kung bahagyang tumila ang pag ulan ng nyebe sa ohama ay agad na nag mamadali ang iilan upang lumabas ng kanilang mga tahanan..baon ang kani kanilang sapatos na pang nyebe na may matulis na bakal sa ilalim. Doon ay masaya nilang tinutungo ang nagyeyelong lawa na malapit sa kanilang lugar. bukod kase sa napakagandang tanawin nito na kung saan ay masisilayan mo ang mga kabundukan na nagkukulay puti dahil pag buhos ng nyebe..ay nakakatuwa at nakakaaliw ding pagmasdan ang mga pangpaskong puno na tila apang nakabalikdad na nasa paahan ng mga puting kabundukan. ngunit higit pa roon ay magandang pag kakataon rin iyon para sa mga taong naroon upang tunguhin ang nag yeyelong lawa.. dahil doon ay maari silang maglaro o sumayaw sa ibabaw ng nagyeyelow lawa gamit ang kanilang mga sapatos na pangnyebe.. bagay na di pinalagpas ni merry upang maranasan narin ni joanna at lina ang ganong karanasan. "napakaganda pala talaga rito.. animo isang pintang larawan ang nasa aking harapan" pagkamangha ni joanna. " marunong kabang sumayaw gamit ito" tanong ni merry bago iniabot ang sapatos na pangnyebe. "ah.. Hindi eh.. ikaw na lamang siguro" sagot ni joanna bago suutin ni merry ang kanyang sa sapataos pang nyebe. habang nakatingin si joanna kay merry habang ito ay nag susuot ng sapatos.. mula doon ay muling may naalala si joanna at mula nga doon ay muling bumalik sa kanya ang nakaraan..at doon ay muling naramdaman ni joanna ang mga kamay ng lalaking kanyang minamahal at naglakbay ito pabalik sa nakaraan.
sa isang lugar sa estados unidos ay may isang lungsod na kung saan isang beses sa isang taon ay nagkakaroon ng malawakang subastahan. bukod sa subastahan iyon ay dinarayo rin ng mga tao roon ang malakihang bagsakan ng mga kagamitang binibita na lamang sa kalahating pursyento mula sa orihinal nitong halaga. katulad na lamang nga mga segundamanong mga kagamitan, istante ng kandila ,mga lalagyan ng ilaw, mga lumang lalagyanan ng mga damit, blusa, mga bintanang maari pang gamitin o kung minsang ay ang mga alagang mga hayop at marami pang iba.
sa isang upuang walang sandalan sa labas ng isang panaderya ay iniwan sandali si joanna ng kanyang kasintahan...at nang lumipas ang labing limang minuto..mula sa may di kalayuan.. ay kanya nang nasilayan ang kanyang kasintahan na bitbit ang napakatamis na mga ngiti nito.
nang makita na ni joanna na malapit na sa kanya ang kanyang kasintahan at tinangka nitong tumayo mula sa kanyang kinauupuan.. ngunit agad syang pinigilan ng kanyang kasintahan na agad na lumuhod sa kanyang harapan. at mula doon ay inilabas ng kanyang kasintahan ang isang napakagandang sandalya na denisenyuhan ng malilit ng mga dyanante at agad na isinuot sa kanya.
"maligaya ako dahil magkasama tayo sa unang anibersaryo ng ating pagmamahalan" wika ng kanyang kasintahan. " mas maligaya ako kung mas maligaya ka" namumugtong sagot ni joanna. " joanna bakit bigla ka yatang natulala diyan .. ayos ka lang ba?" tanong ni merry na nagputol ng mga ala ala ni joanna. " ah.. oo naman ayos lamang ako.. may naalala lamang ako" sagot ni joanna.