at nang muli nya ngang lingunin ang lugar kung saan nakatayo si merry bago pa sya malingat.. ay laking gulat nya dahil wala na si merry doon at ang kinababahala nya pa ay wala narin doon ang lalaking kanina pa umaaligid kay merry..sa sapakuwari nito ay kasama ni merry ang kadudadudang lalaking iyon. kaya di na nagdalawang isip pa si joanna, mula sa siksikan ng mga tao ay dali dali nyang nilingon ang bawat sulok ng lugar na iyon.
mula sa patak ng mahinahong ulan na dahilan ng mamasa masang daan sa likod nang naturang lugar na tinatakbo ng mga paa ni joanna habang umaasa na sana ay matagpuan nya ang kanyang kaibigan.. mula doon..ay napansin nya ang isang masikip at magulong iskenita na tila patungo sa isang abandunadong bakuran.. at dahil sa lakas ng kanyang kutob ay dali daling pinuntahan ni joanna ang lugar na iyon habang umaasa na sana ay mailigtas nya pa ang kanyang kaibigan..
mula sa mga kahoy na nahulog na kanyang narinig sa may di kalayuan ay napatigil si joanna sa pag takbo at dahan dahan nyang pinuntahan ang lugar na pinagmulan ng ingay.. at mula nga doon ay nagulat sya sa kanyang mga nakita
madilim man ng mga sandaling iyon at tanging mga kulog lamang ang nagbibigay liwanag sa bawat paligid at siguradong sigurado si joanna sa kanyang mga nakita.
mula sa kanyang pinagtataguan ay nasaksihan ni joanna kung papaano takpan ng lalaki iyong ang bibig ni merry habang inaabuso nito.. at nang mga sandali ngang iyon ay humanap ng tyempo si joanna upang tulungan ang kanyang kaibigan.
bakas sa mga mukha ni merry na gusto nyang sumigaw..dahil sa ginagawang pangaabuso sa kanya ng lalaking iyon.. ang kanyang magkabilang palad ay nawalan na ng lakas upang lumaban, habang ang kanyang mga leeg at katawan ay naliligo sa laway kasabay ng mga ulan... at dahil narin sa kalasingan at wala na ngag nagawa si merry kung hindi ang magdasal na lamang..
sa isang napakalakas na palo ng kahoy sa likuran ng lalaking iyon na nag mula kay joanna ay natigil ang kahayupang ginagawa ng lalaking iyon. " hayop ka .. sa unang pagkakataon palang na nakita kita ay alam kong masama kang tao at di nga ako nagkamali" galit na wika ni joanna bago yumakap sa kanya si merry. kaya kaagad nga si silang tumakbo papalayo sa lugar na iyon. kasabay ng mga umaabaw na kanal dahil sa lumalakas na ulan ay mabilis nga silang tumakbo papalayo ng lugar na iyon. ngunit ilang sandali lamang mula sa likuran ay nakita ni joanna na hinahabol na pala sila ng lalaking iyon. at mula nga doon ay nakita ni merry ang isang mahabang punyal na
planadong isasaksak sa likuran ni joanna.
"joanna!!!!!" sigaw ni merry bago pa sya makita ni joanna na dahan dahan tumutumba dahil sa isang saksak sa kanyang likuran.. saksak ng punyal na kanyang tinangkap upang iligtas si merry.. " me...me..merry" pagkabigla ni joanna bago yakapin ang nakahandusay na si merry. mula sa sigaw na iyon... ang dilim ng langit at ang dilim ng paningin ni joanna at tila naging isa..at agad nyang hinatak ang punyal na nakatarak kay merry at di nagdalawang isip na isaksak ito sa sikmura ng lalaking iyon na pinagmulan ng kanyang galit. " ngumiti ka lamang at ipakita mo saakin ang iyong mga ngipin.. dahil dyan lalabas ang mga dugo.. dugong papatay sa walang kwentang taong katulad mo" mga wika ni joanna bago nya tuluyang patayin ang lalaking iyon.