Chereads / SOMEONE ILOVE (COMPLETE) / Chapter 16 - CHAPTER FIFTEEN

Chapter 16 - CHAPTER FIFTEEN

"W-what do you mean?" natatakang tanong niya.

"Why am I doing this to myself?" he muttered. It looked like he was asking it to himself, and not to her. Makailang beses rin itong napailing na tila hindi makapaniwala.

"Ako ang nababaliw at hindi ikaw. I'm sorry." pinilit niyang kumawala mula sa pagkakayakap nito, but his grip only tightened that it made her gasped so loud.

"How much do you love me?"

"More than my life, Luigi." mabilis niyang sagot. Ni hindi na niya kinailangan pang pag-isipan ang tanong nitong iyon. Her answer came from her heart.

"I don't want to trust you."

"You don't have to force yourself."

"I want to try it with you."

Nagulat siya sa sinabi nito. "A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"I love you, Airen."

Awtomatikong napayakap siya rito. Joy and happiness overwhelmed her heart. Hindi magpasidlan ang tuwang naramdaman niya dahil sa sinabi nito. For ten years, kay tagal niyang idinalangin n asana ay muli niyang marinig ang mga katagang iyon mula mismo sa bibig nito. She felt like bursting. And she couldn't believe it. "I love you too, Luigi." nagsisimula na naman siyang umiyak. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita."

"Hindi ko maipapangako ang pagtitiwala ko sa'yo."

Natigilan siya. Gusto niyang kumalas mula sa pagkakayakap rito at tignan ang reaksiyon nito pero pinigilan niya ang sarili. Pakiramdam niya, kapag ginawa niya iyon ay tuluyan na itong mawawala sa kanya. "L-luigi..." she whispered with a trembling voice.

"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, mahal kita." inilayo nito ang sarili sa kanya at pinakatitigan ang mukha niya. Then he cupped her face and gave her another passionate kiss.

It was too good to be true. Halos dalawang linggo na silang nagkabalikan ni Luigi. Pagkatapos ng nangyaring kumprontasyon sa pagitan nila sa ilalim ng puno ng mangga ay parang magic na naayos ang lahat sa kanila. It wasn't official, pero tama na sa kanya ang ganoong set up sa kanila ni Luigi. He was back into being sweet again. Napangiti siya.

"Baliw!"

Natatawang napalingon siya kay Mabelle. "Inggit."

"Ano ka? Bakit ako maiinggit? Ayoko na sa mga boys." napasimangot pa ito.

"Bitter teh? Binasted ka na naman ba ni Jae?" biro niya. Ngunit agad na napalis ang ngiti niya nang mapansing biglang tumamlay ang hitsura nito.

"Change topic!" pinilit nitong ngumiti. "Nakita ko sina Camille sa mall kahapon. And guess what, may Homecoming Party daw pala ang batch natin next week! You didn't tell me about it." nag-aakusang anito. Naupo ito sa harap ng mesa niya. They were in her office.

"I totally forgot about that. I'm sorry." napakamot siya sa ulo. Ang totoo, kinalimutan niya talaga iyon noon. Wala naman kasi siyang balak na pumunta dahil kay Luigi. Pero dahil nagkaayos na sila ngayon, she'll be more than glad to attend the party.

"Para ka talagang baliw. In love na in love, teh?"

Naiiling na nagpangalumbaba siya sa kanyang mesa. "Mabelle, sa tingin mo ba, tama itong ginagawa ko? Do you think he loves me?" mayamaya'y tanong niya.

"Hindi ko masasabi. Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo. Can you feel his love?"

"Yes." mabilis niyang sagot.

It was true. Lagi nitong ipinaparamdam na mahal siya nito. He was always sweet and very caring. Para ngang walang nagbago eh. Ito pa rin ang dating Luigi na minahal niya noon. He always asked her on a date, he loved surprises and he was very thoughtful. Iyon ang mga bagay na minahal niya sa dati at sa ngayo'y bagong Luigi. Every second, every minute, wala siyang ibang nararamdan kundi kasiyahan sa tuwing kasama niya ito.

Pero may kulang sa relasyon nila. May nawawala. At alam niya kung ano iyon. Trust. He could never trust her. Masakit isipin pero iyon ang totoo. What they had could never be perfect without trust. It was very hard on her part, pero lagi niyang iniisip ang pagmamahal niya sa binata. She would never give up on him again. She's promised that.

"Something's bothering you." puna ni Mabelle.

"H-he doesn't trust me." malungkot niyang saad.

Napabuntong hininga ang kaibigan niya. "He'll learn how to trust you again. Just give him time. Nahihirapan ka na ba?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling siya. "I deserve it."

Ito naman ang umiling. "You don't. Alam mo iyan. You did it because you loved him. Darating ang araw na maiintindihan niya ang ginawa mo. He was just blinded by his anger."

"I am his world, Mabelle. Ako ang pangarap niya, ako ang kinabukasan niya, ako ang lahat lahat sa kanya. At araw-araw, ipinangako namin sa isa't isa na hindi kami susuko. But I failed him. I gave up on him. I ruined his world, I ruined his dreams and I ruined his life."

"Walang nasira sa kanya, Airen. Look at him. He's better now."

"I ruined his trust."

"You loved him, kaya nagawa mo iyon. It's not your fault."

"I will earn his trust again." determinadong saad niya.

"He's a lucky bastard. I wish he's heard everything you've just said."

Natigil ang usapan nila nang may kumatok. Natuon ang atensiyon nila sa pinto. "Come in." sigaw niya. Napangiti siya nang bumungad mula sa pinto si Luigi.

"Alis muna ako." paalam ni Mabelle na biglang napatayo. Humalik ito sa pisngi niya at binalingan si Luigi. "Bye Luigi. Ayokong maka-istorbo, you know." biro pa nito.

Napangiti siya sa hawak ni Luigi na isang pumpon ng mga rosas. "Is that for me?"

"I'll think about it." nakangiti ring sagot nito.

Napasimangot siya na animo'y nagtatampo. "Ganon?"

"Unless..."

"Unless?"

Pinatulis nito ang nguso. She blushed, but nonetheless laughed. Tumayo siya at nilapitan ito. She wrapped her amrs around him and kissed him on the lips. At first, it was just a gentle peck. Hanggang sa lumalim iyon at naging mapusok. Pareho silang hinihingal nang matapos ang pinagsaluhan nilang halik. She cupped his face and caressed his cheeks.

"I love you, Luigi."

"I love you too, Airen."

"What brought you here? Akala ko ba may trabaho ka sa opisina?"

"I brought the papers home. Did you miss me?"

"Hindi nga eh." aniya sa nagbibirong tono.

"Ah ganon? Edi aalis na lang ako." he was teasing too, nag-akma itong aalis.

"Luigi, don't ever leave me." pigil niya.

Nakangiting napatitig ito sa kanya. He didn't say any word, but he hugged her tight. "Shall we go on a date? Mukhang sobrang namiss mo ako eh."

"Sure." tumatangong sagot niya.

"Saan mo gustong magdate?" mayamaya'y tanong nito. He held her hand.

Excited niyang hinila ito palapit sa table niya. Kinuha niya ang bag niyang nakapatong roon at muli itong hinila patungo sa pinto. "Movie house!" tili niya.

Nalukot ang mukha nito. "Not there." iling nito.

Mukha naman niya ang nalukot. "We've never been there."

"You know..."

"You hate being in a crowd. You hate dark places and you hate places where you can't see, right? Sino ba kasing nagsabi na kapag nakasuot ng salamin ay hindi na pwedeng manood ng sine? Nagpapaniwala ka sa mga bully sa school noon." humigpit ang hawak niya sa kamay nito. "I will never let go of your hand, oppa. Trust me."

"A-airen..."

"Please?" nagpuppy eyes siya.

"Fine. Pagbibigyan kita ngayon." napipilitang sang-ayon nito. Tuwang tuwang niyakap niya ito at mabilis na hinila palabas ng opisina niya. "Hindi ka masyadong excited, ano?"

She felt very proud holding Luigi's hand habang naglalakad sila palabas ng shop. Admiring and envious stares bore on to their entwined hands as they walked out of her shop. Kinikilig pang tumitili mula sa isang sulok sina Alyssa at Cheryl habang inihahatid sila ng tanaw paalis. It has been always the case, tuwing hapon ay sinusundo siya ni Luigi doon.

"Ang dami mong fans." biro niya nang makarating sila sa sasakyan nito.

"Ang gwapo ko kasi." pagsakay nito sa biro niya. "By the way, Camille called earlier. She was asking if we could go to the homecoming. Ang sabi ko, tatanungin muna kita."

"Sure!" excited niyang sagot. Not until she realized that she shouldn't have acted that way. Napayuko siya. "I mean, it's up to y-you. G-gusto mo ba na pumunta tayo?"

Hindi na ito nakasagot. Pinisil nito ang kamay niya bago iyon binitiwan at pinaandar ang kotse nito papalayo. Habang nasa biyahe ay hindi niya naiwasang mag-isip. Natatakot kaya ito na bumalik ulit doon sa campus? Had she been insensitive to have asked him like nothing has happened ten years ago? Hindi niya naiwasang makaramdam ng guilt.

"We're here."

Napakurap siya sa biglaang pagsasalita nito. "Uh...y-yeah." Bago siya tuluyang bumaba ay muli nitong ginagap ang palad niya. Napalingon siya rito. "Luigi oppa?"

"We will go."

Sa sinabi nito ay tuluyan na siyang napangiti. She gave him a quick kiss on the lips. "Halika na! Excited na akong manood ng movie sa loob at kumain ng pop corn."

They were holding each other's hands as they entered the mall. Hindi niya maiwasang kiligin habang pasimpleng tinititigan ang magkahugpong nilang mga kamay. First time nilang magdate sa isang mataong lugar. Bukod kasi sa hindi sanay sa crowded places si Luigi ay natatakot rin sila noon na baka makita sila nina Sanji. Ang saya pala ng feeling na makasama ito ng walang pinagtataguan, ng walang kinatatakutang may makahuli sa kanila.

"Ano'ng gusto mong unahin? Manood ng sine?"

"Airen, we came here to watch a movie, didn't we?" seryosong tanong nito.

"We came here to have fun. Madami pa tayong pwedeng gawin dito sa mall bukod sa manood ng movie. Come on oppa, just play along, please?"

"Naisahan mo na naman ako."

Ikinawit niya ang kamay sa braso nito at hinila ito patungo sa sinehan. Sabay silang bumili ng pop corn at cola's bago pumasok sa loob. As soon as they got inside the movie house, she felt Luigi stiffen. Hinawakan niya ito sa kamay, assuring him that it's gonna be fine. "Hold my hand, oppa. I will always be here. I will not let go of your hand." bulong niya.

Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. "I will never let you let go of my hand, Airen. Even if you beg." ganting bulong nito.

Napangiti siya. Naglakad sila patungo sa nakahilerang mga upuan. Nakaupo na sila't lahat ay hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay niya. Tinampal niya ito sa braso. "Aayusin ko itong pop corn, bitiwan mo muna ang kamay ko." bulong niya.

"Ayoko nga. Bawal bumitiw diba?" ganting bulong nito.

Napalunok siya at kagyat na napakislot dahil sa ginawa nitog pagbulong. Masyadong malapit ang mukha nito sa kanya. His lips almost touched her ears and she felt his hot breath caressed her neck. Bigla ay parang uminit sa paligid niya. Then she heard him chuckle.

"T-tigilan mo ako ah!" naggagalit-galitang piksi niya.

"I was just teasing you." kumuha ito ng pop corn at sumubo. Mayamaya'y naramdaman niya ulit ang mainit nitong hininga sa may bandang leeg niya. "Truth be told, I really want to kiss you right now. Damn! This is why I hate going to places like this." he whispered.

Pinamulahan siya ng mukha. "B-behave!"

Tumawa lang ito. Umayos ito ng upo at nagsimulang tumingin sa malaking screen kung saan ipinapalabas ang The Vow kung saan si Channing Taturn at Rachel McAdams ang mga bida. She chose the movie, of course. Tahimik silang nanonood. Panaka-naka ay nag-uunahan sa pagkuha ng popcorn. Nagsusubuan din sila, nagkikilitian at ninanakawan ng halik ang isa't isa. It seemed that they didn't watch the movie. Kilig overload siya nang mga oras na iyon.

After watching the movie, lumabas sila ng mall at naglakad lakad sa gilid ng kalsada. It was so peaceful and fulfilling walking under the bright moonlight with Luigi walking beside her. Kakaibang kapanatagan ang naramdaman niya. Lalo niyang minahal ang binata.

"Oppa, masaya ka ba?" naglalambing na tanong niya.

"Oo naman." he smiled.

"I am too. Sobra." she looked at him, with so much love in her eyes.

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. "I love your eyes, Airen."

"I love you, Luigi oppa. Ang lahat lahat sa'yo, mahal ko."

"I love you too." niyakap siya nito at hinalikan sa ulo.

"Napatawad mo na ba ako?" bigla niyang naitanong. Hindi ito sumagot, so she pushed her luck harder. "Will you trust me again?" she almost whispered.

She felt his embrace tighten. Still, he didn't answer. She smiled bitterly. Siguro nga, hindi madali para rito ang muling pagkatiwalaan siya. Kahit ano'ng saya niya habang kasama ito ay hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa tuwing naiisip niyang hindi siya nito pinagkakatiwalaan. He wasn't hers, completely. He didn't love her, completely.

May saysay pa nga kaya ang relasyon nila? Sapat na bang mahal nila ang isa't isa? O, sapat na bang mahal na mahal niya si Luigi? Bigla siyang nakaramdam ng takot. A love without trust is like a house without door and windows—nakakasakal, walang hangin. She could never give up on him. She didn't want to. Ayaw niya. Sana makayanan nila.