sa isang batis na may magandang temperatura ng init.. madalas naliligo si joanna..ibinababad nya roon ang kanyang katawan upang maibsan ang lamig na kanyang nararamdaman na dala ng panahon ng taglagas..
mula sa ingay nag nahulog na bato sa batis ay agad na nagulat si joanna. " may tao ba diyan" tanong nito. mula sa malaking puno ay dahan dahang lumabas si calde. "pasenya kana ha... pauwe na kase ako... eh napansin ko na may tao dito sa batis akala ko kase kung sino.. ikaw lang pala" paliwanag nito.
" ayos lang iyon..gusto mo rin bang maligo.. bakit di mo ko samahan" alok ni joanna. mausok ang lugar na iyon.. gawa narin marahil ng maligamgam na tubig ng batis..bagay na nagtulak kay calde na di na tanggihan si joanna sa pag aaya nito at sinamahan nya nga itong maligo sa batis.
" ngayon alam ko na kung bakit ka madalas naririto.. sadya palang napakasarap sa pakiramdam ang maligo dito" wika ni calde ngunit di sya kinibo ni joanna. " am....pansin ko lang.. hindi mo yata binabasa ang buhok mo.. sayang naman ang ganda at haba ng maiitim mo mga buhok kung hindi nila mararanasan ang init ng batis na ito" wika muli ng calde. nang mga sandaling iyon ay dahan dahang tinanggal ni joaana ang buhok nya mula sa pag kaipit ay agad nya ito nilugay. " naalala ko pa noong mga panahong nasa bahay ampunan pa ako.. may isang bata roon na nag ngangalang dianna..mabait at magandang bata si dianna
ngunit sa kabila ng lahat ng iyon.. may meron syang malubhang karamdaman.. karamdamang maari nyang ikamatay anu mang oras.. at dahil sa karamdaman nya iyon ay unti unting nauubos ang kanyang mga buhok...at dahil naging kaibigan ko na sya..madalas nila akong tuksuhin na maaring magaya raw ang aking buhok sa buhok ni dianna..hanggang dumating ang araw na pumanaw na sya..kaya mag mula noon ay tumanin na sa isipan ko na maaarin rin na mangyari sa akin ang nangyari kay dianna..kaya palagi kong inaalagaan ang aking buhok sa takot na makalbo rin ako katulad nang nangyari kay dianna.. ngunit ang lahat pala ng iyong ay walang katutuhan..hindi naman pala ako mahahawa kay diaana.. pero alam mo calde.. minsan iniisip ko ang buhok ko na ito ay parang ako.. parang ang buong pagkatao ko..na kayang sumabay sa kahit anung dagok ng buhay.. na kayang maging matatag at matibay .. at kayang ipakita ang totoo ang natural nito ganda" paliwanag ni joanna. " oo parang ikaw.. kasing ganda mo ang makikintab at mahahaba mong mga buhok" wika ni calde.. na tila nagpaamo kay joanna.. at mula nga sa saliw ng mga ibon ay dahan dahang nahulong ang mga tuyong dahon mula sa mga tuyong punong kahoy..at doon at tila may kung anong bagay ang naglapit ng labi ni calde sa labi ni joanna bagay na di na natangihan ni joanna.