sa pag lalakad nila joanna ay aura ay agad nilang napansin ang isang babae na may pusong lalaki. " sya si brenda isa syang pusong babae..kilala sya dito at kinakatakutan.. dahil narin sa laki ng grupong meron sya dito na sya mismo ang namumuno.. lahat ng bagay dito na magustuhan nya ay makukuha at makukuha nya kaya binabalaan kita wag na wag mo syang lalapitan" wika ni aura. " kung alam mo nang lalapain ka ng mabangis na asong gubat sa gubat.. unahan mo na sya at barilin sa ulo" wika ni joanna bago pumunta sa kinauupuan ni brenda. matapos itapon ni joanna ang kanyang salamin sa mata ay kaagad sya umupo sa tabi ni brenda.. at agad na binulungan ni joana si brenda.. matapos iyon ay nagulat ang lahat dahil agad na hinalikan ni brenda si joanna na pinagbigyan naman ni joanna. matapos ang ilang minutong halikan ni joana at brenda ay agad na tumayo si joanna at tumingin sa paligid bago bumalik sa kinatatayuan ni aura
" anong ginawa mo.. anong ibig sabihin nun" wika ni aura. " nakalimutan ko palang sabihin kung..wala kang namang baril para barilin ang mabangis na asong gubat..ibigay mo ang gusto nya.. hanggang sa mapaamo mo ito." wika ni joanna bago iabot ang pitakang kinuha nya sa bulsa ni brenda. "saan galing ito" wika ni aura. " may dalawang bagay ka na pwedeng gawin una..itagong ang pitakang yan o.. umiyak kapag ako ay namanay" pabirong wika ni joana.
matapos iyon ay masaya nga ipinagdiwang mga bilanggo doon ang napakasayang araw ng pasasalamat. kasiyahang tila walang dulo.. kasiyahang nag alis sa kanilang kamalayan na sila ay mga bilanggo na kapalaran
" hanggang ngayon di parin mawawala sa isip ko kung ano sinabi mo kay brenda" tanong ni aura. " sa buhay napakaraming tao ang marunong magmahal.. ang iba naman doon ay marunong lang maglaro. habang ang iba naman ay sanay nang gawing laro ang pag mamahal..para maghiganti o para pakuha lang nila ang gusto nila.. minsan kailangan mo talagang gawin ang mga bagay na yan.. mandaya para manalo.. mandaya para makuha ang gusto.. paikutin sila sayong mga palad hanggang sila ay matukso sayo" wika ni joanna.
bago kumuha ng dalawang bote ng beer at iniabot ang isa kay aura at ito ay kanilang itinaas. magpakasaya tayo" wika ni joana bago nila inumin ang beer.
sa bawat kampay ng ligaya nalasing ang bawat mga ngiti..di pinigilan ang bawat katawan na gutom sa indakan hinayaang ang sarili at lumusong sa panadaliang kasiyahan
kasiyahang sinimulan.. kasiyahang may wakas.
" oh saan ka nang galing bakit parang ang tagal mo" tanong ni aura. " sabihin na natin tinupad ko ang pangarap ng isang nangangarap" wika ni joanna bago sila tuluyang nagpahinga.