Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 8 - chapter 8

Chapter 8 - chapter 8

masakit man kay joanna.. ngunit mas ninais nya nalang sundin ang kagustuhan ni calde..sapilitan nyang hinila papalayo si lina sa kanyang ama. " papa ayoko po.. mahal na mahal ko po kayo papa" pagmamakaawa ni lina. sa bawat iyak at sigaw ni lina ay ganoon nalang ang sakit nanararamdaman ni calde at joanna at ng mga sandaling iyon ay nabuhay muli sa alala ni joanna kung papaano sya iwan ng kanya ama.
mula sa mataas na parte ay nakita ni joanna kung papano pahirapan,saktan..bago kitilan ng buhay si calde ng mga walang awang mamamayan ng san pelipe.
at mula doon ay tumakas ang mga luha sa lugar na kung saan bulag ang katutuhanan..
tumungo ang sakit sa isang lugar kung saan maaari nyan isigaw ang lahat ng nararamdaman nyang galit..galit na may kaakibat na pagsisisi, pagsisising humakbang at di na muling bumalik pa para sa ibinigay ng pagkaakataon..
hindi naging madali kina joanna at lina ang biglaang pagkawala ni calde sa kanilang buhay. kasabay ng araw ng taglamig ay mainit at sariwa pa sa kanilang mga diwa ang ala alang iniwan sa kanila ni calde.
minsan sa tuwing dumarating ang araw ng nyebe ay mas marami parin ang nananabik dito kesa sa hindi. ang iba ay nagsisibak ng kahoy para sa kanilang tyeminiya para sa maiinit nilang mga tyaa. habang ang iba naman ay nag lalaro sa labas at nagbabatuhan ng nyebe o gumagawa ng taong nyebe. "lina anak pumarito kana dito sa loob at masyado nang malamig dyan sa labas" ani ng isang babae. " nariyan na po mama" sagot ni lina. sa ikatlong katok..ay kaagad na binuksan ni joanna ng kanilang pintuan. " oh joanna may dala akong mainit na tyokolate..halika at pagsaluhan natin" wika ng isang babaing nagngangalang merry na syang nagmamay ari ng tinutuluyang bahay nila joanna. kaya agad nilang pinagsaluhan ang tyokolateng iyon " alam mo joanna natutuwa ako.. dahil sa halos dalawang taon na nanatili kayo dito..ay sa wakas ay nakita ko kung papaano kayo muling bumangon at naging masaya.. inaamin ko noong una natatakot ako sa inyo..para kasing ang dami dami nyong kinakatakutan...pero noong nalaman ko ang lahat lahat ng nangyari sa inyo bago pa man kayo mapadpad dito..mula doon.. naintindihan ko na ang lahat..at mas tinanggap ko na kayo dito ng walang takot at mangangamba.. kaya nga nang nakita ko si lina kanina na masaya habang naglalaro ng nyebe ay subra akong natuwa"wika ni merry
" merry kung may dapat mang matuwa at mag pasalamat dito alam mong kami iyon.. lalo na nung narinig ko mula sa unang pagkakataon na tinawag akong ina lina..ang pagkakasabi nya.. kinausap mo raw sya.. at matapos iyon ay mas gumanda na ang aming relasyon bilang mag ina.. biglang kanyang pangalawang magulang.. at ang lahat ng iyon ay dahil saiyo merry" pasasalamat ni joanna