Chereads / The twins conflict / Chapter 2 - Kabanata 2

Chapter 2 - Kabanata 2

Sheena's POV.

"Shion? Shion! Hintayin mo naman ako. Hindi pa ko tapos kumain e. Geez." Sheena

"Tss. I have to go now. Bye." saad ko.

Pagkatapos ay kinuha ang aking bag at saka umalis na ng bahay.

"Huh? Wai-" Sheena

Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin dahil lumabas na nga ako ng bahay at naglakad patungo sa school. I know I acting rude and arrogant in front of her, but this is the only way para maiwasan ko siya. Para maiwasan ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit na... ikagalit niya pa.

Habang naglalakad ay may bigla nalang humawak sa kamay ko. Kaya naman agad akong napahinto sa paglalakad.

"Geez. You left me behind. Nagmamadali tuloy akong kumain para maabutan ka lang." Sheena

Habang nararamdaman ko ang palad niya na nakakapit sa aking kamay, hindi ko na naman maintindihan ang tibok ng aking puso. Mukhang tinatraydor na naman ako ng nararamdaman ko.

"Tss. Sorry, okay? Bitawan mo na ko." tugon ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"No. I will hold your hand hanggang sa makarating tayo sa school. Hihi. This is your punishment for leaving me behind." Sheena

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tsk! If this one will continue, I will not...

"Sheena! I said bitiwan mo ko!" sigaw ko sa kanya na nagpahinto sa aming paglalakad.

Dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko at saka yumuko.

"Shion... I'm sorry." mahina at malungkot niyang tugon sa akin.

Napatingin na naman ako sa kanya. Gustong-gusto ko siyang hawakan at patahanin, pero...

"Tss. Kaya sinabi kong mauuna na ko e." wika ko at tuluyan na siyang iniwan.

Pinigilan ko ang sariling huwag lumingon sa aking likod, dahil kapag nangyari yun ay baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at ayaw kong mangyari yun.

*SCHOOL*

"Yow! Shion, Sali ka ba mamaya sa amin mag basketball ni Lyro?" bating bungad sa akin ng kaibigan kong si Neiz Joshua Smith.

Isa siyang basketball player, pero hindi ako katulad niya. Hindi kasi ako sporty at isa pa, lagi kong kasama ang kambal ko. Yung binanggit naman niya ay si Lyro Exconde. Katulad niya, mahilig din magbasketball. Mas close silang dalawa kumpara sa akin.

"Sure. Mamaya." pagpayag ko.

Bahagya siyang nagulat dahil sa naging sagot ko.

Hindi naman kasi ako talaga laging sumasali sa kanila at kung sakali ay ngayon pa lang talaga.

"Wew. Sure ka? Nasaan pala ang pinaka mamahal mong kambal?" tanong naman ni Lyro.

Hindi ko alam na nandito din pala siya. Tss. Muli akong napasimangot nang marinig ang huli niyang sinabi. Tss. Pinaalala niya pa.

"Tsk! Shut up, okay?" asar kong tugon sa kanya sabay upo sa aking upuan.

"Shion, galit ka ba?"

Natigilan ako ng marinig ko na naman ang boses ng kambal ko. Kadarating lang niya ngayon. Nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses. Ngunit hindi ko siya pinansin at nagkunwaring walang narinig.

"O? Shion, tawag ka yata ng babae na yun." bulong sa akin ni Neiz sabay turo sa pintuan ng classroom.

Nakatayo pa din sa harap ko ngayon si Sheena.

"Excuse me..." mahinang wika ko at tinabig siya.

Muntikan pa siyang matumba dahil sa ginawa ko. I'm sorry. Naglakad na ko patungo sa pinto at kinausap yung babae na gusto daw akong makausap.

"Yes? Anong kailangan mo?" cold at walang emosyon kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin ng mga ilang minuto at pagkatapos ay bigla siyang yumuko.

"Ano... Kasi..."

Napabuntong hininga ako dahil sa babaeng nasa harap ko ngayon.

"So, May I know your name?" tanong ko nalang sa kanya.

Muli siyang napatingin sa akin at wala akong idea kung bakit ang pula ng mukha niya ngayon.

"I... I am Karylle Agustino..." Karylle

Seriously? Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi-sabi sa akin agad.

"I want to ask you if you are free this sunday?" Karylle

Sa wakas ay nasabi na din niya. Ngunit agad akong natigilan ng maintindihan ang sinabi niya. Ngayon pa nga lang kami nagkita tapos... Tss. Tumingin nalang ako sa loob ng classroom at hindi siya sinagot. Nakita ko ang aking kakambal na nakatulala lang sa kanyang notebook at tila may malalim na iniisip. Bigla nalang siyang gumalaw at lumingon sa gawi ko. Sandali kaming nagkatitigan at ako na ang kusang umiwas ng tingin sa kanya.

"Sure. Saan tayo magkikita?" tugon ko kay Karylle.

Napansin kong nagulat siya sa naging sagot ko at kahit din naman ako.

"Talaga? Totoo ba ang sinabi mo?" hindi pa makapaniwalang tanong niya sa akin.

Tumango-tango ako sa kanya bilang tugon.

"Then, puntahan nalang kita sa bahay niyo." nakangiting tugon niya sa tanong ko kanina.

Nagtaka ako sa sinabi niya, pero hinayaan ko nalang iyon. Alam niya bahay ko kahit ngayon lang kami nagkakilala? Tss. Akmang babalik na ko sa aking upuan ng pigilan ako ni Karylle.

"A, pwede mo ba kong ihatid sa classroom?" Karylle

Napalingon akong muli sa kanya nang marinig ang sinabi niya.

"Sige." walang gana kong pagpayag.

Nakakailang hakbang pa lamang ako ng may pumigil na sa akin. Lumingon ako at nalaman kong si Sheena pala iyon.

"Shion..." Sheena

Nakayuko lang siya habang nakahawak sa laylayan ng damit ko.

"What?" walang emosyon kong tanong sa kanya.

She looks straight from my eyes at saka nagwika ulit.

"Can we talk?"

"What do you want?" wala pa ding emosyon na tanong ko sa kanya.

"A, Shion. Kasi-"

"I said what do you want?"

"I'm just wondering for a while. May nagawa ba kong masama sa'yo? If meron, sorry." malungkot niyang wika sa akin.

Hindi ako kumibo sa kanya. Sa halip, umasta ako na parang bored na bored ng makipag-usap sa kanya.

"Shion, Are you listening?" tanong niya.

Walang gana akong lumingon sa gawi niya at matalim ang matang tinitigan siya.

Napaatras siya sa ginawa ko at napakagat sa kanyang ibabang labi. Subalit hawak niya pa din ang laylayan ng damit ko.

"Are you still-" Sheena

Tinabig kong muli ang kamay niya at matalim ang mata na nagwika.

"Don't touch me! Sinabi ko na sa'yo yun, hindi ba? Leave me alone already!" sigaw ko.

Pagkatapos ay muli ko na naman siyang iniwan at tinalikuran. Habang si Karylle naman ay gulat na sumunod nalang sa akin. I know I overacting right now, but... This is the only thing I can do to prevent and forget my feelings for her. Dahil kahit anong gawin ko, pagbalik-baliktarin ko man ang mundo, hindi ko mababago ang na ang dugo na dumadaloy sa kanya ay dugo ko din.