"napakasaya pala talaga dito....dito makikita mo ang mga taong di nagmamadaling umuwe dahil napakasaya nila dito. alam kung may susi man ako o mahalagang gamit na mahulog dito.. hindi ko na iyon hahanapin..at kung pagkatapos ng gabing ito ay hindi ko na maalala ang pangalan ng lugar na ito.. ay hindi ko na iyon iintindihin..alam mo kong bakit?? kase kasama kita.. at alam kong iyong ang pinakamahalaga sa lahat.. para akong isang baliw na sumasayaw sa harap ng maraming mga tao at habang walang pakialam.. dahil alam kung ayos lang iyon.. dahil kasama kita" wika ni joanna.
nang mga sadaling iyon ang natikman sa wakas ni joanna ang kaunaunahang labi na dumampi sa kanyang mga labi..ang kaunaunahang halik mulang sa kanyang kasintahan...ang kaunaunahang lalaking kanyang minahal. at doon ay natikman nya na nga ang tamis ng unang halik.
mula sa mga daliring nakadampi sa mga labi ay nagulat si joanna sa isang tapik. " joanna bakit tulala ka nanaman at nakangiti may naalala ka nanaman ba" tanong ni merry. " ah... wag mo kong isipin ayos lamang ako" sagot ni joanna bago sila pumasok sa naturang lugar na iyon.
kung may isang matutulog sa lugar na iyon malamang ay hahangaan sya ng lahat..kung magagawa nyang matulog sa napakaingay at magulong lugar na iyon.
sa maiksing palda na pilit hinihila pababa ni joanna sa takot na baka sya masilipan.. ay napansin nito ang isang lalaking nakikipag usap kay merry. at ang kilos at asta ng lalaking iyon ay tila di nagugustuhan ni joanna. mapagkuwari ang lalaking iyon na maymapagpanggap na mukha na tila isang mabangis na hayop na ang balak lamang ay masama.
marahil ay napadami na nga ang nainum ni merry dahilan kung bakit di nya na napapansin ang dahan dahang pang aabusong ginagawa sa kanya ng lalaking halos isang oras nya ng kausap.
malalim na nag gabi madilin na ang ilang kalsada at tahimik na ang ibang mga gusali ngunit dama parin sa lugar na iyon ang kasiyahan sa mga taong nagpupunta roon na tila di nauubos.
nang libutin pa ni joanna ang kanyang mga mata sa lugar na iyon ay marami itong napansin. bukod sa mga taong wala na sa sarili dahil sa kalasingam na normal naman na makikita sa lugar na iyon. ay napansin nya rin na may mga ilang kabataan rin pala ang naroroon sa lugar na iyon...lugar na tila di na aangkop sa kanilang mga edad.
sa puntong iyon ay muling naalala ni joanna ang kanyang kaibigan na si merry. at doon ay kanyang naalala na nawala na pala sa kanyang isip na binabantayan nya pala ang kanyang kaibigan na si merry.