Shion's POV.
"Good morning, mom. Good morning, dad..." bati ko habang humihikab pa at saka umupo sa aking upuan.
Nagpalinga-linga pa ko bago kumain dahil hindi ko makita ang mukha ng aking kakambal. Nasaan na ba siya?
"A... mom, where is Sheena?" hindi ko na mapigilang itanong kay mommy.
"O? Si Sheena ba? Maaga siyang nagising dahil may practice daw ang club niya ngayon. Kaya nauna na siyang pumasok." tugon ni mommy sa akin.
Kung hindi ko pa nasasabi sa inyo, kasali sa isang club si Sheena. Sa pagkakaalam ko ay theatre club ang sinalihan niya. Tumango na lang ako kay mommy at nagsimula ng kumain. Pagkatapos ay agad na kong naghanda para pumasok. Siguradong tuluyan ng sumama ang loob niya sa akin at tiyak na lalayuan na niya ko ngayon. Kahit na mag makaawa pa ko ng husto. Wala akong magagawa e. Hindi tama ang nararamdaman ko para sa kanya.
>>>FAST FORWARD<<<
*SCHOOL*
"Bro, Bakit ngayon ka lang? Halika at tingnan mo ang nangyayari sa rooftop!" bungad agad sa akin ni Neiz.
Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"Huh? What do you mean?" nagtataka kong tanong sa kanya. Ngunit hinila niya na ko papunta sa rooftop. What the-! Ano bang nangyayari?
"Your twin, Shion. Kaaway niya ngayon ang kapatid ni Lyro na si Laila. Dalian mo! Absent kasi ngayon si Lyro, kaya ganyan na naman si Laila. Tsk!" paliwanag ni Neiz habang hila-hila pa din ako.
Natigilan ako sa aking narinig. Hindi maaari! Baka kung ano ng ginawa niya kay Sheena! Si Laila Exconde ay kapatid ni Lyro. Mabait at friendly siyang makitungo sa lahat, pero hindi kay Sheena. Ewan ko kung anong dahilan at nagagalit siya kay Sheena. Ang narinig ko lang ay naiinggit daw si Laila kay Sheena dahil inaagaw daw ng kakambal ko ang mga kaibigan niya. Tsk!
Nang makarating kami sa rooftop ay marami ng nagkukumpulang mga estudyante. Panay ang excuse naming dalawa ni Neiz sa kanila hanggang sa makarating sa harapan nila Laila at Sheena. Naikuyom ko ang aking dalawang kamao ng makitang nakaluhod na sa sahig si Sheena habang sinasabunutan siya ni Laila.
Tsk! May fears of heights si Sheena. Hindi ko siya mapapatawad kung may mangyayaring masama sa kakambal ko.
"O? Your twinny is already here. Narinig ko na malaki daw ang galit niya sa'yo? Totoo ba yun? Mukhang nandito siya para manood lang. Hahaha." tumatawang wika pa nito kay Sheena.
Nanggigigil na ko, pero pinilit ko pa ding maging mahinahon. Bukod sa babae siya, kapatid siya ng kaibigan ko.
"Hindi totoo yan! *Sob*" umiiyak na sigaw naman ni Sheena dito.
Tumingin ako kay Neiz at tumango naman siya sa akin.
"Laila, Bitiwan mo ang kakambal ko! Baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo!" may galit sa tonong sigaw ko sa kanya.
"O? Scary. As if it's true. Hahaha." Laila
Hindi ko na napigilang lumapit sa kanila at hawakan ng mahigpit sa braso si Laila at saka matalim ang matang nagwika sa kanya.
"I told you na bitiwan mo na siya. Don't you ever try to touch my twins again 'cause if you do, you will regrets it forever." matalim ang mata kong saad sa kanya.
Pagkatapos ay hinila ko na ang kakambal ko palayo sa kanya at dinala siya sa gilid ng rooftop. Nagwawala namang umalis sa rooftop si Laila at pagkatapos ay unti-unti na ding nagsisi-alisan ang mga estudyante. Hanggang sa naiwan kami ni Sheena sa rooftop. Umiiyak pa din siya na nagwika sa akin.
"Thank you, Shion. *Sob* I know you will *Sob* come to help me." wika niya at niyakap ako.
Muli ay naramdaman ko ang kakaibang damdamin para sa kanya. Nakaramdam ako ng tuwa sa aking puso ng yakapin niya ko, pero panandalian lamang iyon. Dahil muli kong naalala ang lagay naming dalawa ngayon. Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin at saka muling nagwika.
"Papasok na ko." cold kong pahayag sa kanya.
"Wait, Shion. Mag-usap muna tayo." Sheena
"About what?" walang gana kong tanong.
"About us, Shion. Why are you acting so angry in front of me, Shion? Why are you always ignoring me when I have something to tell you? Why... Why you always acting so mean to me? Tell me! Tell me, Shion! I'm really lonely right now 'cause I can't feel you. I can't feel your presence. Dahil wala ka sa tabi ko. Hindi ako sanay sa inaakto mo, pero Shion... Akala ko ba? Akala ko ba, hindi ka aalis sa tabi ko? Pero... Pero bakit sa inaakto mo ngayon pinagtatabuyan mo ko? Pinagtatabuyan mo ko palayo sa'yo, Shion..." Sheena
Muli na naman siyang umiyak sa harap ko. Natigilan din ako ng marinig ang sinabi niya. Lalo na yung huli niyang sinabi. Tama nga ba ang ginagawa ko? Pinagtatabuyan ko nga ba siya palayo sa akin? Kailangan ko nga ba talagang gawin ito sa kanya? Sa kakambal ko?
Tiningnan niya kong muli sa aking mata, pero muli lang akong umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Natatakot ako na baka mabasa niya ang sinasabi ng mata ko. Mabasa niya ang tunay kong nararamdaman at tuluyan na siyang lumayo at magalit sa akin. Tsaka baka... siya na mismo ang kusang umiwas at lumayo sa akin. Hindi ko kayang mangyari yun. Hindi ko kayang magbago ang taong ito sa akin. Dahil kapag nangyari ang bagay na yun, habang buhay kong hindi mapapatawad ang aking sarili.
Natigilan ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko at iniharap iyon sa kanya.
"Look at my eyes and answer my question, Shion. May nagawa ba kong mali na dapat mong ikagalit?" Sheena
Nagkasalubong na ng tuluyan ang mga mata namin. Ngayon ay kitang-kita ko ang lungkot at pag-aalala sa kanyang mga mata. Ngunit mas pinili ko ang hindi nalang magsalita kaysa magsinungaling pang muli sa kanya... Sa kakambal ko. Hindi ko din naman kasi kayang magsinungaling habang nakatitig siya ngayon sa mga mata ko.
"Sorry, but I need to go." yan lang ang mga katagang lumabas sa aking bibig at tuluyan ng umalis sa rooftop na yun.
Narinig ko pa siyang sinisigaw ang pangalan ko. Subalit hindi na ko muling lumingon pa sa gawi niya at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa classroom.
"Shion, Nasaan na si Sheena? Okay na ba siya?" tanong sa akin ni Neiz pagkaupo na pagkaupo ko sa aking upuan.
Wala pa ang teacher namin. Late din kasi laging dumating yun.
"She's fine. Pupunta lang yata siya sa clinic kasi sumakit ang ulo niya sa nangyari kanina." pagsisinungaling ko.
Alam ko kasi na hindi agad siya papasok dahil sa mugto ang mata niya kakaiyak. Isa pa ko sa naging rason kung bakit siya umiiyak.
"Ganon ba? Grabe talaga ang ginawa ni Laila kay Sheena. Sasabihin ko agad ito sa kapatid niya para pagalitan siya. Tsk!" pahayag ni Neiz.
Hindi na ko kumibo sa sinabi niya. Dahil biglang pumasok ang teacher namin. Umayos na kami ng pagkakaupo at nakinig dito. Habang nakatingin sa aming teacher na nagtuturo, hindi ko maiwasang isipin ang lagay ni Sheena ngayon.
Kamusta na kaya siya? Umiiyak pa din kaya siya?
=RECESS=
Nakaupo lang ako sa aking upuan habang pinaglalaruan ang ballpen ko. Hindi kasi ako mapakali e. Wala pa din si Sheena. Pagkalaan ay napabuntong hininga ako.
"Tsk" Pagkatapos ay tumayo ako at naglakad papuntang rooftop.
Wala pa din si Sheena sa classroom. Kaya malamang ay nasa rooftop pa din siya. Tsk! Ang babaeng yun, wala pa din siyang pinagbago simula ng bata pa lang kami.
Pagkarating sa rooftop ay nagpalinga-linga ako dito. Nahagip ng mata ko si Sheena na nakaupo lang sa gilid habang nakasubsob ang mukha sa dalawa niyang tuhod. Lumapit ako sa direksyon niya at hinawakan ang kanyang buhok.
Agad siyang napataas ng tingin at napatingin sa akin. Hindi na siya umiiyak, subalit mugto pa din ang dalawa niyang mata.
"Shion?" tawag niya sa pangalan ko.
"Pumasok kana kung ayaw mong isumbong kita kina mommy at daddy." nakasimangot kong saad sa kanya.
"Ayaw-"
"Pwede ba, Sheena? Huwag kana ngang mag-isip bata diyan. Malaki na tayo at hindi na bata. Kaya huwag kanang mag-inarte." galit ang tono kong wika sa kanya.
Alam kong masakit ang mga katagang sinabi ko sa kanya, pero ayokong masira ang buhay niya dahil sa akin. Isa pa, kung nasasaktan siya ngayon ay mas nasasaktan akong nakikita siyang ganito.
"Ganon ba, Shion? Dahil nga ba malaki na tayo kaya kailangan lumayo na tayo sa isa't-isa? Kailangan ba talaga kapag malaki na tayo ay magbago din tayo sa isa't-isa, Shion? Ganon ba talaga yun? Ipaliwanag mo naman sa akin, Shion. Naguguluhan kasi ako e." sagot ni Sheena sa akin.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Tumahimik ako ng ilang segundo at inunawa ang lahat ng mga sinabi niya.
Maya-maya ay bigla nalang kumidlat at kumulog ng malakas. Napatingin ako sa langit at unti-unti ng nagbabadya ang paparating na ulan. Samantala, si Sheena ay nakatingin pa din sa direksyon ko at hinihintay ang aking magiging sagot. Yumuko ako sandali. Pagkatapos ay muli kong iniangat ang aking mukha.
"Sheena, uulan na. Bumalik na tayo sa classroom." pahayag ko.
Hindi siya sumagot sa akin. Tinitigan lamang niya ako ng ilang minuto at tila hinihintay pa din ang sagot ko sa tanong niya kanina. Bumuntong hininga ako at saka muling nagwika.
"Oo, ganon nga yun." kunwari ay walang gana kong sagot sa tanong niya kanina. Kasabay nito ang malakas na pagkulog na naman.
"Sige. Papasok na ko." malungkot niyang tugon at nauna ng lumabas ng rooftop.
Napabuntong hininga na naman ako. Oo, batid ko. Hindi ko man sinasadya, mukhang nasaktan ko na naman ang taong mahal ko. Hanggang kailan ko kaya gagawin sa kanya ang bagay na ito?