palikuran kung saan sya nagbihis ay kaagad nagulat at natulala ang lahat. mula sa mataas at manipis na takong ng kanyang sapatos paakyat sa kanyang maikling pambaba na may punit punit na desinyo. patungo sa kapirasong pantaas na halos iluwa ng ang kanyang dibdib habang nakabukas Ang tyalekong gawa sa balat ng hayop. mula doon ay hindi napigilan ng lahat ang tumingin sa kanya bago umusok na tila isang sigarilyo ang salamin sa mata ng kanyang suot suot. lahat sila ay natulala sa isang napakagandang dilag na may kamay ng halimaw. " hindi lang isa..alam kong maraming bagay silang hindi nagugustuhan..sa aking kasuutan" wika ni joanna. " naiilang kaba" sagot ni aura. "kung ang kamatayan nga ay hindi ko kinakatakutan ano pang dahilan para matakot ako sa kung anuman. ito ang lagi mong iisipin aura kapag dumating na ang araw na maapakan mo na ang intabladong iyong pinapangarap gawin mo ang gusto mo..ang lahat ng gusto mo..umawit at sumayaw ka at hayaan mong pagmasdan ka lamang nila at di mag tatagal maririnig mo ang napakalakas nilang palakpakan at mula doon ay maari mo nang sabihin na nagtagumpay kana... katulad ng iilan na nasa paligid natin.. masdan mo sila namamangha sila saakin at parang nais nilang malaman ang aking pangalan " wika ni joanna.