"Ano'ng sabi mo?"
Parang may fireworks sa ibabaw ng ulo ni Airen habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ni Luigi. Lalo ring lumawak ang ngisi niya nang hindi ito agad nakasagot sa tanong niya. Her planned didn't just work, it worked perfectly!
Hindi na nga ito sumagot. Sa halip ay hinigit nito ang kamay niya at halos padarag na hinila siya. They were walking so fast. Pakiramdam niya tuloy ay maihihiwalay ang mga paa niya mula sa katawan niya. Hindi naman siya makapalag dahil bukod sa masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya ay binabalot rin ng kakaibang kilig ang katawan niya. Kay tagal na panahon rin bago siya muling nahawakan sa kamay ni Luigi.
Hindi na siya nagtakang huminto sila sa harap mismo ng mga bahay nila. Ngunit ang ipinagtaka niya ay imbes na pumasok sa bahay nito ay humalukipkip ito at binalingan siya.
"Open your gate." utos nito. Hindi pa rin siya nagsalita. She silently opened her gate. Hinintay niya ang susunod pa nitong sasabihin. "Now, get the cookies."
"W-what?" kunot noong tanong niya.
"Bibigyan mo ako ng cookies diba?"
Tahimik lang niya itong tinitigan. He was acting really strange. Humalukipkip rin siya. Suddenly, something sneaky crept into her wicked mind. "Kapag nagbibigay ako ng cookies, may kasama iyong kape. At dahil may kasamang kape, kailangan iyong bibigyan ko eh papasok sa bahay ko at sa dining table ko kakain." naghahamong aniya.
"Basta kunin mo na lang at ibigay mo sa akin." naiinip na anito.
"Ayaw mong pumasok sa bahay?"
"Just give those damned cookies!"
"Tatawagan ko na lang si Jae. At least siya, willing pumasok sa bahay ko para kumain ng cookies at uminom ng kape. Hinding hindi rin niya sasabihing damned ang cooki—"
He angrily walked pass her and went straight inside her house. Napangisi siya. Effective nga yata ang bagong strategy na natuklasan niya. She'll thank Jae later. Ngingiti ngiting sinunandan niya ito papasok. She found him standing at the center of her living room, looking so hot while furiously waiting for her. Nilagpasan niya lang ito at nagtuloy sa kusina.
"Maupo ka muna. Ay teka, basang basa ka ng pawis, baka gusto mong maligo muna?" tanong niya. Bumalik siya sa sala at inabutan ito ng isang basong malamig na tubig.
Kinuha nito iyon at ininom. "Mabaho na ba ako?" mayamaya'y tanong nito.
"Hindi ko alam. Hindi naman kita inamoy." ingos niya. Napangiti ito. It was the first time she's ever seen him smile at her like that. The last time was ten years ago. It was the old Luigi's serene smile that she always missed to see so much. "You can take a quick shower. Eksakto siguro, pagkatapos mong maligo eh nakaready na itong kape at cookies."
"Gumagawa ka talaga ng paraan para makasama ako, ano?"
"Oo naman. Ang galing ng plano ko, diba?"
Napailing ito, pero hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi nito. "Fine. Maliligo lang ako. I'll be back later." anito bago umalis.
Maliksi siyang kumilos. Bumalik siya sa kusina at agad na nagtimpla ng kape para sa kanila. Sinigurado niyang magiging masarap ang almusal na ihahanda niya. Napatingin siya sa orasang nakasabit sa may sala. Alas-nueve y media pa lang ng umaga. Ano kaya'ng iluluto niya mamaya para sa pananghalian nila? Natawa siya sa sarili. Para siyang may bahay na sobrang excited pagsilbihan ang asawa niya. Hindi naman naglaon at bumalik na si Luigi.
"Wow, mukhang ang bango bango mo na ah." biro niya.
"Bakit, naamoy mo ako?" tumuloy ito sa kusina at naupo sa harap ng dining table.
"Oo kaya. Andami mong nilagay na pabango. Nagpapa-impress ka ba sakin?"
"Kailangan ko pa bang gawin iyon, eh alam ko namang patay na patay ka na sa akin?"
Natawa siya. "Nagbago ka na nga. Ang yabang yabang mo na." iiling iling na sinalinan niya ng kape ang tasa nito.
"Akala ko ba cookies ang ibibigay mo?"
"May na-bake din kasi akong lasagna kanina eh. Baka kako, gusto mo rin."
Natigilan ito. Iyon na naman iyong awkward moment sa pagitan nila. Favorite nito ang lasagna at garlic chocolate cookies. Lagi niya nga itong dinadalhan noon sa school eh. He always ate his lasagna with cookies. Simula rin noong nalaman niyang paborito nito iyon ay naging paborito na rin niyang meryenda iyon. Tahimik siyang naupo sa tabi nito.
"Thanks." he muttered.
Napaangat siya ng tingin rito. He started eating his lasagna, along with the cookies she baked. Noon siya napangiti. She started eating her own share too. She sipped her coffee. "M-madami akong na-bake kanina. Pwede kang mag-uwi kung gusto mo." she tried to break the ice between them. Medyo naiilang na kasi siya dahil hindi man lang ito nagsasalita.
"Sure."
His reply was short, as she's expected. Ayaw siya nitong kausapin, that's for sure. "Masarap ba?" kiming tanong niya. Hindi sila pwedeng maubusan ng topic, hindi!
"Okay lang."
"Luigi..."
"Hmmm?"
"Gusto mo bang magdate?"
As soon as he heard her question, naibuga nito ang kasusubo palang nitong lasagna. Mabuti na lang mabilis nitong naiiwas iyon kaya sa sahig iyon tumilapon at hindi mismo sa mesa. Inihit ito ng ubo kaya naman napatayo agad siya at hinaplos haplos niya ang likod nito.
"Ano ba'ng sinasabi mo?" uubo-ubong asik nito.
"What? Nagtatanong lang naman ako."
Pinalis nito ang kamay niya. "I'm fine. You can sit down."
Tahimik siyang sumunod. "Kung ayaw mong makipag-date, okay lang."
Saglit lang itong natigilan bago umayos ng upo at napatingin sa kanya. "Nabigla lang naman ako sa tanong mo." he said, after a while.
Siguro nga, masyado niya itong minamadali. Hindi naman kasi ganon kadali ang magpatawad eh. "I'm sorry." nahihiyang napayuko siya.
"S-saan ba ang date na sinasabi mo?"
Singbilis ng kidlat ang ginawa niyang paglingon rito. "W-what did you say?"
"You know I hate saying things that I already said, right?"
Napangiti siya. "I think I didn't hear it right."
"Sabi ko, saan ba ang date na sinasabi mo?" nag-iwas ito ng tingin. "K-kung malapit lang, maybe I can accompany you." tila nahihiyang anito.
"Medyo malayo siya eh."
"Where?"
"It was a place I've always wanted to visit. We can go before lunch. Masarap magpicnic doon eh." nakangiting suhestiyon niya.
"Hindi pa ako pumapayag."
"Hindi ka makakapunta?"
"Hindi tayo pwedeng gabihin."
"Promise, hindi tayo gagabihin."
"Fine. Katukin mo na lang ako kapag aalis na tayo." patianod nito. Tumayo na ito. He was about to leave when he suddenly stopped and turned to her. "By the way, thanks for the lasagna and the cookies." iyon lang at iniwan na siya nito.
Hindi naman halos mawala-wala ang ngiti niya habang hinahabol ng tingin ang papalabas na si Luigi. Normal lang naman ang kiligin sa mga pagkakataong kagaya nun, diba? Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Heart, please be still. Huwag ka muna magwala. Wala pa tayo sa climax. Paano na lang kapag natuloy na iyong date natin, diba?" kausap niya sa puso niyang kanina pa nagwawala sa pagtibok. Lalong lumawak ang ngiti niya.
*******************
"What are we doing here?"
Sa halip na sagutin ay inalis niya ang suot na seatbelt at binuksan ang pinto ng kotse niya. She insisted of driving, katwiran niya ay siya ang nakakaalam ng lugar na pupuntahan nila. "Ano pa'ng ginagawa mo diyan? Baba ka na." aniya bago tuluyang umibis ng kotse.
Medyo natagalan bago lumabas si Luigi. "You didn't answer my question. Bakit tayo nandito?" anito sa nag-aakusang tono. His lips were pursed supressing his anger, obviously.
Napatingin rin siya sa tinutumbok ng tingin nito. They were standing in front of Collegio de San Martin dela Porres. Ang lugar na sinabi niyang gustong gusto niyang puntahan ay ang dati nilang eskuwelahan ni Luigi. It was the place that held all of the memories she had with him—both good and bad. Sampung taon din niyang pinigilan ang sariling balikan ang lugar na iyon. Ipinangako niya sa sariling sa oras na bumalik siya roon ay kasama na niya ulit si Luigi. Natupad ang isa sa mga pinangarap niya. Finally.
"Don't worry dahil Sunday ngayon ay walang studyante."
"Let's go home." mariing anito.
Hindi siya nagpaapekto sa naging reaksiyon nito. She's kinda expected it. Hinawakan niya ito sa kamay. "Tignan natin kung si Mang Juan parin ang guard." hila niya.
Hindi ito nagpahila kaya naman natigilan siya. "Umuwi na tayo."
"Akala ko ba naka-move on ka na? Hindi ba't ako dapat ang nahihiya at hindi ikaw? Isa pa, nangako kang sasamahan mo ako ngayon. Nandito na tayo eh, alangan namang bumiyahe pa ulit tayo mula Cavite pabalik ng Laguna?" tanong niya. Napipilan ito.
Matagal muna itong nakipagtagisan ng tingin sa kanya. "Fine." he audibly sighed.
Muli niyang ginagap ang kamay nito at hinila ito patungo sa guard post ng eskwelahan. Napasimangot siya sa nadatnang gwardiya. Hindi iyon si Mang Juan. Marahil ay bagong gwardiya, dangan lamang ay mukha itong strikto. Kaya sa halip na tumuloy ay hinila niya palayo si Luigi. "Let's go." yakag niya.
"Oh, akala ko ba gusto mong pumasok?" takang tanong nito.
"Mukhang masungit iyong bagong guard."
"So what? Alumni naman tayo rito, baka pwede tayong dumalaw, diba?"
Napailing siya. "Kaya ko lang naman ginustong dumaan sa front gate ay dahil gusto kong makita ulit si Mang Juan. Pero dahil wala siya, we'll use the "other" way to get in."
"What do you mean?"
Napangisi siya. Binistahan niya ang suot nito. He was wearing faded jeans, sneakers and black shirt. Nagpatango-tango siya. She too was wearing jeans and sneakers. Sinabihan niya itong iyon ang isuot nila dahil sa gagawin nila. Inayos niya ang pagkakasukbit ng suot niyang backpack—naroon ang baon nilang pagkain. "Halika ka na kasi!" tawag niya.
"Saan?"
"Sa mahiwagang butas." excited niyang sagot. Saglit lang itong natigilan. Pagkunwa'y bigla itong napangisi. "Halika na!" excited silang tumungo sa mahiwagang butas.
Ang mahiwagang butas ay isang daan na ginawa nila noon. It was placed at the back of their school. May ginawa silang butas na itinago nila sa likod ng mga bushes sa bakod.
"Siguro naman ay wala pang nakaka-hanap ng daang ito." ani Luigi.
"Ang ganda kaya ng pagkaka-camouflage mo." natatawang aniya. Lalo silang natawa nang makitang hindi pa nga nasasarhan ang ginawa nilang butas noon. Mang Juan must have guarded that little hole, kagaya ng bilin niya rito noon. She motioned him to bend down and come closer. "Sa tingin mo, kasya pa tayo rito sa butas?" bulong niya.
Nagkibit ito ng balikat, tapos ay binistahan siya. "Well, I guess you can still fit in that. Hindi naman masyadong nagbago ang figure mo."
"What do you mean, hindi masyadong nagbago?"
"Tumaba ka lang ng—"
Binatukan niya ito. "Ako, tumaba?"
"What? Totoo naman ah."
She smirked. Naiinis na siniko niya ito nang bigla itong tumawa. "Ikaw, baka hindi ka na kasya rito. Anlaki na kasi ng katawan mo." nang-uuyam na aniya.
Pero imbes na mainis ay ngumisi lang ito. "Oo naman. Suki ako sa gym eh. Pinagnasaan mo pa nga ang mga muscle at abs ko, diba?" nakakalokong pagyayabang nito.
Nag-init ang mga pisngi niya. She couldn't deny that, right? Hindi nga naman naalis ang tingin niya rito noong una niya itong mabungaran na naka-boxers lang noong pinagbuksan siya nito ng gate. "You are flaunting." she accused.
"Just get in." tumatawang udyok nito.
Nakasimangot siyang lumusot sa butas. Mayamaya'y lumusot din ito. Nakakatawang isipin na after ten years ay hayun sila at para pa ring mga timang na nagtya-tyagang dumaan sa mahiwagang butas kesa dumaan sa gate. The thrill and the excitement of being caught by the guards were still there. "Dalian mo! Dalian mo!" natatawang tawag niya.
"Damn! Halos hindi na ako kasya sa butas. Is it really wrong to have muscles like this?" nagyayabang pa nitong tinapik tapik ang muscle nito sa braso.
Naiiling na hinampas niya ito. "Ang feeling mo. Halika na nga."
Dumiretso sila sa bandang likuran ng campus. Pareho silang natigilan sa nakita. Pagkunwa'y napalingon siya rito nang biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. He was trying to act not affected, pero nararamdaman niyang apektado rin ito. Ibinalik niya ang tingin sa particular na bagay na iyon. It was that same old mango tree.
Ang punong iyon ay nagsilbing piping saksi sa pagmamahalan nila. Sa ilalim ng punong iyon unang nagtapat sa kanya si Luigi. Doon rin unang naganap ang first kiss nila, ang first date nila, ang first monthsary, ang first year anniversary, maging noong sinubukan niyang tapusin ang relasyon nila bago sila nauwi sa canteen noon. Pinilit niyang pigilin ang pag-alpas ng kanyang mga luha nang mapadako ang tingin niya sa katawan ng puno.
Nandoon pa rin ang tanda ng pagmamahalan nila. Naroon pa rin ang inukit nilang mga pangalan nila na nakapaloob sa isang malaking hugis puso. Natawa siya. Ang korni ng ginawa nila noon. Inaway pa nga niya noon si Luigi eh, sabi niya, ang korni ng pag-uukit nito ng pangalan nila sa puno. Huminga siya ng malalim. She suddenly felt so overwhelmed.
"Dito tayo magde-date?"
Napakurap siya sa tanong ni Luigi. "Y-yeah. Nagdala ako ng blanket at pagkain natin."
"Eh ano pa'ng ginagawa natin dito? Aren't we going under the tree?"
Hindi ito nagalit sa ginawa niya. No violent reactions whatsoever. That fact alone made her heart feel at ease. Tumango siya. "Halika na. Doon tayo sa dati." yakag niya.
Tahimik nilang inilatag ang blanket sa lupa. Pagkunwa'y inilapag na rin nila ang mga pagkaing niluto niya kanina. Doon sila magla-lunch. Presko doon at makulimlim kaya napakasarap tumambay. Doon sila madalas magmeryenda at magbasa ng libro noon. Sitting under that tree, while Luigi was beside her, pakiramdam niya ay nagbalik siya sa mga panahong pareho pa silang masaya...ten years ago.