Sheena's POV.
Sa wakas ay nagsabay na din kaming pumasok ngayon ni Shion. Pero, hindi kami nag-uusap habang naglalakad. Hindi dahil sa sinabi niya ilang linggo na ang lumilipas sa akin, yun ay dahil hindi lang naman kaming dalawa ni Shion ang sabay pumasok ngayon.
Tama, kausap niya ngayon si Karylle habang ako ay nasa likod lang at nakikinig sa kanila.
"Hey, Shion. Are you listening? Sabi ko kung pwede ka ba this sunday again? Let's go to the church naman. Hihi." Karylle
Nakayuko ako habang naglalakad at nakikinig sa kanilang dalawa.
"Oh? This Sunday? Sure. Sa tingin ko naman wala pa kaming masiyadong gagawin sa school dahil kaka simula pa lang ng klase. Tsaka siguradong na sa bahay lang ako that time. Hehe." Shion
May matagal na kong napapansin kay Shion, pero binabalewala ko na lang iyon. Baka kasi... Baka kasi sabihin na naman niya sa'kin ang mga katagang yun.
Hindi ako nakapag salita nang sabihin niya sa akin yun at hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung ano bang sasabihin ko at isasagot sa kanya kapag sinabi niya ulit sa akin ang mga katagang yun.
"Ah, Shion..." tawag ko sa kanya. Pero, mukhang hindi niya ko marinig dahil sa atensyong binibigay niya kay Karylle ngayon.
Hindi niya na din namalayang naiwan niya na ko sa paglalakad. Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad habang pinipigilang huwag na namang mapaluha.
Habang naglalakad ay bumulong ako sa hangin.
"Shion... Akala ko ba... Akala ko ba dito ka lang lagi sa tabi ko? Akala ko ba ikaw ang magsisilbing knight in shining armor ko? Heh. Nagbibiro ka na naman siguro..."
Hindi ko tuloy mapigilang isipin ngayon kung pwede pa kayang ibalik ang dati naming pagsasama?
*****
*School*
"Yow, Sheena! Nag-iisa ka yata ngayon? Si Shion?" bungad na tanong sa akin ni Smith.
Isa siya sa mga kasama ngayon ni Shion. Kaklase namin siya at Neiz Joshua Smith ang full name niya.
Ngumiti lang ako sa kanya at saka sinagot ang tanong niya.
"Ah, Si Shion ba? Hinatid niya si Karylle sa classroom nila." tugon ko.
Tumatango-tango naman siya sa sinabi ko at muling nagwika.
"Talaga? Napapansin kong lagi din magkasama ang dalawang yun ah. Nagkaka mabutihan na yata ang dalawa. Haha. Biro lang. Paano, kahit walang pasok ay may nakakitang magkasama din silang dalawa." pagkukuwento niya pa sa akin.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong tumamlay dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko pa ang noo ko, pero hindi naman ako nilalagnat.
Kulang lang siguro ako sa tulog ngayon.
"O-Oo nga eh." may lungkot ang himig ng boses ko na sagot sa kanya.
Subalit pinilit ko pa din ngumiti para hindi niya mapansin ang biglang pag tamlay ko.
"Teka, Sandali. Sheena, may tatanong ako sa'yo pero huwag kang magagalit sa itatanong ko? Okay lang?" wika ni Neiz.
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Tumango lang ako bilang tugon.
"Bakit parang nalungkot ka yata nang sabihin ko na nagkakamabutihan na sina Shion at Karylle?" tanong niya.
Natigilan ako sa naging tanong niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot na makaka satisfy sa tanong niya. Muli akong ngumiti sa kanya at saka nagwika.
"Really? Hindi naman siguro. Pero, kung ganon nga. Masama lang talaga ang pakiramdam ko, kaya biglang akong naging matamlay." nakangiti kong paliwanag sa kanya.
Well, the best thing to do when you wants to hide something is to smile. Right?
"Haha. Alam ko na kung bakit. Masyado nga pala kayong close ni Shion. Kaya mahirap din para sa'yo na hindi na siya makasama sa araw-araw." napapatawang saad ni Neiz.
Mukhang hindi niya pinansin ang naging sagot ko sa tanong niya kanina. Ngumiti na lang akong muli sa kanya at saka malungkot na tumango. Ngumiti siya akin at hindi na muling nagwika pa.
Malapit ng magsimula ang klase nang dumating si Shion. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa sarili niyang upuan. Hindi na din siya nabahalang lumingon pa sa upuan ko para alamin kung nasa loob na ba ko ng classroom o wala pa. I don't know why. I know it's better to see him with other girl, para naman hindi na ako palagi ang makasama niya. Alam ko kasi na may sariling buhay din naman siya. Pero... Pero bakit ganon? Kakaiba ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang babae? Parang... Batid ng isip ko na ito ang mas nakakabuti. Subalit, ang puso ko. Tinatraydor na yata ako. Ewan. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan...
>>>FAST FORWARD<<<
*House*
Katulad ng madalas na nangyayari ngayon, gabi na naman umuwi si Shion. Wala sina Mommy at Daddy ngayon dahil inaasikaso ang business ng family namin. Kaya kami lang ni Shion ang naiwan sa bahay. But... to my surprise, may kasama siyang umuwi. Si Karylle.
"S-Shion? Why..."
Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko dahil sa bigla at hindi makapaniwalang pangyayari ngayon.
"Mag g-group study muna kami ni Karylle. So, doon na lang muna siya matutulog sa kwarto natin, katabi mo." paliwanag ni Shion at nagtuloy-tuloy na siya sa kwarto namin at nag bihis ng pambahay na damit.
Si Karylle ay kasama niyang nakasuot na ng pambahay. Mukhang dumaan muna sila sa bahay nito bago umuwi dito.
"Good evening, Sheena. Nabalitaan ko kay Shion na wala daw ang magulang niyo ngayon. Kaya naisip kong dito na lang muna matulog sa inyo habang nag-aaral kami ni Shion. Of course, nag prisinta din ako sa kanya na ako na lang ang magluluto ng dinner natin. Okay lang ba?" nakangiting bati at paliwanag ni Karylle sa akin.
Natulala na lang ako dahil sa sinabi niya. Ngunit maya-maya ay ngumiti na din ako sa kanya at tumango bilang tugon.
"Ah, Karylle. I think I need to go to the comfort room. Excuse me." paalam ko at dali-daling umalis papuntang banyo.
Agad akong napa hawak sa aking kaliwang dibdib pagkapasok na pagkapasok ko sa loob.
"Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Okay lang naman ako eh. Ang nangyayari ngayon ay para sa kapakanan ni Shion. Sa kapakanan ng kakambal ko. Dapat nga suportahan ko pa siya eh. Dahil... Dahil ako ang kapatid niya. Dahil ako ang kakambal niya." wika ko sa sarili.
Wala na naman akong idea kung bakit mas lumala ang aking nararamdaman ngayon nang sabihin ko ang mga katagang yun. Para akong under ngayon ng isang magic spell. Pero binalewala ko lang ulit ang bagay na yun.
"Okay. Dapat Sheena smile ka lang lagi sa kanila para maipakita mo sa kakambal mo na supportive ka sa kanya. That way... That way, hindi na siya muling maiinis at magagalit sa'yo. That way, mas magiging masaya ang kakambal mo." parang tanga kong bulong sa sarili na ako lang mismo ang nakakarinig.
Sa pagitan ng tama at mali, alam ko na mas nararapat kong piliin kung ano ang tamang gawin. Sa pamamagitan ng tama at mali, batid ko na hindi nararapat na piliting itama ang bagay na malina talaga. Ganon din naman ang paggawa ng mali sa isa pang mali. Alam ko, batid ko at naiintindihan ko ang ibigsabihin ni Shion sa sinabi niya sa akin noon. Hindi naman kasi ako slow poke masyado eh. Pero... Pero tama ba na sagutin ko pa ang mga katagang sinabi niya sa akin noon, kung nakikita ko na hindi na naman niya kailangan ng sagot ko ngayon?
Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga alaalang napaligpasan na ng panahon.
*Flashback*
Tuwang-tuwa akong nagbabalance dito sa mahabang upuan upang hindi malaglag. Masaya akong gawin ang bagay na ito dito sa parke. Lalo na ngayong kasama ko lagi ang kakambal ko.
Nakaupo siya sa isa pang mahabang upuan na katabi ng upuan na ginagamit ko ngayon habang masaya na pinagmamasdan ako.
"Halika, Shion! Gayahin mo ko sa ginagawa ko." nakangiting tawag ko sa aking kakambal.
"Hindi na, Sheena. Dito na lamang ako at pagmamasdan ka." sagot niya.
Sumimangot ako at sandaling tumigil sa aking ginagawa.
"Tss. Please, Shion. Samahan mo na ko dito. Dali na." malungkot ang tono ng aking boses na pagpipilit sa kanya.
"*Sigh* Sige na nga." saad niya at saka tumayo sa kanyang inuupuan. Pagkatapos ay lumapit siya sa gawi ko.
"Yey! Tara, Shion!" masayang wika ko at muling pinagpatuloy ang aking ginagawa.
"*Sigh* Sheena, Hindi ba sinabi ni Mommy na bawal na tayo maglaro ng ganyan? Baka malaglag tayo at masugatan." Shion
"Eh? Minsan lang naman, Shion eh. Tsaka wala naman sina Mommy. May binili saglit. Hihi." sagot ko.
Napapakamot siya sa kanyang batok na tumabi sa akin. Magsisimula na sana siyang mag balance nang biglang mawala ang balance ko at nadulas.
Akala ko ay lalaglag na ko sa lupa nang saluhin ako ni Shion. Wow! Ang bilis niya. Parang si Spiderman.
"Tsk. Sinabi ko na sa'yo na huwag kanang maglalaro niyan eh. Yan tuloy ang nangyari at muntikan ka pang masaktan." inis na sumbat sa akin ni Shion.
Ngunit ngumiti lang ako sa kanya at saka nagwika.
"Hihi. Pasensiya na, Shion. Hindi na mauulit. Tsaka alam ko kasi na hindi mo naman ako hahayaang masaktan. Thank you, Shion." tugon ko. Pagkatapos ay hinalikan siya sa kanyang pisngi.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing gagawin ko yun ay bigla siyang tumatahimik at namumula pa ang kanyang pisngi.
Subalit, ngumiti lang ako habang karga-karga niya ko na parang isang bride.
*End of flashback*
Napamulat ako ng aking mga mata. Pinagkumpara ko ang nangyayari sa noon at sa ngayon. Masasabi kong malayo. Malayong malayo na ang agwat namin sa isa't-isa ngayon.