Sheena's POV.
"I'm sorry for what happened yesterday, Karylle." hinging paumanhin ko na naman kay Karylle habang naglalakad kami patungong campus.
Kasabay din namin ngayon si Shion na tahimik lang sa isang tabi dahil wala siyang idea kung ano ba ang pinag-uusapan namin ngayon ni Karylle. I'm really glad at hindi talaga nagalit o nagtampo man lang si Karylle dahil nga sa nangyari kahapon. I'm truly glad...
"Sshh. How many times do I need to tell you that It's really okay? Tsaka isa pa, *Pout* Ilang beses kanang humingi ng tawad sa akin. Feeling ko tuloy malaking kasalanan ang nagawa mo sa akin." Karylle
Ngumiti nalang ako sa kanya bilang tugon.
"Kasi naman sinabi ko sa'yo na-"
Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang magsalita si Karylle.
"I said, 'Sshh'. That's okay. I think mas may thrill kung ako na mismo ang umalam. Hihi." nakangiting saad niya sabay kindat pa sa akin.
Natigil kami sa pag-uusap nang biglang sumingit si Shion sa usapan namin.
"So, What are you guys talking about?" walang emosyon niyang tanong.
Tiningnan ko si Karylle para itanong sa kanya kung dapat pa bang malaman ni Shion ang dahilan kung bakit kami nagkikita. Ngumiti siya sa akin at siya na mismo ang sumagot sa tanong ni Shion kanina.
"We're talking about yesterday. Hihi. Nagpunta kasi kami sa ocean park kahapon at habang kumakain kami sa loob ng mall ay natapunan niya ko ng pagkain. That's why She is saying sorry until now." nakangiting pagsisinungaling ni Karylle.
Pagkatapos ay pasimple pa siyang kumindat sa akin. Maya-maya ay tuluyan na kaming nakarating sa campus. Humiwalay ang dalawa sa akin pagkadating sa pathway dahil katulad ng naka ugalian, hinahatid ni Shion si Karylle patungo sa classroom nito.
"Good morning, Sheena." nakangiting bati agad sa akin nila Smith at Exconde.
"Good morning din sa inyo." nakangiting tugon ko sa kanila.
Pagkatapos ay umupo na ko sa aking upuan.
Natigilan ako nang maalala ang nangyari kahapon sa coffee shop. I don't really know why I'm crying that time. Hindi ko din alam hanggang ngayon kung anong ibigsabihin ni Karylle sa sinabi niya sa akin kahapon. Ewan ko kung sadyang pareho lang talaga sila ni Shion na may pagka weird ang salita minsan. Hindi ko alam.
Nagbalik sa reyalidad ang isip ko nang dumating na din ang adviser namin kasabay pa si Shion. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad patungo sa upuan niya.
Naisip ko lang, ito na kaya ang panahon para sabihin ko sa kanya ang sagot ko sa tanong niya noon? I know... I know that I can be selfish if I pick the first choice, but if I choose the second choice, ako naman ang masasaktan. Alam ko din na hindi pa ito ang tamang oras, but I need to answer him now before... Before it's too late. Before I can't anymore.
Huminga ako ng malalim at sa aking pagbuntong hininga ay nakapili na ko at nakapag desisyon. Desisyon na sasabihin ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman.
Nagsulat ako ng note para kay Shion na magkita kami sa rooftop pagkatapos ng klase. Pagkatapos ay pasimple ko iyong iniabot kay Shion habang nagtuturo ang teacher namin sa harapan. Bahagya pa siyang nagulat at napatingin sa akin. By the way, hindi kami magkatabi ng upuan ni Shion. Sadyang malapit lang ang upuan namin sa isa't isa.
Maya-maya ay binasa niya na ang sinulat kong note at nang matapos niya ng basahin ay muli siyang napatingin sa gawi ko. Ngunit hindi na ko lumingon ulit sa kanya hanggang sa matapos ang klase.
*ROOFTOP*
Pagkatapos kong matapos ang lahat ng gawain sa classroom ay agad akong nagtungo sa rooftop. Nang makarating ako doon ay naabutan kong nakahigang muli si Shion habang nakatingin na naman sa kawalan at tila may malalim na namang iniisip. Umupo ako at saka tumingin din sa kawalan.
Noon, lagi kaming tumitingin sa langit ni Shion tuwing gabi. Masaya naming pinagmamasdan ang mga nagniningning na bituin. Inaabangan namin kung may darating o mapapadaan bang shooting star. Kahit ilang ulit at ilang beses na kaming walang nakitang shooting star. Sa bawat gabi na dumadaang, nanatili pa din kaming nanalangin na sana dumaan ang araw na makakita na din kami. Na sana balang araw ay makasilay na din kami kahit isa lang.
Lumingon ako kay Shion at saka nagwika.
"Yung sinabi ko kanina..."
Nanatili pa din siyang nakatingin sa langit at saka sumagot sa akin.
"So, What is it?" walang gana niyang tanong sa akin.
"Ah, Yung tungkol sa sinabi mo sa akin noon..." sagot ko.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid at maya-maya ay sumagot din siya sa akin.
"Alin doon?" Shion
Nag-isip muna ako kung sasabihin ko na ba sa kanya o hindi. At mga ilang minuto na ang nakalipas, huminga ako ng malalim, tumingin sa kanya at saka sinabi ang dahilan kung bakit ko siya pinapunta dito ngayon.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo ang sagot ko noon sa sinabi mo noong iniligtas mo ko. You said... You said you loves me as a man and not as a my twin. And I didn't answer that time, because I'm really confuse to your words. But now, I already thinks about it and I already have an answer to it. I think... No. I feel the samething. Of course, not as your twin. But as your-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla na naman siyang sumingit at saka nagwika.
"Oh? Really? But I think your not ready to say it yet. Say it when you already accepted me as your man."