Hindi siya susuko. Kahit ano'ng mangyari ay hindi siya susuko hangga't hindi siya napapatawad ni Luigi. Hinango niya ang cake mula sa oven. Napangiti siya. Siya mismo ang nagbake niyon. Paborito ni Luigi ang chocolate cake. Mahilig din ito sa mga donuts. Mahilig ito sa matatamis. "Sana naman, magustuhan niya ito." bulong niya.
Kung hindi niya ito naimbitahang pumasok sa bahay niya kaninang umaga, malamang na hindi rin siya nito papasukin sa bahay nito. She winced. Ang hirap palang ligawan ni Luigi. Dinaig pa siya. Lumapit siya sa bintana at sumilip mula roon. May malaking pader. Ni hindi niya makita kung ano'ng ginagawa nito. Tawagan niya kaya? Napabaling siya sa cake.
Perhaps, she has to do something that could make Luigi come to her. Napangisi siya. She cleared her throat. "Ahhh.... Ohhhhh....eehhhh..." nag-internalize pa siya ng boses. Nang makuntento ay buong lakas siyang sumigaw. "Araaaaaaay!" paulit ulit niyang isinigaw iyon, hoping that Luigi might come running towards her house and save her.
Pero halos limang minuto na siyang sumisigaw ay hindi pa rin ito dumarating. Pagod na bumalik siya sa kanyang kusina. Kahit pa siguro nasusunog na ang bahay niya ay hindi siya gugustuhing iligtas ni Luigi. Napatingin siya sa cake. Sayang naman kung itatapon niya. Siya na lang ang kakain. She sighed. Wala sa loob na kinuha niya ang kutsilyo. Ngunit nang eksaktong aabutin niya iyon ay biglang may narinig siyang kumalabog sa labas.
Hindi tuloy sinasadyang nahawakan niya ang talim ng kutsilyo at nahiwa ang daliri niya. Well, hindi naman grabe iyon dahil maliit lang ang hiwa. Napangiwi siya. Ano kaya'ng meron sa labas? Iniwan niya saglit ang kusina upang silipin kung ano iyong kumalabog. Ngunit halos kabubukas pa lang niya ng gate ay tumabad na sa kanya ang humahangos na si Luigi. Pareho pa silang nagulat na tila ba hindi nila inaasahan ang makita ang isa't isa.
"L-luigi?"
Tinignan siya nito. "I t-thought, I heard someone scream."
Napanganga siya. Oh my god! Her plan worked! "I, a-ano kasi..."
"Well, it seemed like you're fine." he was about to turn his back when she stopped him.
"I cut my finger."
Natigilan ito sa sinabi niya at napalingon. "What?"
"I cut my finger kaya napasigaw ako." itinaas niya ang kamay at ipinakita ang nasugatang daliri. "Look, it is even bleeding." ngumiwi siya. "Ouch. Ang sakit."
Dumilim ang anyo nito. "Stop playing around."
"I am not playing around. Feeling mo, magagawa kong sugatan ang sarili ko para lang pansinin mo ako? Am I that desperate?"
Tinignan siya nito ng mataman. "Yes."
Napasimangot siya. "I baked a cake."
"So?"
"B-baka gusto mo?"
"No, thank you."
Pinanghihinaan na siya ng loob. He was literally shoving her away. Sunud-sunod siyang napailing. Hindi siya pwedeng sumuko. She grabbed his arm and pulled him inside her house. "Halika muna, ipapatikim ko sa'yo iyong paborito mong cake!"
"Bitiwan mo ako." he warned.
"Sige na. Halika na sa loob." pangungulit niya.
Marahas nitong binawi ang braso mula sa pagkakahawak niya. Dahil doon ay hindi sinasadyang nasagi ang daliri niyang nasugatan kanina. Napaigik siya. Natigilan naman si Luigi. "Sinabi ko na kasi sa'yong bitiwan mo ako." paninisi pa nito sa kanya.
"Hindi naman ito masakit." she smiled.
"I'm going."
"Isang kagat lang."
"Ha?"
"Kahit isang kagat lang ang gawin mo sa ni-bake kong cake." Still, he didn't respond. Nagpuppy eyes siya. "Please? Luigi, Oppa?"
He sighed stoically. "Don't you ever call me that name, ever again." banta nito bago nagpatiunang pumasok sa bahay niya.
Nakangising sinundan niya ito ng tingin. So, may effect pa rin pala rito ang tawag niya rito noon? Oppa. It was a term of endearment in Korean. Half-korean kasi ito. His father was Korean. He lived in South Korea for sixteen years, bago ito nagdesisyong manirahan sa Pilipinas. Lagi siya nitong tinuturang magkorean noon, kaya kahit paano ay may alam siya.
"Oppa! Sandali!" nakakalokong tawag niya.
"Hindi mo ba ititigil iyang pang-aasar mo?"
"Titigil na po." naka-peace sign na aniya. Iginiya niya ito sa kusina. "Dito na lang tayo kumain. Ano'ng gusto mong inumin? Juice o coffee?"
"Kakagat lang ako. Isang kagat lang."
Napasimangot siya. "Malaki itong cake na ginawa ko."
"Hindi ba't isang kagat lang naman ang gusto mong gawin ko?" nakataas ang kilay na anito.
Napakamot siya sa ulo. Kung makulit pala siya ay mautak naman ito. "Fine. Isang kagat lang. Pero ako ang susubo sa'yo." nakangising aniya. Hindi na niya ito hinayaang magreklamo. Agad siyang kumuha ng tinidor at pumilas ng cake. He purposely cut a very large piece. "Say aahhh..."
"That's too big."
"Just say ahh..."
"Ayoko nga, mabibilaukan ako."
"Kapag hindi mo pa rin ibinuka iyang bunganga mo, ibig sabihin, pinapatawad mo na ako." Napahalakhak siya nang mabilis pa sa alas kwatrong bumuka ang bunganga nito. "Good boy." Dahan dahan niyang inilapit ang tinidor na may lamang cake sa bunganga nito. Nginitian niya ito ng pagkatamis tamis. "Well, how does it taste?" she asked, excitedly.
Nginuya muna nito ang cake bago sumagot. "Hindi masarap."
Lalong lumawak ang ngiti niya. "That was your answer too, noong una mong tinikman ang cake na ni-bake ko. Pero umamin ka ring sobrang sarap ng cake noong tayo na."
Pinamulahan ito ng mukha. "I'm going."
"You know, you are always cute whenever you blush like that."
"I'm not blushing." asik nito.
"Yes, you are."
"I'm really going." tumayo na ito at pagalit na lumabas ng bahay niya.
Hindi niya naiwasang mapangiti dahil sa inakto nito. Habang patagal ng patagal ay lalong lumalaki ang pag-asa niya. Hindi pa ito tuluyang nagbabago. May natitira pa ring dating Luigi sa katauhan nito. And she'll use that thin chance of bringing back the old Luigi she's loved before. Lalong hindi siya susuko. Magtatagumpay siya, sisiguruhin niya iyon.