Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 6 - chapter 6

Chapter 6 - chapter 6

ngunit makalipas ang ilang sandali ay napatigil si calde. " sino sya..ramdam ko sa mga halik mo na hindi ako ang taong ginugusto mo" tanong ni calde. " patawarin mo ako..ngunit hindi iyong ang pakay ko" ilang na sagot ni joanna.
ng mga sandaling iyon ay agad na tumakbo si Joanna papalayo sa batis at hinayaan na lamang si calde sa batis ng mag isa. mula sa kanyang pagtakbo ay muling bumalik sa kanyang ang nakaraan at ang ala ala nang lalaking una't huli nyang minahal..
sa isang maliit na kapeterya nagtratrabaho noon si joanna matapos nyang tanggapin sa sarili na di na sya maari pang mahalin o tanggapin ng kanyang ama. halos mag iisang taon narin ang kanyang itinagal sa naturang kapeterang iyon.. hanggang may isang gabi habang papauwe si joanna sa kanyang nirerentahang silid na para lamang sa mga babae ay agad itong may napansin..mula sa madilim na parte na may liwanag lamang ng maliit na poste.. ay napansin nito ang usok ng sigarilyo na nanggaling sa labi ng isang lalaki na nasa ilalim ng ilaw ng poste.. mahaba ang mga buhok nito,nakapantalon na punit punit ang disenyo..may simpleng pangtaas habang may hawak na alak. nang makita ni joanna ang kabuhuan ng lalaki ay agad itong natakot at tumakbo.. animo sya ay isang kalaban sa maaksyong palabas na kinakatakutan ng lahat.." sandali huwag kang matakot saakin hindi ako masamang tao...sandali.. ikaw si joanna tama??" wika ng lalaki na nagpahinto kay joanna. " bakit mo ko kilala" pag tataka ni joanna. " ah... palagi kase kitang pinagmamastan..ah oo tama.. palage kitang pinagmamasdan sa kapeteya kung saan ka nag tratrabaho.." paliwanag ng lalaki bago kunin mula sa kanyang bulsa ang isang bagay at agad nyang ipinakita kay joanna. nang makita ni joanna ang tansan o takip ng serbesa na inilabas ng lalaki ay agad syang may naalala. " ikaw.. ikaw pala ang nag iiwan ng mga takip na yan sa parehas na lamesa kung saan ko sila araw araw laging nakukuha" wika ni joanna. " tama ka ako nga" sagot ng lalaki. " pero bakit mo kailangan mong gawin" tanong ni joanna. "ito kase ang paraan na ginawa ng aking ama nang makita nya sa unang pag kakataon ang aking ina..ang sabi ng aking ama.. gawin ko raw ito kapag nakita ko na ang babaing magpapatibok ng puso ko.. gusto kita joanna..sana bigyan mo ako ng pag kakataon na patunayan ang lahat ng ito saiyo.." paliwang ng lalaki.
kung pagbabasehan ang pananamit at asta ng lalaking iyon ay mahirap para kay joanna ang paniwalaan ang lahat ng sinasabi ng lalaking iyon.. ngunit.. gayon pa man ay hindi tumigil ang lalaki sa panunuyo kay joanna at patunayan na malinis ang hangarin nito para sa kanya.