Sheena's POV.
Mga ilang minuto pa kong nanatili sa banyo. Pagkalaan ay napagpasyahan kong lumabas na dito.
Pagkalabas ay agad akong nagtungo sa kusina upang malaman kung may pagkain na ba. Hindi ko naman nakita doon sina Shion. Wala ding nakasalang na pagkain. Kaya nagtungo na lang ako sa kwarto upang tanungin si Shion tungkol dito. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan kong seryosong nag-aaral sina Karylle at Shion.
Sobrang lapit nila sa isa't-isa. Hindi din naman nila ko napansin, kaya muli ko na lang sinirado ang pinto at nagtungo sa living room. Doon ay umupo ako sa sofa at nakatulala sa kung saan.
'Eh? Shion, tama ba yang tinuturo mo sa akin? Baka tinuturuan mo na ko ng mali ah.' wika ko.
Yumuko ako at nagkunwaring malungkot. Agad kong nakita ang pag-aalala sa kanyang mukha at tinitigan ako sa mata.
'Hey, What's wrong? Are you worried sa tinuturo ko sa'yo?' Shion
Umiling ako sa kanya bilang tugon.
'Nagkaroon kasi ako ng masamang panaginip kahapon.' malungkot kong saad.
Ngumiti siya sa akin at saka nagwika.
'Then, Sheena... Gusto mo bang tumabi ako sa'yong matulog mamaya?' Shion
Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya.
'Really? Yey! Thank you, Shion.' tuwang-tuwa kong tugon at muli siyang niyakap.
Yeah. That was us before. Before and not now anymore.
*****
Sumikat na ang araw ng magising ako. Nakatulog pala ako kagabi ng hindi ko namamalayan. Nagpalinga-linga pa ko sa paligid dahil mukhang hindi ako nakatulog sa kwarto. Kinusot ko pa ang aking mata dahil naaantok pa ko. Nalaman kong sa sala pala ko nakatulog, dito ako humiga sa may sofa.
Nagtungo ako sa kusina para tingnan kung nakaluto na ba si Shion ng pagkain para sa almusal. May pasok din kasi ngayon eh. Kaya kailangan ko na ding mag-ayos at maghanda sa pagpasok.
Pagkadating ko sa kusina ay agad kong nakita ang pagkain na naka handa na para sa akin at katabi naman non ang isang note. Kinuha ko iyon at binasa.
Good morning! Nauna na kaming pumasok, Sheena. Naghanda na kami ni Shion ng almusal para sa'yo. Kumain kana lang diyan.
From: Karylle
Natigilan ako nang maalala kong dito pala natulog si Karylle kagabi. Teka, teka. Hindi ako nakatulog sa kwarto ko kagabi, ibigsabihin ay silang dalawa lang sa loob ng kwarto ni Shion kagabi?
"*Sigh* Ano naman ngayon, Sheena? Malaki na si Shion. Kayang kaya na niyang ang sarili niya. Siguro ay dapat suportahan ko na lang siya." parang baliw na wika ko sa sarili.
Nagsimula na kong kumain at pagkatapos ay naghanda na para pumasok. Habang naglalakad naman patungo sa school ay dumaan ulit ako sa maraming santan flowers at namitas dito.
Oo nga pala, pagkatapos akong iligtas ni Shion sa nang kidnapped sa akin ay hindi na din namin nalaman kung sinong may gawa sa akin ng bagay na yun. Hindi na lang din namin pinagsabi pa sa iba ang nangyari at binalewala na lang namin ito ni Shion. Sana nga ay wala ng mangyari pa sa akin.
>>>FAST FORWARD<<<
Pagkadating ko sa classroom ay agad kong hinanap ang aking kakambal. Ngunit, hindi ko siya makita. Kaya nagtanong na lang ako sa kaibigan niyang sina Smith at Exconde.
"Hi. Good morning. Nakita niyo ba ang kapatid ko?" nakangiti kong tanong sa kanila.
Napalingon sila sa direksyon ko at bahagyang nagulat pagkakita sa akin.
"Oh? Sheena, ikaw pala. Si Shion ba? Sabi niya hindi daw siya papasok sa first subject at tatambay na lang daw siya sa rooftop." sagot sa akin ni Neiz.
Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya.
"Ah, Sheena. Pasensiya kana pala sa ginawa ng kapatid ko sa'yo noong nakaraang araw." nahihiyang wika ni Exconde.
Ngumiti ako sa kanya at saka nagwika.
"Okay lang yun, Exconde. Sige! Hindi pa naman siguro magsisimula ang klase. Kaya pupunta muna ako kay Shion at kapag natagalan ako, hindi na din muna ako papasok sa first subject." sagot at paalam ko bago muling lumabas ng classroom para magtungo sa rooftop.
Siguradong magugustuhan ni Karylle ang flowers na ito. Tama. Kumuha ako ng santan flowers para ibigay ni Shion kay Karylle. Magaling gumawa ng hairband si Shion gamit ang santan at siguradong bagay ito kay Karylle.
Mga ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na agad ako sa rooftop. Naabutan ko doong nakahiga si Shion habang nakatingin sa langit at tila may malalim na iniisip. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kaniyang tabi. Napa upo siya bigla nang mapansin niya ang presensiya ko.
"S-Sheena? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa akin.
"I'm sorry to disturb you, Shion. May sasabihin lang sana ko." nakangiti kong tugon sa kanya.
Napakunot-noo siya dahil sa sinabi ko at clueless na nagtanong.
"So, What is it? Malapit na ang first class, but you're still here." walang gana niyang saad at hindi man lang ako binalingan ng tingin.
Subalit, nakangiti pa din ako sa kanya.
"Here." saad ko at inabot sa kanya ang dala kong santan flowers.
Lalo naman siyang nagtaka dahil sa santan na inabot ko.
"What..." Shion
Tumingin siya sa santan at doon na nabaling ang atensyon niya.
"You know? Shion, I know we're both adults now. So, you know? I understand you well now. You likes Karylle, right? Then, Bakit hindi mo siya gawan ng isang bagay gamit ang santan na yan? I know she will definitely likes it and appreciate it. After all... You know, Shion? After all..."
Hindi ko alam kung bakit hindi ko matapos-tapos ang nais kong sabihin sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang ngumiti sa harap niya ngayon. Bigla siyang tumitig sa akin at tila binabasa kung anong nasa isip ko ngayon.
"*Sigh* Throw it away. She is not like you, and you are not like her too." sagot niya sa akin at muling humiga.
"Oh? I see... I'm not really going to be like her, huh?" bulong ko sa sarili.
Napalingon siya sa gawi ko at kunot-noong nagwika.
"What? May sinasabi ka?" tanong niya.
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Wala, Shion. Hey, can you promise one thing?"
Hindi siya sumagot at nanatili lang tahimik. Muli siyang tumingin sa langit.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita.
"Can you promise that if you found the one who will loves you back, can you promise that you will never hurt her?" nakangiti kong pahayag. Nakangiti, pero ang aking luha ay nagsisimula na namang lumabas ng hindi ko namamalayan.
"Tsk. Are you crazy or what? Your the only one who knew kung sino talaga ang gusto ko." sa wakas ay nagawa na din niyang sumagot sa akin.
Ako naman ang napatahimik ngayon dahil sa sinabi niya.
"Ngayon, paano ako makakapangako sa'yo?" dugtong niya pa.
Nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses. Ngunit, mas lalo akong naguguluhan ngayon dahil sa sinasabi niya.
"A-Ano ba yang pinagsasabi mo, Shion? Hindi kita maintindihan." nauutal kong tanong sa kanya.
Lumapit siya sa akin habang ako naman ay napapaatras. Iba kasi ang tingin ng mga mata niya sa akin eh. Ngunit, lumapit pa siya ng lumapit sa akin hanggang sa macorner niya na ko. Napasandal na ko sa pader. Wala akong nagawa kundi tumingin lang sa kanya at dahil doon ay muling nagkasalubong ang aming mga mata.
"S-Shion..."
Hindi ko alam kung ano itong kakaibang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ako makahinga ng maayos at parang sobrang init ng paligid. Parang nilalagnat din ako ngayon. Pero...
"Sheena, Is it okay..."
Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Sa hindi inaasahang pangyayari ay naitulak ko siya. Subalit hindi yun naging sapat para makawala ako sa mga bisig niya. Mas lalong sumeryoso ang mata niya ngayon. Sinubukan niyang ilapit ang kanyang labi sa labi ko, ngunit muli ko siyang itinulak.
"No, Shion. You can't! We... We are siblings! Kambal tayo!" umiiyak na wika ko sa kanya.
Natigilan siya bigla at tila natauhan dahil sa sinabi ko. Ngunit, nanatili pa din akong nakakulong sa mga bisig niya. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng dala-dala ko ngayon nang makita ang mga mata ni Shion.
"We can't, Shion. Magkapatid tayo, hindi ba?" lumuluhang wika ko sa kanya.
Yumuko siya sa harap ko at saka nagwika.
"I'm sorry, Sheena. I know... I know the truth. I know, but I can't forget my feeling towards you. I can't..." sagot niya.
Hinawakan niya ang kanyang mukha gamit ang kanan niyang kamay. Hindi ko man malinaw na nakikita ang mukha niya ngayon. Alam ko at batid ko na lumuluha siya ngayon. Umiiyak ang kakambal ko at wala akong magawa para patahanin siya.
Ito kasi ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak. Walang akong magawa. Dahil sa buong buhay ko ay ako ang lagi niyang pinapatahan. Ako ang lagi niyang sinasamahan tuwing may problema ako.
Dahil sa emosyong nangingibabaw sa akin ngayon, lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko, ngunit wala akong pakealam.
"I'm sorry, Shion. Wala man lang akong magawa para pagaanin angloob mo. Anong klaseng kapatid ako? Paano ko papagaanin ang loob mo, kung ako ang dahilan ng nararamdaman mo ngayon? I'm sorry, Shion." malungkot na wika ko sa kanya.
"Its okay, Sheena. As long as we are still connected to each other, I'm always gonna be okay." sagot niya.
That's right. We're twins. How I wish na sana, sa ibang mundo, sa ibang galaxy ay kami sana ang tinadhana.