"Ate, alis ka na?"
Napalingon siya kay Alyssa. Napangiti siya bago tumango. "Yes." Kinuha niya ang kanyang bag at lumabas ng opisina niya. "Nabilinan ko na si Divine."
Sumunod ito sa kanya. "N-napansin ko lang, ang aga mo ng umuuwi ngayon. Tapos late ka pa dumarating." nahihiyang napayuko ito. "Hindi naman sa nakikialam ako, Ate."
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Kailanman ay hindi niya itinuring na tauhan ang mga nagta-trabaho sa coffee shop niya. Patunay roon na imbes na ma'am eh Ate ang itinatawag ng lahat sa kanya roon. Kahit paano ay close rin niya ang mga roon. At si Alyssa nga ang isa sa pinakamalapit sa kanya. "May gagawin kasi akong importante."
"Ano naman iyon, ate?"
She grinned. "May liligawan kasi ako."
Sa sinabi niya ay halos sabay-sabay na ingay ang sumunod na narinig niya. Natawa siya nang makita ang pagkahulog ng mga hawak ng halos lahat ng tao sa shop na nakarinig sa sinabi niya. Everyone knew her as the cold, the tigress and the forever alone Airen. Iyong masungit, man-hater at loveless na babaeng may-ari ng coffee shop. Sa katunayan ay wala pa siyang pinayagang manligaw sa kanya. She raised her chin up and smiled broadly.
"M-manliligaw ka?" bulalas ni Alyssa.
Tumango siya. "Hindi ako marunong manligaw, pero oo, manliligaw ako." she said. It almost came out like an announcement. Halos lahat ng mga parokyano nila ay kapitbahay rin niya sa Soul Village, kaya hindi na siya nahiyang sabihin iyon. Afterall, simula ng nakita niyang nagblush si Luigi kahapon ay nakapagpasya na siya—ibabalik niya ang dating Airen.
Bago siya dumating sa village na iyon ay binago niya ang sarili. She wanted to be matured, bold and cold, para maprotektahan ang sarili. Sampung taon rin niya niloko ang sarili na nagbago na nga siya. Pero ngayon ay hindi na niya kailangan iyon. Lalo pa't tanging ang dating si Airen lang ang makakapagpabalik sa kanya kay Luigi. It was her chance to free herself from the guilt that ruled her life for more than ten years.
"Kaya nga aalis na ako ngayon."
"Sino'ng liligawan mo?" tanong ni Cheryl na hindi napigilang lumapit sa kanila.
Natawa siya. Tinapik tapik niya ang balikat ng dalawa bago umiling."Kapag napasagot ko na siya, tsaka ko na sasabihin." she winked. Iniwan niya ang lahat na bubulong-bulong.
Natatawang umuwi siya sa kanyang bahay. She's planning to cook dinner for Luigi. Susubukan niya ulit itong suhulan ng pagkain. Napangisi siya. Luigi loved her cooking skills. Pagkauwi niya ay wala siyang inaksayang panahon. Ipinagluto niya agad ng ulam si Luigi. Paborito nito ang adobong baboy, lalo na raw kapag luto niya. Nagluto rin siya ng menudo. Matapos magluto ay agad siyang pumunta sa bahay nito dala ang mga ulam na niluto niya.
"Sana papasukin niya ako." piping usal niya habang hinihintay na pagbuksan siya nito ng gate. Inulit niyang pindutin ang doorbell. Wala pa ring dumarating. Naiinis na siya. It was dark outside his house, madami ring lamok. She was about to press the button again when the gate opened. Tumambad sa kanya ang lukot ang mukhang si Luigi.
"What is it?" paasik na tanong nito.
Pinagmasdan niya ito. His hair was untidy. Kusot-kusot rin ang damit nito na kung hindi siya nagkakamali ay iyon iyong nakita niyang suot pa rin nito kaninang umaga bago ito umalis. Halata ring bagong gising ito dahil namumungay ang mga mata nito.
She didn't have to guess that he just got up from his bed. Ganon ba ito ka-busy para hindi na nito magawang ayusin ang sarili? Just by thinking of him lying selflessly on his sofa with some paper works on his hand made her feel awful. Natitiyak rin niyang hindi pa ito kumakain. Baka nga hindi pa ito nakakapagluto ng pagkain eh. Pagod na pagod rin ang hitsura nito. Kung sana ay pwede niyang pawiin ang pagod nito.
"You didn't come here to ogle at me, right?" he asked sarcastically.
Napakurap siya sabay pinamulahan ng mukha. Ngunit sa halip na mahiya ay nginitian niya lang ito ng matamis. "I came here to give you something. Nagluto ako ng dinner, eh napasobra yung naluto ko. Kaya heto..." inabot niya ang dalang tupperware. "...baka kako gusto mo." nakangiting alok niya. Tinignan lang nito ang hawak niya at muling ibinalika ng matalim na tingin sa kanya. Alam na niya kung ano ang isasagot nito kaya inunahan na niya ito. "Masarap ito. Pinagkakaguluhan nga ito ng mga tauhan ko sa shop eh."
Hindi niya pinansin ang lalong pananalim ng tingin nito. Bagkus ay itinulak niya ito at tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay nito. Dumiretso siya sa kusina nito. Agad siyang kumuha ng plato at inilapag iyon sa mesa. Kumuha rin siya ng lalagyan ng mga ulam na dinala niya. Luigi's kitchen was really nice, accessible din iyon at medyo nahahawig sa kusina niya kaya madali siyang makagalaw-galaw doon.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" dumagundong ang nayayamot na boses ni Luigi.
"I am preparing for dinner." nagkibit balikat siya.
"Leave."
"In fairness, masinop ka ha? Ang linis ng kusina mo." balewalang ipinagpatuloy niya ang ginagawa. "Halika na, maupo ka na at kumain na tayo."
"Tayo?"
"Oo, naisip ko kasi na baka malulungkot kang kumain mag-isa. At dahil napakabait ko, naisip kong sabayan ka na lang." naupo siya. "Halika na. Upo ka na rin."
"Alam mong ayoko ng ginagawa mo." nagpamewang ito sa harap niya.
"Alam mong lahat ng ginagawa ko ay gusto ko."
"Airen..." nananaway nitong sambit.
"Nakalimutan mo na ba? Ako ito, si Airen Castillo, ginagawa ang lahat ng gusto."
"Huwag mo ng hintaying kaladkarin pa kita palabas."
"You won't do that."
"And why not?"
"Because you are not the type of person who'd do that to a woman. You repulse violence. Malaki rin ang pagrespeto mo sa mga tao, lalong lalo na sa mga babae."
"Nakalimutan mo na ba'ng nagbago na ako?"
"Kung totoong nagbago ka na, dapat ay kanina pa ako nakaladkad palabas ng bahay mo. Pero tignan mo, nandito pa rin ako ngayon sa loob." nakangiting paliwanag niya.
"Bahala ka nga diyan sa buhay mo." padabog itong umalis sa harap niya at pumanhik sa ikalawang palapag. Nahihinuha niyang sa kwarto nito ito dumiretso.
Napabuntong hininga siya. Tinakpan muna niya ang mga ulam sa mesa bago pumunta sa living room nito. Aantayin niya ito, para sabay na silang kumain. Napalinga siya sa paligid. Maayos na maayos ang sala nito. Napangiti siya. Hindi pa rin ito nagbabago, he always see to it na malinis ang lahat. Ayaw na ayaw kasi nito sa dumi.
Naupo siya sa sofa. Paano kaya kung hindi niya isinuko si Luigi noon? Paano kaya kung hindi niya nasabi ang mga nasabi niya rito noon? Paano kaya kung hindi siya natakot kay Sanji? Ano na kaya ang nangyari sa kanila ni Luigi? Would have they been married by now, kagaya ng plano nila noon? She smiled bitterly. Nanghihinang napahiga siya sa sofa. Hindi niya namalayang iginupo na pala siya ng antok.
"Ano ba?" naiinis na angil niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Inaantok pa rin kasi siya. Noong una ay nakakairita lang ang pansundot-sundot ng kung sino sa pisngi niya. Ngunit habang tumatagal ay tila sumasakit iyon. "Aray!" naiiritang piksi niya.
"Hindi ka pa rin babangon?"
"Bakit ba? Ano ba kasing, aray!" napasigaw siya ng bigla nitong kurutin ang magkabilang pisngi niya. Napabangon tuloy siya ng wala sa oras. Napahawak siya sa nakurot na mga pisngi. "Ang sakit ng—" napamulagat siya nang mabungaran si Luigi.
"Nagpunta ka lang ba rito para matulog?" matiim nitong tanong.
Napakamot siya sa ulo. Naramadaman rin niya ang biglaang pag-iinit ng kanyang buong mukha. "N-nakatulog pala ako?" nahihiyang tanong niya.
"Umakyat ako sa kwarto para maligo at para hintaying magkusa kang umalis ng bahay ko. Nang mapansin kong biglang tumahimik ang kusina ko, inakala kong umalis ka na. Only to find out that you were on my sofa and sleeping like a baby."
His accusing tone made her blush even more. "N-nakatulog ako?"
"Hindi, nalaro ka." sarkastikong sagot nito.
Lalo siyang napangiwi. "I-I'm sorry, hindi ko naman sinasadyang makatulog eh."
"You planned this, didn't you?"
"Hindi ah!"
"Umamin ka."
"Hindi naman talaga eh." napayuko siya. She was feeling emotional that time. Siguro nga ay hindi lang maganda ang gising niya. Why, hindi niya matagalan ang nang-uusig na tingin ni Luigi sa kanya. Tumayo na siya. "S-sige na, aalis na ako."
Nagulat pa siya ng bigla siya nitong pigilan. Nagtatakang napatingin siya sa kamay nitong may hawak sa kanyang braso. He still had the same coldness in his eyes, pero nakapagtatakang ng mga oras na iyon ay hindi nito magawang tumingin ng diretso sa kanya.
"A-ayusin mo iyong ginawa mong gulo sa kusina ko."
"A-ano?"
"You made a mess in my kitchen. Alam mong ayaw na ayaw ko ng magulo." nagpatinuna na itong lumakad patungo sa kusina nito.
Napasimangot siya. Of course, he was expecting her to follow him. So bossy. Dati, siya ang boss nito. Ngayon naman baliktad na. She sighed. Walang imik na sinundan niya ito. Pagkarating niya roon ay mas lalo lang siyang napasimangot sa nadatnan. She crossed her arms and stared at Luigi, who, by then was already sitting like a king at the table.
"At nasaan ang mess na ginawa ko sa kusina mo?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Ayan oh." turo nito sa mga ulam na dinala niya kanina.
Tinakpan niya iyon kanina habang hinihintay itong pumanaog at bumalik sa kusina. Agad na nag-init ang ulo niya sa narinig. Siguro nga, tama ang kasabihan ng marami na magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising. At marahil ay epekto ulit ng naunsiyaming tulog niya ang naging reaksiyon niya sa tinuran nito. Suddenly, she didn't have the time and the pleasure to play with his bantering and cold remarks.
"Sorry ha? Nakagulo pa ako. Di bale, kukunin ko na lang itong basura ko. Nakakahiya naman sa napakalinis mong mesa." nagsimula siyang isalansan ang mga ulam pabalik sa tupperware. Hindi niya maiwasang magdabog. Pinaghirapan pa naman niyang iluto ang mga iyon. Ni hindi niya ininda ang pagod mula sa pagta-trabaho niya sa coffee shop, tapos...
"Sit down."
Natigil siya sa pagtakip ng ulam at napabaling rito. "Huwag na." ingos niya.
"Maupo ka na. Kainin natin iyang ulam mo. Pagtya-tayagaan ko muna."
So, ganun-ganon lang, gumanda ulit ang mood niya. Lihim siyang napangisi. He was actually inviting her to have dinner with him. It was more than what she's expected. "Huwag na. Nakakahiya naman sa'yo. Mapipilitan ka pa. Baka mabilaukan ka lang." pakipot niya.
"I said sit down. Bago pa magbago ng tuluyan ang isip ko."
Mabilis pa sa kidlat na umupo siya sa tabi nito. Nakangising ibinalik niya ang mga ulam sa lalagyan. "Walang bawian." sansala niya sa pagtaaas ng kilay nito.
Napailing ito. "Since nakikikain ka lang naman dito sa bahay ko, pagsilbihan mo ako." nakahalukipkip na utos nito.
Lalong lumawak ang ngisi niya. "My pleasure." tumayo siya upang ipagsandok ito ng kanin. Kumuha rin siya ng juice sa refrigerator nito at sinalinan ang baso nito.
"Sit down. Tulungan mo akong ubusin iyang dinala mo rito."
Bumalik siya sa pagkakaupo at maganang sinimulan ang pagkain. "Ang sarap ng luto ko ano?" nagnining-ning ang matang tanong niya kapagdaka.
"Nakita mo na ba akong sumubo?"
Ngumisi lang siya. "Sige na, kain ka na."
Pinakiramdaman niya ito nang magsimula itong sumubo ng adobo. When he took his second bite, kahit paano'y nakahinga siya ng maluwag. Lalo na noong sunud-sunod na itong sumubo. Mas lalo tuloy siyang ginahang kumain. Malapit na siyang magtagumpay na mapaamo ulit ito. Sa kaisipang iyon ay tila baliw na kinikilig ang kanyang umaasang puso.
"Bakit ganyan ka makatingin?" natitigilang tanong nito.
"Masaya lang ako."
"Why?"
"Kasi kinakain mo ngayon ang luto ko."
Ibinaba nito ang hawak na kutsara at matamang napatitig sa kanya. "I am doing this because..."
"It doesn't matter. Wala akong pakialam kung ano pang dahilan mo kung bakit mo kinakain ngayon ang luto ko. It's more than enough for me to see you eating the food I prepared, just for you." nakangiting sansala niya. Her words made him speechless, once again. "Tapos ka na bang kumain? Maghuhugas na ba ako ng plato?"
"No, you may leave."
"Okay." tuwang tumayo siya. "Iiwan ko na muna rito ang tupperware, paki-hugasan na lang. Kukunin ko bukas, okay? Goodnight, Luigi! Sana nabusog ka." nilapitan niya ito at mabilis na kinintalan ng magaang halik sa pisngi. "Alis na ako! Bukas ulit!"
Hindi na niya hinintay ang reaksiyon nito sa ginawa niya. She leapt out of his house with a big grin on her face. Natitiyak niyang makakatulog siya ng mahimbing mamaya. Oh my, feeling niya talaga, lumalaki ang pag-asa niyang mapaamo ang dating kasintahan.