*FLASHBACK*
"Wow! Ang ganda naman po ng bahay-bakasyunan na 'to!" manghang wika ni Sheena habang palinga-linga sa paligid.
"Mom, Sa atin po ba talaga ang bahay na 'to?" tuwang-tuwa na tanong ko din kay mommy.
Pagkatapos mamangha at matuwa dahil sa malaking bakasyunan ay agad kaming tumakbo ni Sheena papunta sa magiging kwarto namin ngayong bakasyon. Wow! Ang laki talaga ng bahay na 'to para sa aming apat.
"Shion! Shion! Tingnan mo, o!Hindi double deck yung higaan natin. So, ibigsabihin magkatabi tayo. Hihi." Sheena
Gumuhit na naman ang ngiti sa aking labi ng makita ang sinabi ni Sheena. Ibigsabihin makakatabi ko siya sa pagtulog?
"Tss. Huwag mong isolo ang buong kama, at huwag mo kong itulak. Kapag nalaglag ako ay isusumbong kita kila mommy." kunwari ay naiinis na tugon ko sa kanya.
Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko at nawala ang ngiti sa aking labi ng makitang nagsisimula na siyang umiyak. Malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Iyakin talaga siya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mahaba at straight na buhok.
"Huwag kanang umiyak, Sheena. Nagbibiro lang naman ako e. Sige na..." pagtatahan ko sa kanya.
Umiiyak pa din siyang tumingin sa akin at saka nagwika.
"Ewan ko sa'yo, Shion. Papatawarin kita sa isang kondisyon..." Sheena
Muli akong napabuntong hininga. Ito na naman siya sa isang kondisyon niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso ngayon. Kung 'di lang talaga...
"At ano na naman ang kondisyon mo, Sheena?" tanong ko sa kanya.
Pinunasan niya muna ang luha sa kanyang magkabilang pisngi pagkatapos ay muli siyang nagwika.
"Samahan mo ako doon sa nakita kong kumbento. Napansin ko kasi na may kinakasal doon ng mapadaan tayo papunta dito. Kaya... Hihi." Sheena
"E? Baka magalit sila mommy sa atin niyan, Sheena."
Ngunit muli na naman siyang sumimangot.
"Sige na kasi..." bulong niya.
"Sige na nga. Pero, saglit lang tayo a."
Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi dahil sa narinig at bigla nalang niya kong niyakap.
"Yey! Thanks, Shion. Hihi." Sheena
"So, Tara? Alis na tayo." pagyaya ko sa kanya.
Lumabas na kami sa aming kwarto at bago makalabas ay nadaanan namin sina mommy at daddy na nag-aayos ng aming mga gamit. Nagtinginan muna kami ni Sheena sa isa't-isa kung sino ang magpapaalam hanggang sa napagpasiyahan namin na ako nalang. Lagi naman e.
"Mommy, daddy. Maglalaro lang po kami ni Sheena sa labas." paalam ko.
Sumagot si mommy ng hindi tumitingin sa direksyon namin.
"Huwag kayong magpapagabi. Huwag din kayong pupunta sa malayo."
"Opo, mom." magkasabay na tugon namin ni Sheena.
Pagkatapos ay lumabas na kami ni Sheena ng bahay-bakasyunan.
"Saan ba ang kumbentong sinasabi mo, Sheena?" tanong ko habang naglalakad kasama niya.
"Basta. Malapit lang dito yun, Shion." tugon niya naman sa akin.
Naglakad pa kami ng ilang minuto hanggang sa tuluyan na naming narating ang sinasabi ni Sheena na kumbento. Totoo nga ang sinasabi niya. Maraming tao ngayon dito at lahat sila ay nakapang-abay na damit. Maya-maya ay dumating na din ang babaeng nakasuot na pang bride na damit.
"Wow! Sana paglaki ko ay ganyan din ako kaganda kapag nakasuot na ko ng pang bride na damit." komento ni Sheena dito.
Napatingin ako at natulala sa kanya ng marinig ang kanyang sinabi. Nag init ang aking magkabilang pisngi ng maisip ko ang hitsura niya kapag nakasuot na siya ng pang bride na damit. Nadako ang tingin ko sa santan flower na nasa likod ni Sheena. Pagkalaan ng ilang sandali, may naisip akong gawin na alam kong mas lalo niyang ikatutuwa.
"Oo, maganda ka nga siguro. Wait lang ha. Diyan ka muna." tugon ko sa kanya at saka nagtungo sa lugar ng santan flower.
Namitas ako ng namitas ng maraming santan flowers. Kailangan ko kasi ng maraming marami para sa gagawin ko dito. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa gawi ni Sheena. Mukhang hindi niya pa napapansin ang pagkawala ko sa tabi niya. Pagkatapos mamitas nito ng ilan pa ay bumalik na ko sa kinalalagyan ni Sheena kanina.
"Geez. Saan ka ba nanggaling, Shion? Nakapasok na tuloy sa loob ang groom at bride." inis na wika ni Sheena sa akin.
"Namitas pa kasi ako nito..." tugon ko sabay turo sa mga dala kong santan flower.
Nabaling naman ang atensyon ni Sheena sa dala kong mga santan.
"E? Anong gagawin mo diyan?"
"Basta."
Pinaghiwalay ko isa-isa ang mga santan flower at pagkatapos ay pinag dikit-dikit ito pabilog. Hanggang sa nagmukha itong hairband.
Samantala, tuwang-tuwa na agad si Sheena ng makita ang santan flowers hindi ko pa man naibibigay ito sa kanya. Nang maayos ko na ito ay tumingin ako kay Sheena at ngumiti sa kanya. Muntikan na kong matawa ng malakas ng makita ang tila nagniningning niyang mga mata ngayon. Pagkatapos ay sinuot ko iyon sa ulo ni Sheena at ngumiti ulit sa kanya.
"Yan, peace offering ko sa ginawa ko kanina." nakangiting wika ko sa kanya.
"Wow! Thank you, Shion!" tuwang-tuwa niyang tugon sa akin at muli akong niyakap.
Pagkatapos ay muli ko na namang naramdaman ang pag init ng aking magkabilang pisngi kasabay ang malakas na pagkabog ng aking puso.
*END OF FLASHBACK*
That's right. Nangyari ang mga bagay na yan noong mga bata pa lamang kami ni Sheena. Ako nga pala si Shion Buenavista. Yung babae naman ay si Sheena Buenavista. Oo, tama. Magkapatid nga kaming dalawa. Hindi lang yun, kambal pa kaming dalawa. Simula bata pa lang kami ay kami na ang laging magkasama.
Close na close kami sa isa't-isa... kahit na magkaiba ang kasarian at pag-uugali namin. Ngayon ay pareho na kaming high school students. Magkaklase din kaming dalawa. Iisa lang din ang kwartong tinutulugan namin. Sa sobrang close namin ay wala din kaming masiyadong nagiging kaibigan sa eskwelahan.
That's right. Mundo namin ang isa't-isa. Well, we are not only a siblings. Magkaibigan din kaming dalawa. Sa buong mag hapon ay siya lang ang lagi kong kasama. We almost make our own world together. Sa tingin ko nga hindi makukumpleto ang araw ng isa't-isa kapag nagkahiwalay kami.
Ang pangungulila niya ay pangungulila ko din. Ang kasayahan niya ay kasayahan ko din. At dahil doon, hindi ko namalayang sa kanya... Sa kapatid ko... Sa kambal ko mismo ay nahulog ako.
Yes, I loves her. Pero, hindi ito bilang kapatid lang. Because there is something more. But, right now and as much as possible, kailangan kong pigilan ang damdaming ito para sa kanya. Dahil kung hindi ko pipigilan, tiyak... May masasaktan at may masasaktan lang sa dulo at ayokong mangyari ang bagay na yun. Ayokong umabot pa sa ganon ang lahat. Dahil batid ko, na kapag nawala siya sa piling ko, hindi ko ito kakayanin.