Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

A Vocalist Diary

🇵🇭MyNameIsKeleyan
--
chs / week
--
NOT RATINGS
60.6k
Views
Synopsis
Ito po ay isang One Shot Story na sariling likha ng aking malawak na pag iisip. Ang mga lugar, pangalan ng mga tauhan , pangyayari sa kwentong ito ay pawang likha lamang at walang katotohanan . Kung sakali mang ito ay may pagkakatulad sa mga nabanggit ay maaring nagkataon lamang at walang kinalaman sa aktuwal na kwento. Ano man ang maging opinyon at saloobin nyo matapos mabasa ang kwentong ito ay aking tinatanggap. ******** Sypnosis ******** Ninais ni Melvin na tapusin na ang kanyang buhay upang magwakas na ang kanyang paghihirap. Pero sa di maipaliwanag na dahilan dinala sya ng kanyang kamatayan sa nakaraan. Sa lugar na kung saan ipapakita sa kanya ang kanyang naging buhay. Sa papaanong paraan kaya niya matatanggap ang mga bagay bagay na pilit nyang tinatakasan, ang mga bagay na kung saan pinilit nya na itong wakasan. At ano nga ba ang dahilan kung bakit sya humantong na tapusin ang kanyang buhay ? A Sci-Fiction Romance Drama Story at base sa mga literal na nangyayari sa buhay . Layunin ng lumikha na gumawa ng mga kwento na kung saan magkakaroon ng aral ang mga magbabasa, at pagiisip kung paano tumatakbo ang realidad ng mundo . Kwento ito ng isang tao na may pangarap sa buhay . Pangarap sa kanyang magulang. Hilig at talento . Pero sa kabilang banda nariyan ang realidad ng mundo , mga pagsubok at mga paghihirap na magpapabago sa takbo ng kanyang pananaw sa buhay . Ipapakita naten kung gaano kahalaga ang pangarap sa buhay ng isang tao. Nawa'y masuportahan nyo ang aking gawa. Salamat. ----------------- Panulat ng may akda : Keleyan Jun Pyo
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

*********

Tanda ko pa.

Maayos ang panahon ng araw na iyon. Sumisingaw ang sinag ng araw na nagmumula sa lupa sa aking mga balat na para bang masusunog ito.

Ang paligid ay puno ng mga tao , kahit saan ka tumingin . May mga naguusap , kumakain , at nagkukulitan .

Sa dakong kaliwa ko ay meron mag amang nakaupo sa isang parihabang upuan , tila naghahantay ata na dumating ang tren . Masaya nyang kinakausap ang anak nya at tinuturuan ito habang hawak ang isang libro at akbay akbay sa balikat nito ng buong pagkagalak.

Ang kanyang anak naman ay di maitago ang ngiti sa mga labi , na animoy umabot na sa tenga at para bang sya na ang pinakamasayang bata sa buong mundo.

Sa aking bandang kanan naman ay isang lalaki na nakasandal at may hawak na gitara. Di ko maaninagan ang kanyang mukha dahil natatakpan iyon ng sobrang habang buhok na halos sakupin ang kalahati ng kanyang pagmumukha . Ang damit nya ay napupuno ng mga kumikinang na bagay . Nakakasilaw, At yung sapatos nya , sapatos ba yun ? Parang ngayon lang ako nakakita ng ganyang sapatos . Ang kanyang mga daliri ay napupuno ng mga singsing na may disenyong patusok tusok . Ganyan naba ang bagong uso ngayon ?

Pero kahit ganon. Hindi ko naririnig ang mga tao at bagay na nasa paligid ko. Bakit ganon ? Bakit ganito ang nararamdaman ko ? Sobrang lutang ang aking pag iisip at tila'y di ko alam kung ano ang ginagawa ko, at bakit ba ako naririto ?

Bakit nga ba ?

Alam ko na . Huminga ako ng malalim mula sa aking pagkakayuko . At nakita ang aking suot. Nakakatawa. Nakasuot pa pala ako ng uniporme sa aking unibersidad. Yung bag ko ? Butas na naman, tiyak binutas na naman ito nila Alfred at nung iba pa. Wala na talaga silang nagawang tama , para sa kanila ang makitang naghihirap ang kapwa nila ang nagpapasaya sa pakiramdam at nagpapaligaya sa buhay nila.

Oo nga pala naalala ko na. Pinagalitan pala ako ng aking professor dahil sinagot ko sya kanina. Si Mr Galmante ,di ko sinasadya pero di ko rin pinagsisishan.

Aking iniangat ang relo mula sa kaliwang kamay at tinignan ang oras . 9:48 am . Ang relo na ito ay mula sa aking nanay. Ako'y natigilan ng mga ilang segundo bago nakapag isip muli . Nung mga oras na ito di ko napigilan na di maluha. Binigay sakin to ng aking ina. Ang aking pinakamamahal na ina. Malungkot kong tugon sa aking sarili.

Ang suot kong kwintas ? Mula to sa aking kasintahan . Si Louella . Binigay nya ito nung kaarawan ko . Ang kwintas ay hindi kahabaan pero ang pendant ay gawa sa tanso na krus. Alam nyo ba na pinabless pa namin kay Father ito . Nakakatawa lang dahil nung sinuot ni Louella sa akin ito ay hindi nya maabot ang leeg ko, at kailangan pa nyang tumingkayad.

Bakit masakit ang kanang kamay ko ? Aking tinignan ang aking namumulang kamay at naalala ang nangyari kani kanina lang. Ako'y napangiti at napahawak sa aking buhok . Oo nga pala nagkaroon kame ng di pagkakaunawaan ni Jonas. Ang aking bestfriend. Ang aking kababata . Nasuntok ko sya kanina dahil pinipigilan nya ako pumunta sa lugar na ito.

Mamimiss kaya nila ako ? Maalala kaya nila ako ? Inilapat ko ang aking mga kamay sa aking mukha upang hawiin ang mga luha na pilit na tumutulo kanina pa.

Ako'y napatigil nang aking narinig ang tunog na nagmumula sa dakong paroon.

Naririnig ko na ang lahat !!!

Paparating na ang tren ! Napakalakas talaga ng busina nito. At kahit natatanaw mo palang, maaninagan mo na ang kabilisan ng pag andar nito mula sa malayo. At ang mga tao sa aking paligid na kanina ay may kanya kanyang gawain ay naghahanda na sa pagdating nito.

Handa na rin ako.

Pero hindi upang sumakay. Kung hindi upang tapusin na ang lahat sa araw na ito. Inihakbang ko ang aking kanang paa papalapit sa bukana ng paparating na tren. Inilapat ko rin ang kaliwa kong paa , handa sa pagtalon sa sakaling pagdating ng tren mula sa aking pwesto.

Naging masaya ako sa buhay ko, pero sa kabilang banda naranasan ko rin kung gaano kasakit mabuhay sa mundong ito.

"Hindi patas ang mundo sa tao , pero hindi rin naman patas ang tao sa mundo .

Papalapit na ng papalit ang tunog mula sa aking kaliwa hudyat na nariyan na ang tren . Akoy napapikit sa huling pagkakataon ngunit ako'y may naaninagan na tila isang tao sa kabilang bahagi ng istasyon . Di ko sya masyadong makita pero alam ko na kilala ko sya . Sigurado ako na kilala ko sya.

" MELVIN !!! " boses ng isang babae .

May isang babae na mula naman sa aking direksyon ang nagmamadaling tumatakbo papunta sa aking pwesto.

Narinig ko pa ang isang malakas na sirena na sinabayan ng isang anunsyo na kung saan binabanggit ang aking pangalan na pilit akong pinapalayo sa gilid ng dadaanan ng tren.

Paano kaya nila nalaman ang pangalan ko? Habang diretsong patuloy na naglalakad papunta sa bukana ng daraanan ng tren. Pero wala na akong pakealam doon. Sigurado nako sa gagawin ko. Wala nang makakapigil sakin.

Huli na ang lahat dahil nariyan na ang busina .

Ako'y tumalon kasabay ng pagdaan ng tren . Narinig ko pa na nagsigawan ang mga tao sa aking paligid sa aking ginawa.

Isang puting liwanag ang aking huling natanaw nang ako ay tumingala sa kalangitan sa huling pagkakataon. Bago nito naramdaman ko na ang pagtama ng tren sa buo kong katawan. Mula sa balikat papunta sa aking leeg at mukha hanggang sa aking ulo. Mabilis ang mga pangyayari . Tama lang to. Para di ko na maramdaman ang sakit .

Paalam .

Nagmamahal

Melvin Torres

********

- Itutuloy ang kwento sa unang bahagi nito at ang simula ng lahat . Abangan ang unang kabanata .

-- keleyanjunpyo

Read with your own risk

Author's Thought (Trivia of the story and personal traits of the author

About the story :

"Ang lugar kung saan ninais ng ating bida na wakasan ang kanyang buhay ay tinatawag na Pluna Train Station, nataon na pinagdiriwang sa araw na iyon ang ika animnapu (60years) nitong pagbibigay serbisyo sa Publiko. At isa sa mga pinakamatandang Train station sa timeline ng mundo sa ating kwento. Originated way back 1958"