mula sa mga tubig baha na namula dahil sa mga dugong tumatagas sa katawan ng lalaking iyon at sa duguang si merry ay agad nyang inihiga ni joanna si merry sa kanyang kanlungan. paulit ulit nyang tinatawag ang pangalan ni merry at umaasang ididilat nito ang kanyang mga mata at sasabihin niyo ayos lamang siya. ngunit hindi iyon ang naganap..kasabay ng pag tila ng ulan at bumuhos ang luha ni joanna.. luha ng pagdadalamhati dahil sa pag kawala ni merry.
sa tawag na nag mula sa labas ay nagising si joanna sa isang silid na may apat na sulok lamang.. at nang kanyang iligid ang kanyang mga mata.. ay nagtaka ito kung bakit siya nasa loob ng isang kulungan. " ikaw!! tumayo ka diyan may nais kumausap sayo" wika ng isang pulis. kaya dahan dahang tumayo si joanna at mula sa kanyang pag tayo ay nakita nya si lina na nakatayo mula sa labas ng kulungan. " ina.. ano po ang nagyari.?" tanong ni lina. " anong..anong nangyari... bakit ako naririto..bakit ako nakakulong" tanong ni joanna habang nakahawak sa bakal na tila nais itong sirain.
"magaling kang gumawa ng krimen..babae.. ngunit di mo kami maiisahan.. kitang kita ko kung papaano mo binunot ang punyal sa katawan ng bababeng iyon.. bago mo pinatay ang kasama nyang lalaki" kaya di na ko nagdalawang isip na barilin ka ng pambatulog nang sa ganoon ay matigil na ang kahayupan mo" wika ng pang pulis. paulit ulit mang ipaliwanag ni joanna ng buong nang yari upang patunayan na hindi nya gusto ang mga naganap ng mga gabing iyon..ay di narin sya pinakinggan ng mga may kapangyarihan..
" hindi ko gusto ang nangyari maniwala kayo saakin iniligtas ko lamang ang aking kaibigan.. maawa kayo saakin.. paniwalaan nyo ako" mga paliwanag ni joanna bago pa sya hatulan ng kataas taasang hukuman ng bayan ng oklahoma ng habang buhay na pagkabilanggo. " maniwala ka saakin lina anak.. di ko sinasadya ang mga nangyari.. pinatay ng lalakin iyon si merry!! iniligtas ako ni merry dahil ako ang nais patayin ng lalaking iyon..bagay na nagtulak sa akin para magawa ko ang isang bagay na sana di ko na ginawa" paliwanag nii joanna. " alam kong hindi nyo po gusto ang lahat ng nagyari.. at naniniwala po ako sa inyo.. ngunit..papaano na po ako ..papaano na po ang mga pangarap natin" wika ni lina habang hinahawakan ang mukha ni joanna. " ito ang lage mong tatandaan anak.. mahal na mahal kita..wag na wag mong papabayaan ang sarili mo..wala man ako sa piling mo.. ay isipin mo na lagi akong nasa puso mo.. pangako ko ... sayo na balang araw ay magkakasamang muli tayo.. tandaan mo yan anak..mahal na mahal kita'" pamamaalam ni joanna bago ibinigay ang mahigpit na yakap at matatamis na halik kay lina.
lulan ng saradong sasakyan mula sa likuran ay pikit matang tinanggap ni joanna ang kanyang kapalaran.. bagong kapalaran na mag dadala sa kanyang sa bagong mundo.. bagong mundo kung saan ang paasang lumaya at habang buhay nang nakakulong.
sa pagbukas ng pintuan ng sasakyang kanyang sinakyan matapos ang mahabang oras ay tumamban sa kanya ang katutuhanan.
mula sa mga nagtataaasang pader na yari sa bato at bakal na nagsisilbing bakuran sa malawak na kalupaan na may kungkretong tarangkahan sa pambansang bilangguan para sa kababaihan ng california sa estados unidos ay nag simulang naglakad si joanna.
sa bawat hakbang ng mga paa ni joanna papasok ng kulungan iyon ay nasabi nya sa kanyang sarili na.. ipinutong nya man sa kanyang mga kamay ang pagkakamali.. ngunit ang mamatay ang lalaking pumatay sa kanyang kaibigan ay ang tama para sa kanya. dahil mas tatangapin nya pa ang makulong habang buhay kung ang kapalit naman nito ang ang hustisyang kanyang ginawa para sa knayang kaibigan.. " ang buhay mo ay kulang pa para sa kasalanang nagawa mo..mas nanaisin ko pang matuyo ang lahat ng aking pagasa.. ang mahalaga ako ay buhay ngayon. ulanin man ako ng mga batikos ay mas nanaisin kong ulalin pa.. dahil naniniwala ako na hindi na kayo ang mas higit na kalaban ko ngayon... iyon ay walang iba kung di ang aking sarili... paalam mundong minsang di ako minahal... nawa'y sa bagong mundong aking tatahakin ay hindi mo na ito katulad" mga wika ni joanna sa sarili bago tuluyang pumasok sa loob ng kulungan..