Chereads / SOMEONE ILOVE (COMPLETE) / Chapter 12 - CHAPTER ELEVEN

Chapter 12 - CHAPTER ELEVEN

"I got a feeling, that tonight's gonna be a good night. That tonight's gonna be a good good night. I got a feeling. Wooo-hooo!" kumakanta at sumasayaw siya habang malawak ang ngiting nagdidilig ng mga halaman niya sa labas ng kanyang bahay.

Tapos na niyang diligan ang mini garden niya sa loob kaya itong nasa labas naman ang pinagdiskitahan niyang diligan. Kadalasan ay hindi siya ang gumagawa ninyon. May inuutusan siyang magdilig at mag-alaga ng mga halaman niya. Pero dahil bukod sa Sunday, which meant she didn't have to go to her coffee shop dahil hindi nagbubukas ang Airen's Lounge tuwing linggo, ay maganda rin ang gising niya. Actually, super duper ganda.

Of course, may kinalaman iyon kay Luigi. Kinikilig na hinawi niya ang bangs. Sa sobrang saya niya kagabi dahil kinain nito ang niluto niya ay napanaginipan pa niya ito. She sighed dramatically. Hindi na yata friendship ang gusto niyang maibalik sa pagitan nila. Una palang ay umamin naman na siyang mahal pa rin niya ito. Napailing siya. Ayaw niyang maging sakim, she won't force him into something that would make it harder for him.

"Good morning, Airen!"

Napakislot siya sabay napalingon sa bumati sa kanya. "Good morning, Jae!" ganting bati niya. "Ang aga mo ngayon ah? May practice game ulit kayo?"

"Oo eh. Ikaw ang maaga ngayon. Tsaka nakakapanibago. Lumabas ka ng bahay mo ng may araw na." himig nagbibiro at nanunuksong anito.

"Bawal lumabas?" natawa siya.

"Hindi naman. Mukhang maganda yata ang mood mo, ah."

Napangiti siya. "Medyo." she shrugged.

"Baka gusto mong manood ng practice game mamaya?"

Saglit siyang natigilan. Maaga pa. Isa pa, mamayang tanghali pa naman niya balak kulitin si Luigi. Ibinalik niya ang tingin kay Jae. "Why not? Tatapusin ko lang itong dinidiligan ko. I will bring Mabelle with me." nakangising aniya.

"S-sige. I will wait for you, Airen." paalam nito.

Natatawang napailing siya. Hindi lingid sa lahat ang "bulgar" na pagnanasa ni Mabelle sa kapitbahay nilang si Jae. Kuya ito ni Alyssa, na isa sa mga waitress niya sa shop. Ipinagpatuloy niya ang pagdidilig. Tatawagan niya si Mabelle mamaya. She bet, her friend would be so thrilled kapag sinabi na niya ritong manonood sila sa gym ng basketball.

"Ang lawak ng ngiti mo ah."

Kamuntik na niyang mabitawan ang hawak na hose dahil sa kabiglaan. Napasinghap siya nang malingunan ang pormal na pormal na tingin ni Luigi sa kanya. Lalo siyang napipilan nang mapagmasdan niya ito. He was looking oh so fresh, with his still dripping wet hair. Hindi niya naiwasang mapalunok dahil sa maumbok na muscles nito sa braso na kitang-kita niya dahil sa suot nitong jersey. Tapos pamatay din ang isang dimple nito na nasa left side ng labi nito, lalo siyang nawala sa katinuan niya. Oh gosh, may Koreanong anghel!

"Uh..." she cleared her throat. "M-maganda lang ang gising ko."

"Bakit? Kasi may nagpacute sa'yo, kahit kay aga aga?"

Napakunot ang noo niya. "Nagpacute?" nagtatakang itinigil niya ang pagdidilig at hinarap ito. "Ano ba'ng sinasabi mo?"

"Talaga bang ganito ka? Lumalabas tuwing umaga para mapansin ka ng mga lalake?"

"Ano ba'ng sinasa—" napaawang ang mga labi niya. "Are you talking about Jae?"

"No, I'm talking about you and your..." tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

"What's wrong with my dress? Bawal magshorts?"

"Buti sana kung maganda iyang legs mo."

"For your information, itong legs ko ang asset ko."

"Kaya pala nagsusuot ka ng mga maiikli para ibalandra sa lahat iyang ipinagmamalaki mong asset, ganon ba?" nagsisimula na namang maningkit ng singkit pikit nitong mata.

Saglit siyang natigilan sa pag-aalburoto nito. He was acting weird. "Hindi naman yata iyan ang issue dito eh." mayamaya'y napangisi siya.

"Ano'ng issue ba iyang sinasabi mo?"

"Are you jealous of Jae?" lalong lumawak ang ngisi niya nang makitang pinamulahan ito ng mukha. "You're blushing. I'll take that as a yes."

"I am not blushing!" asik nito.

"Ano'ng tawag mo sa pamumula ng mukha mo?"

"You're crazy."

"Manonood ako ng game."

"So what?"

"Sino'ng gusto mong i-cheer ko, ikaw o si Jae?" nakakalokong tanong pa niya.

"Hindi ko kailangan ng pagchi-cheer mo. Madaming handing mag-cheer sa akin." pasupladong anito. Pagkunwa'y tinalikuran na siya nito at iniwan.

"Fine. Si Jae na lang ang ichi-cheer ko." pahabol niya. Of course, he didn't even bother to turn his back on her. Well, mamaya, sa game, she'll make him notice her more.

Excited siyang pumasok sa kanyang bahay. Diretso niyang dinampot ang kanyang telepono at idinayal ang numero ni Mabelle. "Goodmorning, Belle!" magiliw niyang bati matapos nitong sagutin ang tawag matapos ang ilang ring.

"Morning, Airen."

"Walang good?"

Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "I'm not feeling well. Paano, dumaan ba naman sa tapat ng bahay ko si Jae, pero hindi pinansin ang good morning ko. Kung hindi lang talaga iyon gwapo, sinakmal ko na sa leeg eh."

Kahit hindi niya ito nakikita ay nakikini-kinita na niyang nakasimangot ito. "They will be having a practice game today. Gusto mo bang manood?"

"Ano'ng nakain mo at nag-aaya kang lumabas sa lungga mo?"

She almost rolled her eyes. "Gusto mo o ayaw mo?"

"Hindi ko alam e, parang tinatamad yata ako. Ang hirap ma-broken heart."

"Kahit na sabihin ko sa'yong maglalaro din si Jae mamaya?"

"Anak ng! Ano pa ba'ng hinihintay mo, pasko? Heto nga oh, magpapa-sexy na ako at tatakbo na papunta sa bahay mo. Magbihis ka na, okay?"

Natawa siya sa mabilis na sagot nito. Mabelle even hung up on her! Malaki talaga ang tama nito kay Jae. Sabagay, maging siya ay excited pumunta sa Soul Basketball Court para manood ng laro. Nagkukumahog siyang tumakbo patungo sa kanyang kwarto upang magbihis. Mamaya, mapapasakanya ang buong atensyon ni Luigi. She wickedly grinned.