Chereads / The twins conflict / Chapter 8 - Kabanata 8

Chapter 8 - Kabanata 8

Sheena's POV.

Maaga pa lang ay umalis na ko ng bahay para pumunta ng coffee shop. Saturday ngayon at 7:30 pa lang ng umaga nang umalis ako sa bahay. Mayroon daw kasing sasabihin sa akin ang isang tao.

"Good morning, Sheena! Kanina ka pa ba nandito? Pasensiya kana ha. Nakalimutan ko kasing i-set ang alarm ng clock ko. Kaya nalate na ko ng gising. Hehe." bati at paliwanag ni Karylle sa'kin, pagkadating na pagkadating niya.

Ngumiti lang ako sa kanya nang tuluyan na siyang makaupo sa harap ng table na inuupuan ko ngayon.

"Okay, lang. Maaga lang din talaga kong dumating ngayon. Dahil curious ako sa bagay na sasabihin mo sa'kin. Siguro ay mga kalahating oras ako dumating bago ang napag-usapang time. Hihi." tugon ko.

Tumitig siya sa akin ng ilang minuto. Medyo naiilang nga ko, dahil nakangiti lang siya habang nakatitig sa'kin. Maya-maya ay bigla siyang tumawa ng mahina at saka muling nagsalita.

"You know, Sheena? You really looks like him. No wonder na mag kambal talaga kayo." pahayag niya.

Kahit naguguluhan ako sa sinabi niya, ngumiti nalang ako bilang tugon.

"Ah, Karylle. Ano nga palang gusto mong sabihin sa akin?" tanong ko.

Tama. Si Karylle nga ang kausap ko ngayon. Nang mag uwian na kasi noong friday ay bigla siyang lumapit sa akin at sinabing kung pwede daw kaming magkita ngayong sabado. Dahil may sasabihin daw siya sa'kin. Kaya naman agad akong pumayag na makipag kita sa kanya ngayon. Wala din naman akong gagawin ngayong araw eh.

"Oh? Yun ba? *Sigh* Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo ang tungkol dun. Nahiya kasi bigla ako sa'yo ngayon eh. Pakiramdam ko kasi ay si Shion mismo ang kausap ko ngayon. Parang umurong tuloy bigla ang dila ko. " nahihiyang tugon niya sa akin na may malungkot na tinig.

Lalo naman akong nag-alala at naguluhan sa kanya.

"Eh? It's okay, Karylle. May problema ba? Sabihin mo lang sa akin. Inaway ka ba ni Shion?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Muli siyang tumingin sa akin at pagkatapos ay nagbuntong hininga.

"Si Shion... He is acting nice to me whenever you're around. Pero kapag wala ka naman, napaka sungit niya sa akin at ang ikli niya pang sumagot. I wonder... I wonder if you can help me... If you can help me to get close with him." Karylle

Nagulat siya ng bigla akong tumayo at hampasin ang table namin.

"Sure, Karylle. I will help you." nakangiti kong tugon sa kanya.

"Geez. That Shion... Hindi tama ang pagtrato niya sa'yo." nakasimangot na tugon ko pa.

Sandali siyang hindi nakapag salita dahil sa gulat sa sinabi ko, pero maya-maya ay napangiti siya ng malawak dahil sa pinahayag ko. Ngumiti din ako sa kanya at muling nagwika.

"Sabihin mo, Karylle. Anong maitutulong ko sa'yo?" saad ko pa at muling umupo.

"Sabihin mo, Sheena. Alam mo ba ang mga bagay na gusto ni Shion? Para naman malaman ko at... At... Hehe. Alam mo na." nahihiyang paliwanag pa ni Karylle.

Natigilan ako sa sinabi niya at napa isip ng malalim. Hindi ko alam kung anong pwede kong isagot sa kanya. Natigilan tuloy akong bigla.

Dati kasi noong madalas ko pang kasama si Shion, sa tuwing tatanungin ko siya kung ano ang gusto niya, sinasagot niya lang lagi sa akin ay kung ano ang gusto ko ay gusto din daw niya. Halimbawa, kapag bibilhan kami ng ice cream nina Mommy, chocolate sa'kin at chocolate din daw sa kanya.

Napabuntong hininga ako sa naisip at nahihiyang nagwika sa kanya.

"Sorry, Karylle. Kahit na kakambal ko siya, hindi ko pa din alam kung ano ang mga gusto niya. Wala din naman siyang naikukuwento sa'kin tungkol sa mga bagay na gusto niya." sagot ko.

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

"I see..." malungkot niyang wika.

"Don't worry, tatanungin ko nalang siya para sa'yo." masayang saad ko at kumindat pa sa kanya. Ngumiti siya sa akin bilang tugon.

*****

"Ah, Shion?!"

Pagkadating ko sa bahay ay ang mukha agad ng aking kambal ang hinanap ko. Naabutan ko siyang nakahiga sa sofa habang nanonood ng T.V. Ginawa niya pang unan ang dalawang bisig niya.

"Why?" Shion

Lumapit ako sa kanya at umupo sa sofa kung saan siya nakahiga ngayon.

"May... May itatanong lang sana ako." sagot ko.

Umupo siya mula sa pagkakahiga at lumingon sa gawi ko.

"And, what is it?" tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako mapakali at tila hindi na ko sanay makipag usap sa kanya ngayon.

"Pwede ko bang malaman kung anong mga bagay ang gusto mo?" tanong ko.

Nabigla siya ng bahagya sa sinabi ko at nagtataka akong tinitigan.

"What kind of question is that?" tanong niya.

Yumuko ako bago sinagot ang tanong niya.

"Please answer me, Shion. Kahit ang tanong lang na yan." mahina kong wika.

"Tss. Are you crazy? You are my twins and don't even know what I want?" walang gana niyang wika sa'kin.

Medyo napaatras ako, dahil sa sinabi niya. Tama siya. Anong klaseng kakambal ako, ultimo sarili kong kapatid ay hindi ko alam kung ano ang gusto.

"Ah, kasi... Ano... Pasensiya kana. Yung tanong ko... Ano..."

Hindi ko matapos-tapos ang nais kong sabihin sa kanya. Sobrang nahihiya kasi ako sa kanya ngayon at hindi ko alam kung bakit.

"Oh? Need badly for someone? Okay. I will answer your obvious question. Gusto ko ang mga bagay na gusto mo." sagot niya at saka naglakad paalis patungo sa kwarto namin.

Eh? Hindi ko na-gets yung sinabi niya. Ano daw yun? Bakit hindi man lang niya sabihin sa akin ng simple? Tss. Kailangan pa talaga ay yung mapapaisip ako. Mas lalo lang tuloy akong naguluhan. Pinagulo niya lang lalo ang isip ko.

Kinabukasan...

Muli akong nagtungo ng maaga sa coffee shop para makipagkita ulit kay Karylle. Honestly, Hindi pa ko sigurado sa isasagot ko sa kanya. Parang hindi nga ako mapakali ngayon sa inuupuan ko. Patuloy ko lang pinaglalaruan at pinapaikot ang yelo na may kasamang tubig sa loob ng baso na hawak ko ngayon.

Feeling ko ay magrereport ako ngayon ng isang topic na nakalimutan kong i-research. Kaya hindi ko alam kung tungkol saan ang irereport ko. In short, para akong isang hindi handang reporter ngayon. *Sigh*

Pagkalipas ng ilang sandali, tuluyan na ngang dumating si Karylle. Pagkaupo niya ay agad naming pinag-usapan yung tungkol nga sa kahapon. Nakatingin siya ng diretso sa'kin. Habang ako ay hindi man lang makalingon sa kanya. Nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan dito sa labas ng coffee shop. Maya-maya ay nagsalita si Karylle.

"So, Sheena. Sinabi niya na ba sa'yo?" tanong agad niya sa akin.

Tumango lang ako sa kanya bilang tugon at saka yumuko. Waaah! Anong gagawin ko? Bakit parang kinakabahan din yata ako ngayon? Epekto yata ng kape na ininom ko kanina. *Sigh* This is for Shion, right?

"Yeah. He already told me yesterday..." sagot ko.

Nagpalumbaba si Karylle habang umiinom ng iced coffee at saka muling nagtanong.

"So... Tell me, Sheena. What is it?" excited pang tanong ni Karylle.

Sa wakas ay nagawa ko ding dumiretso ng tingin at ngumiti sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang kanyang tanong.

"You know? The thing he likes is... Ang gusto ni Shion ay-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may maramdaman akong pumatak sa aking mukha. Hinawakan ko iyon para malaman kung ano ang bagay yun at nalaman kong tubig pala.

Tumingin ako kay Karylle at nakita ko ang gulat at pagka bigla sa kanyang mukha. Ako din naman ay nagulat dahil sa nangyari. Bakit may tubig sa may pisngi ko? Imposible namang umuulan sa loob ng coffee shop. Mas lalong imposibleng umuulan nga dito eh ang araw nga sa labas. Teka... Tubig? Tubig sa pisngi? Hindi kaya luha? Umiiyak ako?

Doon ko lang nalaman na umiiyak na pala ko. Pero, bakit? Bakit ako umiiyak? Maya-maya ay biglang ngumiti ng mapait sa akin si Karylle at saka nagwika.

"It's okay, Sheena. You don't need to force yourself." Karylle

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, pero batid ng puso kong may malalim na kahulugan iyon.

Hindi ako kumibo sa kanya. Sapagkat batid ko na kapag nagsalita ako ay magc-crack lang ang boses ko.

Pero, bakit? Bakit ba ko umiiyak ngayon? Tumingin si Karylle sa labas ng coffee shop at sa pagkakataong yun ay napahawak ako sa aking dibdib.

Masakit... Ang sakit... Pero, bakit? Kung pwede lang tanggalin ang isang organ ko kung bakit ako nasasaktan ngayon ay ginawa ko na sana. Dahil gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang mata ko naman ay walang tigil sa pag-agos at tila parang namatayan ng isang kamag-anak. Tsk. Pinunasan ko ang aking mga luha ng paulit-ulit para mabura na siya ng tuluyan sa aking mukha. Nakakahiya na din kasi sa mga tao na nandito. Baka isipin pa nila na may ginagawa sa aking masama si Karylle. Kaya umiiyak ako ngayon.

Maya-maya ay muling lumingon si Karylle sa direksyon ko.

"Sheena, like I said before. Its okay. You don't need to force yourself. I think its better kung umuwi nalang muna tayo. Para makapag pahinga ka. Kay pasok na kasi bukas, diba?" nakangiting wika niya sa akin.

"Hindi ka ba galit?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya sa akin bilang tugon at saka tumayo.

"So, aalis na ko ha? Naalala ko kasi na may mahalagang bagay pa pala kong gagawin eh." tugon niya.

Tumango ako sa kanya. Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng coffee shop. Naiwan akong nakatulala habang iniisip ang nangyari kanina. Pagkatapos ay muli na naman akong napahawak sa aking kaliwang dibdib.