Sheena's POV.
Nakahiga lang ako sa double deck naming kama ni Shion habang hinihintay siyang dumating.
Anong oras na, pero hindi pa rin siya umuuwi. Dahil sa sobrang pag-aalala ko ay muli na naman akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa sala kung nasaan sina mommy and daddy.
"Mom, wala pa po ba si Shion?" tanong ko na naman sa kanila.
Gabi na kasi, pero wala pa rin siya. Linggo nga pala ngayon at sinabi niya kaninang umaga na may lakad siya. Sinundo din siya ng babaeng nagngangalang Karylle.
Sasama sana ako sa kanya katulad ng naka-ugalian, pero nagalit na naman siya sa akin at pinag bawalan akong sumama sa kanya. Kaya naman naiwan ako dito sa bahay at hinihintay siyang dumating.
Mahal ko talaga ang aking kambal, pero nararamdaman kong galit siya sa akin ngayon. Hindi ko naman alam kung anong nagawa ko para magalit siya sa akin ng husto.
"Wala pa nga siya, anak. Hintayin mo nalang siya sa kuwarto niyo. Gabi na, matulog kana rin dahil may pasok pa kayo bukas." sagot ni mommy sa akin.
"Opo, mom." malungkot na tugon ko sa kanya at naglakad na pabalik sa kwarto.
Muli akong humiga sa kama, sa higaan mismo ni Shion. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, double deck ang higaan namin at sa itaas ang higaan ni Shion. Niyakap ko ang unan niya ng mahigpit habang hinihintay siyang dumating.
"Geez. Shion, nasaan kana ba?" tanong ko sa sarili.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Nangako siya sa akin...
"What do you think you're doing?"
Napabangon ako mula sa pagkakahiga ng marinig ang boses ng kakambal ko.
"Shion? Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam kung anong-"
"Don't touch my things. Sa guess room nalang ako matutulog." Shion
Akmang lalabas na siya ng kuwarto ng pinigilan ko siya.
"Wait! I'm sorry. Bababa na ko." saad ko at bumaba na nga ng kama niya.
Pagkababa ay agad siyang umakyat sa kanyang kama at humiga. Isang malalim na buntong hininga ang aking napakawalan. Galit pa din talaga siya sa akin.
"Shion, saan ka ba nanggaling?" tanong ko sa kanya.
Kahit na hindi ko alam kung sasagutin niya ba ko o hindi...
"Ano bang pake mo? " Shion
Natigilan ako sa sinabi niya. Kahit na mukhang nagtutubig na naman ang aking mata ay pinilit ko pa ding sumagot sa tanong niya.
"Siguro, kasi kambal mo ko? Siguro kasi kambal mo ko at nag-aalala ako sa'yo." mahina at may lungkot sa tinig na tugon ko sa kanya.
Naghintay pa ko ng ilang minuto ngunit hindi na siya sumagot pa. Maya-maya ay nakaisip ako ng ideya para hindi na magalit sa akin si Shion. Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Habang papunta doon ay nakasalubong ko pa sina mommy and daddy.
"Where are you going, Sheena?" tanong ni daddy sa akin. Habang si mommy naman ay tinaasan ako ng isang kilay.
Geez. I know it's already late, but I'm not going outside naman po. I take a deep big sigh.
"Just going to the kitchen, dad." nakangiti ko nalang na tugon sa kanya.
"O? I see. But, I thought you already eat your dinner?" tanong naman ni mommy.
"Yeah, mom. May gagawin lang po ako. Hihi." nakangiti kong tugon sa kanya with matching puppy eyes pa.
Para lang payagan nila ko, hindi ba? Baka makatulog na kasi si Shion kapag hindi pa ko nagmadali ngayon. Muli akong napabuntong hininga. Sana naman...
"O, sige. Basta pagkatapos ay matulog na agad. May pasok pa kayo ng kakambal mo bukas. Understand?" mom
"Opo." tugon ko at nagtungo na nga sa kusina namin.
Buti nalang at pinayagan talaga ako ni mommy. Nagtataka din ba kayo kung anong ginagawa ko dito? Dahil gabi na naman kasi, balak kong ipagtimpla ng gatas si Shion. Haha. Milk talaga dahil yun ang gusto niya.
Hindi ko alam kung isip-bata lang talaga siya o kung ano, dahil yun talaga ang gusto niya. Mabilis daw kasi siyang nakakatulog kapag umiinom siya ng gatas.
Back to reality. Kumuha ako ng dalawang baso para sa amin ni Shion at nagtimpla na nga ng gatas. Pagkatapos ay nilagay ko ito sa isang tray at nagtungo na sa aming kwarto. Dahan-dahan ko lang binuksan yung pinto para hindi maingayan si Shion. Baka magalit na naman kasi siya sa akin e.
Ginawa ko ang bagay na ito bilang peace offering sa kanya at sana naman tanggapin niya at hindi na siya magalit sa akin. Hindi kasi ako sanay na may samaan kami ng loob ni Shion. Gusto ko sanang hangga't maaari ay magkaayos na kami agad.
"Shion..." tawag ko sabay tingin sa higaan niya.
Dahan-dahan ko ding sinirado ang pinto pagkapasok habang dala ang tray na pinaglagyan ko ng baso na may lamang gatas.
"Mmm..." Shion
Napangiti ako ng sumagot siya sa akin. Buti naman at gising pa siya hanggang ngayon.
"Here. Drink this milk para makatulog kana, Shion. Ako ang gumawa niyan." nakangiti kong wika.
Umakyat ako sa higaan niya dala ang tray. Nakita ko siyang nakahiga at nakatalikod sa direksyon ko.
"I don't need that drink anymore." tugon niya.
Napasimangot akong muli sa naging sagot niya. Sabi ko na nga ba, galit pa din siya sa akin. Isa pa, malaki ang galit niya sa akin. Shion...
"Ganon ba? *Sniff* I- I will drink *Sniff* it all nalang. Hehe." saad ko at pinipigilang huwag maiyak.
"Tss. I don't want a milk anymore. I like coffee instead. But, forget about it now. I wants to sleep na kaya bumaba kana sa higaan ko, pwede ba?" Shion
Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na mapigilang mapaluha habang bumababa sa higaan niya. Ipinatong ko nalang ang tray sa study table katabi ng higaan namin at saka muling nagwika.
"*Sob* It's alright, Shion. I know you're still angry to me. *Sob* I understand you. *Sob* I've always waiting for you to forgive me. After all, you are my only twin, right? Goodnight, Shion." mahabang wika ko.
"Tss. M-Matulog kana dahil may pasok pa tayo bukas." mahina ang boses niyang tugon sa akin.
I'm waiting for his good night words, pero hindi na ulit siya nagsalita. Malamang, galit nga kasi siya sa akin. Kaya in the first place, bakit pa niya pa gagawin yun. Hindi ba?
"Okay. Good night again, Shion." wika ko kahit na sobra talagang nagtatampo at nasasaktan ang damdamin ko sa kanya.
Ngunit hindi na siya muling sumagot pa sa akin. Mukhang nakatulog na siya. Nakatulog na siya ng hindi man lang naayos ang problema naming dalawa. Nakayanan niyang makatulog na may sama ng loob sa akin.
Pinikit ko na ang aking mga mata kasabay ang pagbagsak ng mga luha na kanina ko pa gustong pigilan.