"Ayoko nga eh!"
Napasimangot siya sa pagtanggi ni Luigi. Nagtatampong tinakpan niya ang tupperware na pinaglalagyan ng dala niyang cookies. Padabog niya iyong inilagay sa bag niya. Patayo na siya nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya. "Bitiwan mo ako. Aalis na ako." nagtatampong binawi niya ang braso.
Napailing ito at bumuntong hininga bago siya hinila pabalik sa tabi nito. "Ang bilis magtampo oh. Halika nga dito." naglalambing na niyakap siya nito.
Pero dahil nagtatampo pa rin siya ay sumimangot lang siya, imbes na kiligin sa ginawa nito. "Bitiwan mo nga ako. Aalis na ako. Uuwi na ako at hinding-hindi na ako magpapakita pa ulit sa'yo." nanunulis ang ngusong aniya na nagpatawa naman sa binata.
Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. "Sorry na, Airen."
"Airen, Airen! Mag-iisang taon na tayong magkasintahan, wala ka pa ring endearment sa akin. Buti nga ako, oppa ang tawag sa'yo eh." bubulong-bulong na reklamo niya.
Binitiwan siya nito. Pagkunway sumandal ito sa puno ng mangga. She heard him sigh. "Ayaw mo ba na tinatawag kitang Airen?" mayamaya'y tanong nito.
"That's my name. Lahat ay Airen na ang tawag sa akin."
"I always call you Ay-ren, not Ey-ren."
"Ganon pa rin naman iyon. Bakit iyong mga iba, may pa-sweetheart sweetheart pa? May honey, cupcake, lovey-dovey, sweetie pie, buko pie, cookie, pero tayo walang ganon?"
Ilang beses na niyang ipinagmamarakulyo iyon sa kasintahan. Gusto niya na maging sweet rin ito sa pagtawag sa kanya. Pero lagi itong tumatanggi, dahil napaka-espesiyal daw ng pangalan niya. Ano ba'ng espesyal doon? Aicelle ang pangalan ng mommy niya, Renato naman ang sa daddy niya. It was just a combination of her parents' name! Ni hindi nga niya nakasama ng matagal ang mga magulang eh, dahil maagang nawala ang mga ito.
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan mo?"
Napalingon siya rito. He was smiling. His eyes were dreamy. He held her hand so tight that made her speechless for a while. Kaya naman napailing na lang siya bilang pagsagot.
"Airen in Japanese means perfect love or soulmate. In Chinese it means lover, spouse, and someone I love." nakangiting saad nito. "You are my Airen, you are my soulmate, my perfect love, and that special someone I love." madamdaming paliwanag nito.
Noon unti-unting gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Kinikilig na humilig siya sa balikat nito. Dagli rin niyang nakalimutan ang pagtatampo niya rito. "Ikaw ah, saan mo ni-research iyang mga meaning na iyan? Baka naman pinaglololoko mo lang ako."
"Hindi ah. Alam mo naman kung gaano ako katalino diba?"
Natawa siya sa biro nito. "Ang yabang mo."
"Hindi ka na ba nagtatampo sa akin?"
"Nagtatampo pa rin. Ayaw mo kasing kainin iyong dala kong cookies para sa'yo."
"Eh kasi nga busog na ako. Ang dami mo kayang dinala ngayon."
"Ganon? Fine. Ibibigay ko na lang ito sa mga kaklase natin mamaya."
"Ano ka? Akin iyan eh, bakit mo ibibigay sa iba?" salubong ang kilay na sita nito.
"Alangan namang itapon ko? Eh busog ka na. Ayaw mo ng kainin diba?"
Lalong nalukot ang ilong nito. "Ayoko. Akin iyan eh, kaya hindi mo pwedeng ipamigay sa iba."
"Kelan ka pa naging madamot? Kina Mabelle ko lang naman ibibigay ito."
"Kahit na. Iuuwi ko na lang kung hindi ko maubos."
Natawa siya. May pagkaseloso talaga ito. Naglalambing na inayos niya ang suot nitong eyeglasses. "Bakit sa tuwing nagseselos ka eh ang cute cute cute cute mo?"
"Bakit sa tuwing naglalambing ka eh gustong gusto kitang hinahalikan?" nakangiting bumaba ang mga labi nito patungo sa nakaabang na mga labi niya. It was a passionate yet very short kiss. "Hanggang kailan natin kailangang magtago, Airen?"
Natigil sa ere ang ngiti niya dahil sa tanong nito. Napabuntong-hininga siya bago kumalas mula sa pagkakayakap nito. "A-alam mo naman ang mangyayari, hindi ba?"
"Natatakot ka pa rin ba sa ex mo?"
"H-hindi mo kilala si Sanji." Ex-boyfriend niya ang tinutukoy niya. Matagal na niya itong hiniwalayan ngunit ayaw pa rin siya nitong bitawan. Lagi itong nakabuntot sa kanya at hindi pa rin nito matanggap na hiniwalayan niya ito. He was a very scary man.
"Mag-iisang taon na tayo."
"Pero..." hindi na niya naituloy ang pag-tanggi nang makitang lumamlam ang mga mata nito. "Luigi naman eh." aniya nang hindi na ulit ito umimik pa.
"Siguro ikinakahiya mo ako." mahinang saad nito.
Hindi nito naitago ang sakit sa mukha nito. She held his hand and squeezed it tight. "Alam mong hindi totoo iyan, diba? Mahal na mahal kita, Luigi."
"Pero bakit ayaw mong ipaalam sa lahat na tayo na?"
She sighed. "Fine. Sa first year anniversary natin, sasabihin na natin sa lahat ang tungkol sa atin." Mariin siyang napapikit. Sana ay tama ang gagawin niya. It was then for her to know that what she did was a wrong move. Dahil sa ginawa niya ay lalong nagkagulo ang lahat. And what happened next ruined their relationship...and their lives.
"Airen..."
Naalimpungatan siya nang maramdaman ang pagdampi ng kung ano'ng malambot na bagay sa kanyang pisngi. Gulat na napaayos siya ng upo nang makita si Luigi na nakangiti habang nakatunghay sa kanya. She was leaning on his broad shoulders. At hindi siya manhid para hindi malamang nakatulog siya habang nakasandal sa malapad nitong balikat.
"I'm s-sorry. Nakatulog ba ako ng matagal?" namumula ang mukhang tanong niya.
"Hindi naman. Mukhang napagod ka yata?" nakangiting puna nito.
"Namiss ko lang siguro ang simoy ng hangin rito. Sa tuwing nandito ako, lagi akong nakakaidlip." napainat siya at napahikab. Napatingin siya sa dala niyang backpack.
"Inayos ko na ang mga pagkain habang natutulog ka."
Lalo siyang namula. "N-nakakahiya naman sa'yo."
"Sanay na ako."
Pareho silang natigilan dahil sa tinuran nito. Sanay na ako. It has always been his line, sa tuwing nakakatulog siya roon noon at inaayos nito ang mga libo niyang nagkalat. Something warm touched her heart. Marahil ay tanga nga siya, dahil kahit alam niyang mahal pa rin niya ito at pinigilan niya ang sariling higit pang mahulog rito ay hindi pa rin siya nakaiwas. She just loved him more. Kahit pa alam niyang impossibleng ibigin ulit siya nito.
Itinaas niya ang mga tuhod at niyakap iyon. Katahimikan ang namayani sa pagitan nila. "Luigi, galit ka pa ba sa akin?" buong tapang niyang tanong. Hindi ito sumagot, bagkus ay napasandal lang ito sa puno ng mangga at napabuntong hininga. "Can I ask you sa favor?"
Noon ito napalingon sa kanya. "What is it?"
Can you forgive me? Napayuko siya. It was silly for her to even think about that. "Pwede mo bang pakinggan ang paliwanag ko kung bakit ko nagawa iyon sa'yo?"
His eyes turned cold. Sa pormal na anyo ay tumango ito. "I'll listen. Pero huwag mo sanang iisipin na porke nakinig ako ay pinapatawad na kita. Lalo na ang paniwalaan ang paliwanag mo." his warning was as cold as the wind that made her silently shiver.
She cleared her throat and tried to smile at him. "Tama ka." panimula niya. Her misty eyes looked upon the blue sky. Pinipigilan niya ang pagpatak ng mga luha niya. As much as possible, she didn't want to cry in front of him. "It was all about Sanji. He threatened me. Ang sabi niya, papatayin ka raw niya kapag hindi kita hiniwalayan bago mag-graduation." natawa siya, while he remained silent and expression less. "Ang tanga ko, diba?"
"Ang tanga ko para maniwala sa kanya. Pero hindi lang ako tanga eh. Duwag din ako. Naduwag ako para sa'yo. I couldn't imagine you being dead. Kaya hiniwalayan kita. Pero tama naman iyong ginawa ko diba? Buhay ka pa ngayon, buhay na buhay." bumalong ang masagang luha mula sa kanyang mga mata. Hinid niya napigilang napahikbi at napahagulhol.
Napakasakit ng dibdib niya. Halos hindi siya makahinga. Ang sakit eh. Ang sakit sakit alalahanin ng pangyayaring iyon sa buhay niya. Iyong pangyayaring sampung taon rin niyang pinagsisihan. Hindi niya hinihiling na matinag si Luigi sa sinabi niya. Lalong hindi niya inaasahang yayakapin siya nito at aaluin. Sasabihing naniniwala ito sa kanya at pinapatawad na siya nito. He might be angry, o baka ni wala itong maramdaman sa ginawa niya.
Afterall, galit ito sa kanya. Galit na galit.
"Hindi mo inaasahang yayakapin kita at sasabihing naiintindihan ko ang ginawa mo ten years ago, hindi ba?" he asked in a mocking tone.
Hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin. Ayaw niyang makita ang galit na mukha nito. She hugged her knees tighter and kept on crying. "I'm sorry. I'm really really sorry."
"You should be." his voice croaked. "You couldn't imagine the kind of life I had when you left me. Alam mo ba kung bakit galit na galit ako sa'yo?"
"D-dahil nilait kita noon? Dahil sinunod ko si Sanji?" napaangat siya ng tingin sinalubong ang mata nito. She saw pain, rather than hatred in his eyes.
"Dahil isinuko mo ako, Airen. Ilang beses kong sinabi sa'yo na mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang magkahiwalay tayo, hindi ba? Well guess what, dahil sa ginawa mo ay pinatunayan mong nagkamali ako. After ten years, look at me. Buhay na buhay. Hindi ako namatay noong iniwan mo ako at isinuko. The old, weakling and feebleminded Luigi did."
"Hindi kita isinuko!"
"You did. The moment you broke up with me, you already did. Hindi pa ba naging sapat ang lahat ng mga nagawa ko para sa'yo noon, Airen? Everyday, every freaking day of my life, tiniis ko ang lahat ng pang-aalipusta ng mga tao sa paligid ko. Tiniis ko ang lahat ng pananakit at pambubugbog ni Sanji. Hindi ako lumaban kahit minsan. Alam mo ba kung bakit? Kasi, kapag lumaban ako, ikaw ang sasaktan niya."
Natigalgal siya sa nalaman. Napailing siya at lalong napatangis. "H-hindi..."
"Tiniis ko lahat Airen. Hanggang sa kahuli-hulian, tiniis ko. Umasa kasi ako eh. I held onto your promise na hinding-hindi mo ako isusuko at iiwan. You don't know how hard it was for me, pero lahat kinaya ko, kasi mahal na mahal kita eh. Hindi kita kayang isuko."
"I'm sorry. Oh my god, I'm so sorry." sinubukan niya itong lapitan.
Ngunit pumiksi ito. "It was too late, Airen. I can never trust you again." iling nito.
"But I still love you, Luigi."
"Madali lang ang magmahal, Airen. Pero mahirap ang magtiwala. Hindi ako magpapaka-ipokrito at sasabihin ko sa'yong hindi na kita mahal. You made me love you again, that was easy for you to do. But that doesn't change the fact that I have hated you for more than ten years of my life. I can never trust you again. Never."
"C-can't you trust me again, Luigi? Please?"
"You want me to trust you?" maigting at nang-uuyam nitong tanong. I want you to stay out of my life forever. Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan. Kapag nagawa mo iyan, doon lang ako maniniwala at muling magtitiwala sa'yo."
Tumayo ito at iniwan siyang hindi makapaniwala habang tumatangis. She shook her head. She couldn't loose her chance. Hinding-hindi na niya ito isusuko kahit kailan. Kung kailangan niyang lumuhod, gumapang o magpakamatay sa harap nito ay gagawin niya, mapatawad lang siya nito. Inipon niya ang natitirang lakas at tumayo rin upang sundan ito.
"Akala ko ba, nawalan ka ng tiwala sa akin dahil isinuko kita?" sigaw niya na nagpatigil rito sa paglalakad. Hindi ito lumingon ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsasalita. "Galit na galit ka dahil isinuko kita noon, pero ngayon gusto mong ulitin ko iyon? Sa tingin mo ba ay baliw ako para gawin iyon? Lalo na ngayong alam kong mahal mo pa rin ako?" naglakad siya palapit rito at mahigpit itong niyakap sa likod.
"Bitiwan mo ako." hinawakan nito ang kamay niyang nasa bewang nito.
She tightened her grip on him. "Hindi kita kayang isuko, Luigi."
"Nagawa mo na noon."
"Iba noon, iba ngayon!"
"Wala iyong ipinagkaiba. You didn't love me that much."
"Kaya kong patunayan na—"
"Hindi na ako ang dating Luigi na minahal mo."
"I don't care! Ako pa rin naman ang dating Airen na minamahal ka."
"Bitiwan mo ako." pilit nitong inalis ang pagkakayapos niya at hinarap siya. "Look, huwag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa akin. Hindi mo na maibabalik ang laha—"
Hindi niya ito pinatapos. Tumingkayad siya at mabilis na idinampi ang mga labi sa mga labi nito. She took the slightest chance she had, para ipadama rito ang pagmamahal niya. She took the risk, kahit na alam niyang maaaring lalo lang nitong ikagalit ang ginawa niya. So what? Mahal niya ito eh. Kesyo magmukha pa siyang tanga at martir sa harap nito.
He didn't respond to her kiss. Tila isa itong tuod habang kalapat labi siya. Labis siyang napahiya sa reaksiyon nito. Maybe it was true. Wala ng pag-asa pa ang pagpapaliwanag niya dahil hinding hindi na niya maibabalik ang mga panahong nawala sa kanila. Inilayo niya ang mukha rito. Mapait siyang napangiti. Maybe it's time for her to accept her defeat. Siguro nga, kahit gaano pa katindi ang pagmamahal niya rito ay wala na iyong halaga. She has to give up.
"Now I know." bulong niya. Tinitigan niya ito sa mata. "Siguro nga, tama ka. Walang patutunguhan itong ginagawa ko. I'm out of your life, Luigi. I'm sorry for everything."
She was about to turn her back when he hurriedly grabbed her wrist and pulled her to him. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. She tried to let go, but he didn't let her do that. Sa halip ay lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. And in one split second, his other hand snaked around her nape, held her head high, enough for her to look at him. She gulped. Not hatred, but something else was in his eyes. What was he trying to do?
"Dammit Airen. What the heck are you doing to me?" paasik na anas nito.
"Y-you don't have you be angry. I'm letting you go. Ito ang gusto mo diba?" napasinghap siya nang bigla siya nitong higitin, mas malapit, halos hindi na siya makahinga.
"I'm angry, yes." tila hinihingal na anas nito. She was aware of his hot breath fanning all over her face and his husky voice just made her breathless. "Alam mo ba kung kanino ako galit? Hindi sa'yo, kundi sa sarili ko mismo. I'm crazy."
Pagkasabi nito niyon ay agad na sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. Unlike what she did, his kiss was fervent and passionate, as if he was hungry. He was literally nibbling her lips. She gasped when he did that. Sinamantala nito iyon at mas lalo pang pinalalim ang halik. She was lost. She kissed him back with the same intensity, with the same passion. She missed him so much. And he was kissing her like he didn't want the kiss to end.
Pero dahil kailangan nilang huminga at nauubusan na rin sila ng hangin ay kinailangan nilang tumigil sa paghalik sa isa't isa. Hinihingal na napatitig siya kay Luigi. He did too. Hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman niya. His stare was so penetrating that it made her cheeks feel like burning. Napayuko siya. Ngunit iniangat lang nito ang mukha niya.
"Tell me Airen, nababaliw na ako hindi ba?"