Sheena's POV.
"Wala naman po, Mom. Wala naman pong may galit sa akin." sagot ko ulit sa tanong ni Mommy sa akin.
Muli na naman siyang napaisip, ganon si Daddy na kasalukuyan pang humihigop ng kape ngayon.
"Ikaw, Shion. Saan ka ba nagpupunta at hindi mo sinasamahan o binabantayan ang kapatid mo? Sa pagkakaalam ko dati ay madalas kayong magkasama ng kakambal mo ah. Ano ng nangyari ngayon?" magkakasunod namang tanong ni Mommy kay Shion.
Nag-aalala ako sa isasagot ng kakambal ko dahil baka mas lalo pa siyang pagalitan ni Mommy. Kaya ako nalang ang sumagot. Mukha wala nga din sa sarili si Shion ngayon eh. Nakatulala lang siya.
"Ah, Mom. Madami po kasing gawain sa paaralan na pangkatang gawain. Kaya madalas po kaming di nagkakasabay ni Shion." nakangiti kong paliwanag kay Mommy.
Tumingin saglit si Shion sa akin at pagkatapos ay bumalik na naman siya sa pagkatulala niya.
Ilang minuto pang tumingin si Mommy kay Shion at hinintay ang maisasagot nito, pero pagkalaan ay bumuntong hininga din siya at umupo ng maayos.
Nanatili pa ding nakatulala si Shion. Medyo nag-aalala na talaga ako sa kambal ko. Kung hindi ko pa nasabi sa inyo, ilang linggo na din ang lumipas magmula nang may mangyari sa aking masama. Noong may nagtangka kasing mang kidnapped sa akin, nasundan na naman ng pangyayaring ngayon.
Dati ay hindi pa nakaabot sa kaalaman nila Mommy at Daddy, iba na ngayon. Madalas ay may bigla-bigla nalang bumabagsak na matigas na bagay sa dinadaanan ko. Minsan naman ay may kotse o ano mang sasakyan ang bigla nalang sumasalubong sa paglalakad ko. At ang pinaka malala ay ang muntik na namang pag kidnap sa akin.
Buti na nga lang at nakita ako nila Smith at Exconde na bitbit na ng kidnapper. Sumigaw silang dalawa na naging dahilan para ibaba nalang ako ng kidnapper at tumakas nalang.
Medyo natatakot na din ako sa maaari at pwede pang manyari. Sana lang...
"*Sigh* Sabay na kayong pumasok ngayon. Tandaan niyo na huwag na huwag kayong maghihiwalay ha." muling paalala ni Mommy sa amin ni Shion.
"Opo, Mom." tugon namin dito.
Muli na kaming kumain ng almusal at naghanda na para sa pagpasok.
Hindi ko alam kung bakit tila yata wala ngayon si Karylle. Nasaan kaya siya? Hindi ko din naman matanong si Shion dahil hanggang ngayon ay parang wala pa din siya sa sarili niya. Nakatulala siya at napaka seryoso ng kanyang mukha na tila malalim na naman ang iniisip.
"Hey." Napatingin agad ako kay Shion nang bigla niya kong tawagin.
Although, He didn't really says my name.
"Bakit, Shion?" nakangiti kong tanong.
"Wala ka ba talagang kagalit o isang taong na may galit sa'yo?" tanong niya.
Mabilis akong umiling bilang tugon sa kanya.
"No, Shion. Wala naman. Ah, Hindi ko alam kung magagawa sa akin ng tao na ito ang tungkol dito. Sigurado akong alam mo na kung sino ang tinutukoy ko." malungkot kong tugon sa kanya.
Malungkot talaga dahil kahit sadyang masama ang trato ng tao na yun sa akin, nararamdaman ko pa din na may pag-asa pa para maging magkaibigan kaming dalawa. Kaya sana lang... Sana lang hindi siya ang may gawa sa akin ng bagay na ito.
Tumahimik si Shion. Tila pinag-iisipan ang sasabihin niya tungkol sa pinahayag ko. Pagkalaan ay bigla siyang tumigil sa paglalakad.
"Sheena. Sa tingin ko ay huwag ka munang sumama sa ibang tao at mag tiwala. Kahit na kila Neiz, Lyro, Karylle at Lyra." seryosong aniya.
Nagtaka at natigilan ako sa sinabi niya. Bakit naman? Hindi kaya...
"Makinig kana lang sa akin, Sheena." dagdag niya pa at saka pinagpatuloy ang paglalakad.
Nagpatuloy na din ako sa paglalakad at sumabay sa kanya. Naguguluhan pa din ako sa sinabi niya kanina.
"Bakit naman, Shion? Bakit hindi ko din dapat pagkatiwalaan ang mga kaibigan mo at lalo na si Karylle?" tanong ko sa kanya habang patuloy pa ding naglalakad.
"Huwag kanang magtanong, Sheena. Basta't sundin mo nalang kung anong sinabi ko sa'yo, Okay? Tsaka hindi mo naman sila talagang iiwasan o hindi kakausapin eh. Pero, kailangan kapag may kasama kang ibang tao, dapat kasama mo din ako. Hindi. Kahit mag-isa ka lang, dapat lagi akong nasa tabi mo. Dahil... Dahil hindi ko kakayanin kung bigla kana lang mawala sa amin, sa akin." may lungkot ang himig na wika ni Shion sa huling niyang sinabi.
Alam ko at nararamdaman kong okay na kami ni Shion, pero medyo naguguluhan pa din ako sa dahilan niya kung bakit pati ang mga kaibigan namin ay hindi ko dapat pagkatiwalaan ngayon.
Ngumiti na lamang ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay habang patuloy pa din kaming naglalakad.
Napansin kong bahagya siyang nagulat dahil sa ginawa kong paghawak sa kanyang kamay.
"Please, Shion. Hold my hand too. So, that I will never been hurt again. Because I know that to your side, I'm safe." nakangiti kong saad sa kanya.
Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ko na lamang nakitang ngumiti si Shion. Kaya nagalak din ang aking kalooban. Dahil ang ngiti niyang yun ay isang ngiti na pangangarapin mong makita ulit.
Magkahawak-kamay kaming naglakad patungo sa eskwelahan.
Malapit na kaming makapasok sa entrance ng eskwelahan nang bigla akong matisod sa isang bato. Nagka bitaw kami ng kamay ni Shion. Akala ay babagsak na ko ng tuluyan sa lupa. Kaya pumikit ako at hinintay nalang ang pagbagsak. Ngunit naramdaman kong may sumalo sa akin. Kaya agad kong iminulat ang aking mata. Pero, natigilan ako nang malamang hindi pala si Shion ang sumalo sa akin.
Bigla niya kong nilagyan ng panyo sa aking ilong. Nagpupumiglas ako ng bigla niya kong binuhat. Ngunit unti-unti ay bigla akong nanghina.
"Shion..." wika ko sa pangalan ng kakambal ko.
Hanggang sa nahilo ako at nawalan na ng malay habang nakatatak sa aking isipan ang kakambal kong naglalakad palayo sa akin.