nang matikman ng kanyang mga labi ang luha na nanggaling sa kanyang mga mata ay agad na naputol ang kanyang pagbabalik tanaw at doon ay napagtanto nya na sya pala ay lumuluha.
"bakit ko nga ba iniisip ang nakaraan.. ang nakaraang ni minsan ay wala nang pagasang bumalik. noong mga panahong iyon ..iyong ang mga panahong handa ko nang gawin ang lahat para sa kanya. ang magsunod sunuran sa mga gusto nya na parang isang lalaking handang magpaalipin sa babaing kanyang minamahal. pero iniwan nya ko.. iniwan nya ko ng walang dahilan..kaya ngayon ay mas pinili ko na lamang mag lakbay at mamuhay magisa.. kahit alam kong hindi ko kaya.. pinilit ko...gusto kong maniwala na may balang araw na magsasama pa kaming dalawa ngunit ang lahat ng iyon ay mukang malabo na" mga wika ni joanna. ngunit dahil narin sa pag iisip ay di napansin ni joanna ang isang gaserang gamit nya na kanya palang nasagi at tuluyang iyong nahulog mula sa kanyang bintana at nahulog sa mga taong nagkakasiyahan sa baba na humahawak ng mga bulaklak.
taon taon na nairaraos ng maayos at maganda ng mga taga san pelipe ang taonang feista ng floresa de amor ngunit sa di inaasahan sa pagkakahulog ni joanna ng kanyang gasera mula sa itaas ng kanyang bintanan.. ay nagbunga iyong ng kaguluhan dahil lumikha iyong ng apoy at nasunog ang iilang parte ng mga arko na tumagal ng may labing limang minuto na sumira ng kasiyahan at kapistahan ng mga oras na iyon.
kung marunong magtampo ang araw.. marahil ay nagtampo na ito sa mga taga san pelipe..sapagkat mas napapansin nila si joanna kesa sa pag lubog nito. halos tatlong buwan pa lamang ang lumilipas simula ng manahan si joanna sa san pelipe.ngunit mukang kulang ang tatlong buwan upang makilala sya ng kanyang mga karating bahay.. mula sa mga mahahabang kasuutan nito, sa mapuputlang mga balat at matutulis na mga tingin ay hindi talaga maiiwasan na sa kanya lamang maibaling ang tingin ng mga taga san pelipe. dahilan kung bakit nagtataka ang lahat kung sino nga ba sya at saan sya nanggaling ..salot,malas yan ang bukang bibig ng kanyang mga karating bahay. at ang kamalasang nagaganap sa kanilang lugar ay kay joanna nilang ibinibintang. bagay na di maintindihan ni joanna.
may ilang buwan narin na tila ang kamalasan ay dumapo nga sa san pelipe at ang kamalasang ngang iyon ay naisisi lahat kay joanna.
isang maingay at maliwanag na gabi ang gumising kay joanna. mula sa kanyang bintana ay nakita nya ang dagsa ng galit na mga tao na kapwa may mga hawak na sulo o kawayang may apoy habang papunta ito sa kanyang tahanan. mula doon ay kanyang narinig ang paulit ulit na sigaw na sunugin ang kanyang tahanan kasama sya na sa ganoon ay mamatay na sya at mawala ang kamalasan sa san pelipe. bagay na nag pagulo ng isip ni joanna.
mula sa isang sulo na ibinato sa ibabang parte ng kanyang tahanan na sinumdan pa ng dalawa at marami pa. mula doon ay di na nag dalawang isip si joanna na tumakbo at lisanin ang nagaalab nyang tahanan.