Sheena's POV.
"Good morning po, mom. Good morning, dad."
Lumingon ako kay Shion na kasalukuyang kumakain.
"Good morning din sa'yo, Shion." nakangiti kong bati at saka umupo sa aking upuan.
"O, anak. Kamusta ang club mo?" tanong ni daddy ng hindi man lang binabaling ang tingin sa akin.
Kasalukuyan kasi siyang nagbabasa ng diyaryo ngayon.
"A, okay lang naman po, dad." nakangiti kong tugon at nagsimula na ding kumain.
Sa totoo lang, Yung nangyari kahapon sa pagitan namin ni Laila ay dahil yun sa club. Binigay kasi sa akin ng teacher namin ang role ng main character para sa theatre act na gagawin namin at kontrabida naman ang naibigay kay Laila.
Kaya nagwala siya ng husto, nagalit sa akin at yun ang nangyari. Dinala niya ko sa rooftop at doon niya ko sinaktan. Pero, naniniwala ako na mabuting tao talaga si Laila. Friendly at mabait nga siyang makitungo sa iba e. Sa tingin ko, hindi niya lang talaga alam kung paano ang makitungo sa tulad ko.
Back to reality. Kasalukuyan na kong naglalakad ngayon patungo sa school at oo, iniwan na naman ako ng kakambal ko. Sa tingin ko ay dapat na kong masanay sa ginagawa niya at inaakto sa akin. Oo, niligtas niya nga ko at pinagtanggol kay Laila, pero... pagkatapos naman ay bumalik na naman siya sa pagiging cold niya tuwing kausap at nasa harap niya ko.
Sa tingin ko naman, ganyan lang siya dahil nga malaki na kami at hindi ko maitatanggi na sa bawat paglipas ng panahon ay maaari kaming magbago. Yun din naman ang mga dahilan na sinabi niya sa akin ng tanungin ko siya. Pero, hindi naman yun ang nakikita at nararamdaman kong problema sa aming dalawa e.
Sa tingin ko, may iba pa siyang dahilan kung bakit niya ginagawa sa akin ang bagay na ito. Pero, ayaw niya at wala siyang balak ipaalam sa akin ang tungkol sa bagay na yun. Siyempre, masakit, nakakatatampo, at nakakalungkot para akin na isiping hindi ko na din alam ang mga bagay na ginagawa ni Shion ngayon. Pero, siguro nga. Kailan ko na ding bigyan ng privacy ang buhay niya. Siguro nga, ako talaga ang mali dahil hindi ko man lang naramdaman na masiyado ko na pala siyang nasasakal. Hindi ko alam na siguro sumobra na ko bilang kapatid at kambal niya lang sana.
Kaya naman, napagdesisyon ko na hayaan na lang siya sa nais niyang gawin. Kahit na mahirap para sa akin ang mga nangyayari ngayon. Kahit na mahirap na malayo sa kakambal ko.
By the way, dumaan muna ko sa lugar na madaming makikitang santan flowers bago magtungo sa school. Ito kasi ang paboritong bulaklak ko hanggang ngayon. Sa tuwing nalulungkot ako, dumadaan ako dito para gumaan ang loob ko. Kukuhanin ko na sana ang bulaklak ng may biglang nagtakip ng panyo sa ilong ko. Unti-unti akong nahilo hanggang sa unti-unting nanlabo ang aking paningin.
"Shion..." tawag ko sa aking kakambal bago ako tuluyang mawalan ng malay.
*****
"Yow! Tawag ka ni Lyro. May sasabihin daw siya sa'yo." bungad sa akin ni Neiz sabay kindat pa pagkadating na pagkadating ko sa classroom.
Umupo muna ako sa aking upuan bago nagwika.
"Kung ganon ay nasaan siya ngayon?" tanong ko sa kanya.
Kukunin ko na sana ang notebook ko sa aking bag ng may humawak sa aking dalawang balikat.
"Good morning, Shion!"
Akala ko si Sheena, si Karylle lang naman pala. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman dito ang classroom niya a?
"O? Speaking. Nandyan na si Lyro." Neiz
Sabay turo sa tapat ng pintuan. Hindi ko pinansin si Karylle at lumingon nalang sa pintuan ng classroom. Nakita ko doon si Lyro na nagpapalinga-linga sa paligid. Nadako ang tingin niya sa gawi ko at nang makita niya ko ay agad siyang nagtungo sa aking direksyon.
"Hi, Shion. I apologize of what my sister did to your twins yesterday. I'm really sorry. Sinabihan ko na din si Laila na magsorry sa kambal mo, and she said that she will. I'm really sorry." Lyro
Nanatili lang akong tahimik ng ilang minuto ngunit maya-maya ay tumango ako sa kanya bilang pagtanggap sa sorry niya. Sincere naman ang pagkakahingi niya ng tawad sa akin e. Isa pa, kaibigan ko din naman siya. Wala din namang masamang nangyari sa kambal ko.
"Nasaan na nga pala ang kakambal mo? Gusto ko din sanang humingi ng tawad sa kanya." dugtong pa ni Lyro.
Natigilan ako sa sinabi niya. Teka... malapit na ang klase, pero bakit wala pa din si Sheena? Nasaan na ba siya?
"Hindi mo ba siya kasabay pumasok, Shion?" tanong naman ni Neiz.
Umiling lang ako sa kanya.
"O? Your twinny ba, Shion? Nakita ko siya noong papasok na ko ng campus. Sa tingin ko ay karga-karga siya ng isang tao. Pero, hindi ako sigurado kung babae ba yun o lalaki. Nakasuot kasi siya ng hood e." pagsingit ni Karylle sa usapan.
Muli akong natigilan at napaisip sa sinabi niya. Hindi maaari. Hindi kaya...
"Bakit hindi mo agad sinabi kanina?! Saan niya dinala ang kakambal ko?" galit ang tono na tanong ko kay Karylle.
Natataranta siyang sumagot sa akin dahil sa biglaan kong pagsigaw sa kanya.
"Hindi ko alam, Shion. Sa may warehouse yata malapit sa labas ng campus. Doon ko kasi siya nakitang nagtungo e. Sa direksyon papuntang warehouse. Pero, hindi ako sigurado, Shion." Karylle
Nang marinig ang pinahayag ni Karylle ay agad akong tumayo at akmang lalabas na ng classroom ng pinigilan ako nila Neiz at Lyro.
"Where are you going, Shion? Malapit ng mag start ang klase. Mapapagalitan ka ng teacher natin niyan e. Mas mabuti kung sabihin na lang natin kay ma'am pagkadating niya." Neiz
Matalim ang mata ko siyang tinitigan at sumagot sa kanya.
"Don't you ever try to stop me. My twins is more important than anyone else. I will save her right now dahil ako lang ang makakahanap at makakapag-ligtas sa kanya." wika ko at tuluyan ng umalis ng classroom.
Hindi na naman nila ko sinundan pa. Pagkadating ko sa gate ay dahan-dahan akong lumabas ng campus habang nakikipag-usap yung guard sa isang estudyante. Agad akong nagtungo sa warehouse na tinutukoy ni Karylle. Pagkadating doon ay naabutan ko itong naka-kandado. Inisip ko kung papasok ba ko o hindi. Dahil naisip ko base sa pinahayag ni Karylle, hindi ako sigurado kung nasa loob nga ba ng abandonadong warehouse na ito ang kakambal ko. Mukhang wala din naman dito ang nandukot kay Sheena.
Bumuntong hininga ako at napagsiyahan pumasok nalang sa loob ng warehouse. Mas maagi ng i-check ang lugar na ito at mag baka sakali kaysa naman magsisi ako sa bandang huli.
Naghanap na ako ng pwedeng makasira sa kandado. Hanggang sa nakakita ako ng isang malaking bato na pwedeng ipangpukpok dito. Ilang minuto ko iyong sinira gamit ang bato na nahanap ko at nagtagumpay naman ako.
Pumasok ako sa loob ng warehouse. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap ang kakambal ko. Sakto lang ang laki nito at wala ni isang bagay sa paligid. Kaya batid kong hindi ako mahihirapan na malaman kung nandito ba si Sheena o wala.
Maya-maya ay bigla akong natigilan. Sapagkat, sa hindi kalayuan ng tinatayuan ko ngayon at kahit madilim sa loob ay nasilayan ko ang aking kakambal na nakatali pa ang kamay at paa habang naka tape naman ang kanyang bibig.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa kalagayan ni Sheena ngayon. Ngunit mas pinili kong pigilin ang aking emosyon para din kay Sheena. Dahil batid ko na sa ganitong sitwasyon ay kailan kong maging kalmado. Kailan kong tanggalin ang galit, lungkot, inis at awa na nararamdaman ko ngayon. Tumakbo ako sa kinalalagyan niya. Inalog-alog ko ang balikat niya upang siya ay magising. Kasalukuyan kasi siyang walang malay.
"Sheena... Sheena! Are you alright?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Pagkatapos ay tinanggal ang tali sa kamay at paa niya. Pagkalaan ng ilang minuto ay nagkaroon na din siya ng malay. Nang makita niya ko ay agad siyang yumakap sa akin ng mahigpit.
"Shion, natatakot ako... Natatakot ako." paulit-ulit niya pang binubulong sa akin habang humahagulgol at nanginginig ang buong katawan.
Pinakalma ko siya at saka nagwika.
"Okay, calm down. Calm down, Sheena. I'm here so you are safe now. Don't worry, okay?"
Ngunit nanatili pa din siyang umiiyak.
"But, Shion. *Sob* Anong gagawin ko kapag sinaktan niya ko? *Sob* Anong gagawin ko kapag... kapag pinatay niya ko?"
"Sssh. I'm here. So nobody can hurt you now. Please, Sheena. Don't cry anymore. I don't want to see your cry again." malungkot ang himig na wika ko sa kanya.
"I'm sorry, Shion."
Sa wakas ay kumalma na din siya. Kaya naman nakahinga ako ng malalim.
"Now, do you know who did this to you? Tell me kung anong nangyari sa'yo kanina. Tell me."
"Papasok na ko sa school kanina. Pagkatapos, habang naglalakad ay dumaan ako sa lugar na may maraming santan flowers. Pagkatapos bigla nalang may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko. Tsaka na ko nawalan ng malay. Kaya naman hindi ko din alam kung sino ang may gawa sa akin nito." kuwento niya sa akin.
Inunawa ko muna ang lahat ng sinabi niya bago nagwika.
"Ganon ba? Sige. Mas mabuti siguro kung huwag muna nating ipalam kay mommy at daddy ang tungkol dito. Baka mag-alala lang sila. Wala namang ginawa ang kidnapper sa'yo." saad ko.
Tumango siya sa akin bilang pagpayag sa sinabi ko.
"Maraming salamat at dumating ka, Shion." nakangiti niyang saad sa akin.
Mapait ang ngiti na nagwika ako sa kanya.
"Of course, I'm your twins. No, hindi lang iyon ang rason ko..."
Kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan niya ko sa mata. Ganon din naman ang ginawa ko sa kanya. Dahil sa emosyong umaapaw ngayon sa amin at dahil na din sa nangyari ay hindi ko na napigilang sabihin sa kanya ang mga katagang hindi ko dapat sabihin.
"I love you, Sheena. Not as your siblings or twins. But as a man. I'm truly glad that you're okay.